099// Journal

22 3 19
                                    

APR 30 | 23:03

Tonight is just an ordinary night. Mag-isa pa ako sa kwarto ngayon habang inaayos ang mga damit sa bagahe. Nasa labas pa sina Zena, Cesar, Allan, at Iris, roommates ko. Magsisipilyo raw si Zena, ewan ko lang yung iba.

In fairness, medyo maluwag ang bawat room, kasya ang lima. Gawa sa kahoy ang halos lahat ng furnitures tulad ng lamesa, upuan, kabinet, at papag. Naka-furnish ang mga iyon kaya ang gandang tingnan. Maski ang pader at sahig ay gawa rin sa kahoy. 'Di ko tuloy mapigilang mapaisip kung magkano ang renta rito.

Kanina, nag-tour ako sa Room 27 na pwedeng gawing practice room ng kahit na sino. It somehow reminded me of the two cases I'm involved in a year ago and almost a year ago. Lalo na't nakausap ko kanina sina Harvey at Merilyn na parehong na-involve sa magkaibang kaso. 'Di naman talaga si Merilyn pero yung kapatid niya.

Plus, mag-isa lang ako ngayon kaya hindi ko mapigilang mag-overthink. Two different nights, two different cases (one is murder and the other one is scam), and one witness. Me.

One is a bit fabricated--  yung kay Harvey. I lied for him. At hanggang ngayon ay wala pang nakakaalam ng totoo maliban sa aming dalawa (and maybe Merilyn and Anonymous, whoever he is). Ilang beses ko na siyang pinilit na sabihin ang totoo pero ayaw niya. At hindi niya sinasabi kung bakit. Medyo nagdududa na ako pero pinipili ko pa ring magtiwala dahil maayos ang pagkakakilala ko sa kaniya. I know this love is kinda toxic but I can't fvckin' resist him. 'Til when?

At tungkol kay Merilyn, wala naman akong ginawang masama sa kapatid niya pero parang nakokonsensya ako. Pinipilit ako ni Merilyn na makipagtulungan sa kaniya e tapos na yung kaso at wala akong pineke noong naging witness ako. Sinabi ko lang ang nalalaman ko. 

At ang misteryoso niya rin. Hindi ko nga alam kung bakit siya hinahayaang tumira ni dad sa pamamahay. 'Di kaya anak siya ni dad sa labas? Pero kung ganoon, parang imposible namang hahayaan niya akong alilain at gawing utusan ang babaeng 'yon. Who the heck is she? At ano kayang koneksyon niya kay dad? Parang ang laki rin ng tiwala ni dad sa kaniya, eh.

•••

Contest na naman next month. Nilubayan na ako ni Anonymous pero naratakot pa rin ako. Yep, halos isang taon na akong natatakot para sa kaligtasan at buhay ko. Mas nakakatakot yata kapag 'di siya nagpaparamdam kasi pakiramdam ko ay nasa paligid lang siya at nagmamatyag, maliban na lang kung prank lang talaga 'yon.

Ang alam kong gabing tinutukoy ni Anonymous ay yung tungkol sa scam. Ilang beses niya kasi akong tinakot na ipagkakalat niya ang nalalaman niya kapag hindi ko sinunod ang utos niya. Baka alam niyang nagsinungaling ako no'n para pagtakpan si Harvey. Kung gano'n, ako, si Harvey, si Merilyn (sabi niya may alam siya), at kaunti lang ang pwedeng makaalam.

Kasi sa isa pang case kasi na involved ako, wala akong tinatago roon kaya imposibleng gamitin iyon laban sa akin. Sinabi ko lang ang nasaksihan ko at ibinigay ko lang ang footage ng body cam kung saan nakuhanan no'n ang krimen. That's all..

Tungkol sa identity niya, given na may nalalaman siya tungkol sa akin... kaunti lang ang pwedeng maging anonymous.

Si Harvey, parang imposibleng takutin niya ako dahil siya mismo ang tinulungan ko. Maliban na lang kung sinusubukan niya ang loyalty ko sa kaniya. Ako, lalo namang imposible kung ako dahil 'di ako baliw. Si Merilyn, hindi malabo. Tho kahit hindi ko rin gusto ang tabas ng dila niya ay hindi naman siya mukhang sinungaling katulad ni Mary na ilang beses ko rin nahuling nagnakaw noon sa studio.

Or maybe it's just some random stranger who wants to bring me down? Baka nanghula lang sila at binanggit ang salitang "guilty" tapos guilty ako nung sinabi kong 'wag silang mag-ingay kaya ipinagpatuloy nil ang pananakot kahit wala talaga silang alam? Anyways, contest na naman next month pero sana hindi na siya magpakita para hindi na ako mamroblema. At sa tingin ko mas safe na rin mag-stay rito ng isang buwan dahil marami akong kasama.

-D. L. Apostol

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now