093// Merilyn

10 3 34
                                    

APR 29

Merilyn Frias

Fri 12:23

Divina Lexi

Hey leech

Alam mo na naman siguro ang tungkol sa resthouse

Merilyn

Oo sinabi na sa akin nina sir felix kaninang umaga. Sasama raw ako bukas at mag i stay ron ng isang buwan kasama mo

Divina Lexi

Wow di na daddy ang tawag mo. Marunong ka nang lumugar ngayon

Merilyn

Oo.  Alam kong naiinis ka kasi tinatawag ko silang daddy at mommy kahit sila naman talaga ang nagsabi sa akin yun na lang ang itawag ko.

Divina Lexi

Buti naman natauhan ka na at nalaman mong sipsip ka kung ipagpapatuloy mo yan

Merilyn

Di po ako sipsip

Divina Lexi

Merilyn ikaw ba talaga yan?? Weird mo

Merilyn

May dual personality po ako

Char

Divina Lexi

But why sudden change? U r up to something, arent you?

Merilyn

Grabe naman to. Di ba pwedeng nasa mood lang ako ngayong araw?

Divina Lexi

Tungkol pa rin sa kriminal mong kapatid kaya bumait?

Merilyn

Hindi nga. Narealize ko lang talagang walang kwentang makipagtalo sayo. Walang kwenta ang pinagsasasabi mo eh, ayoko nang sabayan  joke haha

Half meant. Minsan kasi wala talagang kwenta ang sinasabi mo

Pero pwede ring tungkol sa kapatid ko kaya ako ganito  Gusto ko pa ring tulungan mo ako sa kaso niya kasi alam ko talagang wala siyang kasalanan

At wag mo siya tawaging kriminal, pakiusap lang. Naniniwala akong di kriminal ang kapatid ko

Divina Lexi

Paniniwala mo lang pero iyon naman ang totoo. Kriminal siya at di na magbabago yon

And ghad! move on already. Nakamove on na nga halos lahat oh! Pati yung mga bisitang nandoon sa studio nung gabing yon parang wala na rin sa kanila ang nangyari

Maski nga mga kaibigan ko, mga sikat na personalidad sa brgy, wala na ring pakialam doon. Maski si mutya na nalink kay jino, maayos na ngayon.

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now