038// Merilyn

13 3 20
                                    

Merilyn Frias

15:55

Merilyn

Ikaw

Ano na namang ginawa mo kanina at hanggang ngayon?

Nagpaalam ka kanina na pupunta ka sa supplies store and then what? Hindi ka nakarating doon pero nakapamili ka?

Sinong inutusan mo? Si Cesar? Siya yung nag uwi ng pinamili rito. Wala akong pera kaya di ko naabonohan yung nagastos niya. Wala rin si manang ji dahil namamalengke.

Wala ba kayong usapan o di mo siya sinipot? From the looks of it, the latter is the right answer.

Mukha siyang dismayado nung hinatid niya yung supplies dito sa bahay. Hinanap ka rin niya sakin

16:04

Merilyn

Nagsinungaling ka kung nasaan ka di ba? Di totoo nung sinabi mo kina dad na mamimili ka ngayong araw.

Nasaan ka?
✓seen 16:30

16:30

Divina Lexi

Ano bang pakialam mo?

Merilyn

Narinig ko kanina noong nagpaalam ka sa kanila

Divina Lexi

Narinig? For fcking sake nasa soundproof na kwarto kaming tatlo noong nagpaalam ako kaya walang makakarinig mula sa labas unless may cctv o anumang recording device doon

Merilyn

Wag mong iniiba ang usapan divina. Nasaan ka ngayon?

Divina Lexi

Ikaw ang wag mag iiba ng usapan. Pamamahay namin yon kaya wala kang karapatang makialam sa kahit anong gagawin ko.

Tell me. Bakit ka naglagay ng recording device sa kwarto nina mom? Meron ka rin bang nilagay sa kwarto ko at sa ibang sulok ng bahay?
✓seen 16:45

16:47

Divina Lexi

Di ka magsasalita? Nadulas ka lang no? Pwes huli ka na ngayon
✓seen 16:49

16:51

Divina Lexi

DARN INUUBOS MO TALAGA ANG PASENSYA KO

Binabalaan kita, Merilyn. Do nothing or I will make you regret everything that you will do starting from today.

Merilyn

Ikaw rin. Wag kang gagawa ng kahit ano maliban sa mga inuutos sayo.

And I guess old habits die hard. You're on it again.

Magtino ka na, divina. Sinasabi ko sayo

Divina Lexi

Ano bang alam mo?

Merilyn

Ang mga bagay na hindi mo apam

Pasalamat ka marunong akong tumanaw ng loob sa mga magulang mo dahil kung hindi

Divina Lexi

Kung hindi ano?

Merilyn

Just go home already. O makakarating sa mga magulang mo na hindi supplies store ang pinuntahan mo ngayon.

Divina Lexi

Kung makapag utos ka parang ikaw ang may ari ng bahay. Wag kang maging delusyonal. Wala pa sa kalingkingan ng kayamanan ko ang meron ka

Merilyn

Kaysa naman sayo na mang uutos na nga lang, yung hindi pa totoo. Alam ko na ang mga galawan mo divina. Alam kong pag uwi mo ay uutusan mong magsinungaling si manang ji. Papasabi mo na maaga kang umuwi ngayon para hindi ka mapagalitan ng mga magulang mo

Divina Lexi

HOW DARE YOU

Merilyn

Tama ka. Wala pa sa kalingkingan ng kayamanan mo ang meron ako

Kasi ang meron ako ay hindi nabibili ng kahit anong materyal na bagay di tulad ng sayo na nauubos. And correction, it's your parents' wealth, not yours

Just watch. The table will turn soon and you will get what you deserve

Divina Lexi

At anong gagawin mo para mangyari yon?
✓seen 17:04

17:07

Divina Lexi

JUST DIE ALREADY

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now