084// Zenaida

9 2 26
                                    

Zenaida Sagales

20:38

Zenaida

Anyare na naman sayo sis? Trending ka na naman d2 sa brgy

Magkasama kayo ni jona kanina sa labas? Bat di mo kami niyaya? Hahaha joke

Pero akala ko ba bawal ka maggala? O kelangan talaga yon

Divina Lexi

Nag usap lang kami

Zenaida

Ohh. Anong pinag usapan niyo? Haha sorry curious

Divina Lexi

Random lang

Zenaida

Pero inaway mo raw si jona? True ba o fake news yon?

Dami ko kasing nakikita sa updates ng brgy. Iba  iba yung statement. Yung iba ang oa pa at halatang echos lang. Lam mo naman yung fake news lalo na kapag vid, merong naospital daw si chuchu, may sakit si ganto, namatay si ganyan, kahit di naman. Mga clickbait ang iba ampotek

Anywaysss ano nga? Totoo yon o fake news? Inaway mo ba si jona?

Divina Lexi

Hindi

Zenaida

Anong hindi? Yung inaway mo siya o yung fake news?

Divina Lexi

Inaway ko talaga siya kaya di yon fake news

Zenaida

Ay weeeeh? Seryoso? Bat ka nang away? Anong pinag awayan niyo?

Divina Lexi

Basta. May sinubukan lang ako

Zenaida

Anooo?

Divina Lexi

Wala

Zenaida

Ngeee ayan ka na naman sa pabitin mo eh. Ano nga?

Divina Lexi

Wala nga. Wala lang yon

Zenaida

Hay nako

Pero bati na ba kayo?

Divina Lexi

Ewan di ko pa siya nakakausap

Zenaida

Haysss sana naman kung simpleng bagay lang, wag niyo na palakihin. Bukod sa sira ang image mo, sira rin pati relasyon niyo kahit di naman talaga kailangan

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now