008// TROPANIM

13 4 34
                                    

APR 29

TROPANIM

Thu 22:31

Divina Lexi

Guysss muntik nang mawala phone ko kaninaaaa

Sign na ba itong wag na akong tumuloy kasi baka mas malala pa ang mangyayari??? Grabe kaba ko kaninaaa. Baka malagot ako sa parents ko

Zenaida

Bakit? Anyare?

Divina Lexi

Kanina kasi sa lobby may nanghiram ng phone ko kasi raw makikitawag siya. Saktong load ako at walang topak kaya nagpahiram ako haha. Tas banyong-banyo na ako kaya hinayaan ko siyang tumawag sa kung sinumang tatawagan niya. Tas sinabi ko hintayin niya ako paglabas kasi nga magbabanyo pa ako

Zenaida

Hula ko, di ka niya hinintay at umalis ns siya?

Divina Lexi

Oo

Iris

Lah bat mo naman iniwan? Buti sana kung kakilala mo e di naman yata


Ayan tayo eh, ang bilis mong magtiwala. Di ko tuloy alam kung mabait ka o may pagkashunga

Divina Lexi

Partly i mean

Oo iniwan niya ako pero bumalik din. Natagalan ngalang. Dapat nga paalis na ako non kasi di ko siya nakita pero sakto ko siyang nakitang pabalik noong nasa entrance na ako. Buti na langgggg

Iris

Buti na lang talaga. Hay nako may trabaho na't lahat di pa rin nagbabago

Zenaida

Ayos naman pala eh. Akala ko kung ano na. Di yan sign para di ka na tumuloy sa bakasyon. Sign yan para matuto ka nang mag ingat sa mga gamit mo at sa sarili mo mismo.

Mag ingat ka na lang sa susunod para di maulit. Swerte ka pa dahil binalik ang phone mo. Baka sa susunod mabudol ka na. May pagkaeng eng ka pa naman

Divina Lexi

Lahat naman tayo may flaws. Di naman pwedeng sarilinin lahat ng positibo HAHA.

Zenaida

Sobra kasi yung sayo ehh. Kahit sa simpleng bagay di mo magets. Mejo nakakainis tuloy minsan hahahaha

Divina Lexi

Tulad ng?

Zenaida

What is love? Baka isagot mo kaya mong gawin lahat para sa kaniya. As in LAHAT. O di ba ang tanga


Divina Lexi

Hoy grabe ka naman. Normal naman yon sa love pati nga sa kanta yon ang sinasabi so ano yung shunga doon? Selfless love tawag doon.

Anonymous (1191212518) (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon