18:15
Dante
Yowww musta na vina? Back to work na ba? Hahahaha
Sowii late na kami nagmessage, naenjoy ang bakasyon eh. Hahahaha
Divina Lexi
Im bored asf
I'll ignore your messages for now. Magiging busy muna ako sa pagsasayaw
Dante
Aye aye captain
Zenaida
I can't hear youu
Dante
Ooohhh
Zenaida
Who lives in a pineapple under the sea?
Dante
Spongebob squarepants!
Iris
Takte parang mga ewan.
Zenaida
HAHAHAHA
@Divina Lexi sige magfocus ka na sa pagsasayaw. Wag ka na rin magbukas ng fb para masaya. Iwas ka muna sa issue hahaha
Dante
Buti pa kami, tamang bakasyon lang bago bumalik sa trabaho. Buti talaga wala kaming sinalihang dance contest ngayong taon.
Kakauwi lang namin ngayon. Hahaha
Iris
Painggit ampp.
Wehhh buti ka dyan. Ikaw nga ang unang nagsabing madaya si vina kasi iniwan niya tayo sa ere. Gusto mo ring sumali sa contest ehh
Dante
Noong una lang yon. Nagbago isip ko since napapagod na rin ako sa trabaho. Kailangan ko ring magpahinga. Hahaha.
Palibhasa ikaw natutuwang di tayo nakasali kasi di na niya tayo papagalitan kapag di makasabay sa steps.
Zenaida
Sige maglaglagan na kayo. Di naman yan papansinin ni captain. Hahaha joke.
Iris
Tologo ba @Dante? Parang may kadugtong yung sinabi mo non. Pero char di ko sasabihin, baka magalit si mayora. Chzzz
Dante
Magtitimpi para sa ikabubuti. Saan man magpunta, silang lima aking pamilya
Iris
???
Anyare sayo? Bat mo siningit yan sa usapan?
Zenaida
Ayan ka na naman sa mantra nating nirerecite mo lang at di isinasapuso. Hahahaha jk
Dante
Pinapaalala ko lang. Baka makalimutan niyo eh. Hahahaha
19:27
Cesar
Guyss may nagmessage ba sa inyo ngayon lang?
Dante
Tungkol saan?
Ah oo
Zenaida
Anong meron?
Allan
Uyyy may natanggap din ako. Itatanong ko sana pero pinag-uusapan niyo na pala haha
Zenaida
Huuh???
Cesar
Wala lang naman. Sinasiraan lang si vina
Zenaida
Eh? Anong sabi?
Allan
Teka i forward ko yung text
Kung sino man ang nakakakilala kay Divina Lexi Apostol, mag ingat sa kaniya dahil MASAMA ANG UGALI NIYA, PEKE, SINUNGALING at SARILI LANG ANG INIISIP. Paki forward ito sa iba para malaman ng iba. Salamat
Zenaida
Ngekk fake news yan
Allan
Mukha nga. Pero naisend sa amin
Zenaida
Bat sakin hindi?
Allan
Aba malay. Baka pili lang
Zenaida
Pero kahit naman i send sakin yan wala pa rin akong pakialam. Hahahaha
Iris
So truuu, pero may nagsend sakin.
Cesar
Wag niyo na lang replyan guys. Mukhang nagpapansin lang
Dante
Dami namang basher ni vina
Iris
Baka isa ka na don. Charr hahaha
Pero malay mo isang tao lang yon o kaya malapit sa kaniya. Alam contact number natin eh
Cesar
Basta bahala na kung marami man o iisang tao lang. Di naman nila ikauunlad yan
Iris
Yassss
Dante
Seconded
✓seen by all
YOU ARE READING
Anonymous (1191212518) (Part 1)
Mystery / ThrillerA mystery/thriller epistolary. Once upon a vacation, something strange happened to Divina Apostol. Later that night, someone approached her as a stalker and killer through chat. Being unconvinced by his identity as a killer, she replies to his chat...