062// Journal

8 3 8
                                    

JUN 19| 20:18

An update! I'm still fckin alive and kicking!! NAKAUWI NA AKO AT WALANG NANGYARING MASAMA SA'KIN. Joke lang talaga 'yon nung anonymous sender???!! Hindi ko alam kung matutuwa ako o madidismaya. Weird. Btw, ano ba talagang pakay niya? Nagpapansin lang ba siya?

O may iba pa siyang plano? Or is it him? Is he trying to test my loyalty? Sa anong dahilan?

And guess who won?

ME!! As in Divina Lexi S. Apostol. 2nd place is Terry and third is Richan/Rizo. Makakasama kami sa annual competition next year.

Wait. Someone's knocking at my door. Brb. Kung may masamang mangyari sa akin, ibig sabihin mx. 129395861 did that. PLEASE FIND THAT PERSON.

-D. L. Apostol

***

I'm back!! PIZZA DELIVERY LANG PALA. KINABAHAN AKO BWISEETTT. Btw, kumain ako sa baba kaya ngayon lang ulit ako nakabalik.

Guess I have to stay up all night. Baka mamaya bigla siyang pumasok dito tapos sugurin ako. O kaya may itanim ditong bomba tapos biglang papasabugin. Time check: 20:57.

May bintana ako sa kwarto at 'yon lang ang tanging daan papasok bukod sa mismong pinto. Ayokong mamatay pero mas ayokong mamatay nang may kasama. Ayokong mandamay. Baka mamaya kapag tumambay ako sa sala madamay ang mga magulang ko. Dapat ko na ba siyang talikuran at harapin ang mga magulang ko para masolusyunan ang lahat ng 'to? Parang wala rin naman siyang pakialam sa kung anong mangyayari sa akin.

-D. L. Apostol

***

Joke! Binabawi ko na. Wala akong oras para maghinala sa intensyon niya. Tiwala ako sa kaniya. Hindi niya ako pababayaan. Ito lang ang magagawa ko para iparamdam sa kaniyang mahalaga siya at para mapatunayan na nararapat ako sa kaniya. Stupid love but what can I do? I still fcking care about him. I still believe in him. Bahala na kung mahuli ko si mx 1239496 o hindi.

If ever I survived this mess, I hope that he's able to appreciate me.

Time check: 21:56

***

Shet ito na yata ang pinakamahabang gabi na naranasan ko. 10:30 pa lang. Ang tagal matapos ng gabiii.

P.S. I'm still alive at this moment.

***

#buhayparin at 11 PM.

Paano kung bukas niya ako saktan kapag nakalabas ako? Bakit ba kasi di siya nagparamdam ngayon!! 11 PM na. Ano bang balak niya? Patayin ako sa kaba at kuryosidad? Langyaaa

***

It's past 12 already. Still awake. Still alive

***

Sleepy. Too lazy to write at 1 am. Nagchat ako kanina pa pero di siya nag-reply. Maybe... just maybe he changed his mind.

***

Night. Still alive at 2 AM. Guess he's lying about his identity. Siguro hindi talaga siya killer. Nagpapapansin lang ba talaga siya? Ba't kailangan niya pang manakot?

Anonymous (1191212518) (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon