006// Felix

19 5 29
                                    

APR 27

Felix Apostol

18:32

Divina Lexi

Dad

Hello po hehe

Pwede po akong tumawag?

Pauwi ka na po ba? Tatawag po ako

Felix

Can you call back later?

Divina Lexi

Sige po

18:47

Divina Lexi

Dad hehe tatawag po ulit ako. paaccept po ng call

Felix

I'm busy.

Divina Lexi

Awtss reject call with text message ulit. 😅😅

Nasa meeting ka po ba?

May sasabihin lang po sana ako.

18:52

Divina Lexi

Pauwi ka na po? Di ko rin macontact si mom. Busy rin po yata

Felix

Pauwi na ko. Kakatapos lang ng meeting

Divina Lexi

Ah okay po

Dad nanalo ako sa semi finals. Kasali na po ako sa grandfinals na gaganapin next month

Felix

Thats good. Keep it up vina

Divina Lexi

Thanks po.

Kaso nga langgg hehe

Felix

May problema ba

Mag usap tayo sa bahay pagdating ko

Divina Lexi

No dad, dito na lang po kung pwede. Habang di pa kayo nakakarating

Felix

Bakit naman?

Divina Lexi

Baka di ka po makinig sakin hrhr

Felix

Ano bang sasabihin mo

Divina Lexi

Gusto ko po sanang gumala sa sabado kasama ang mga kaibigan ko. Pwede po ba? Kilala mo naman sila dad. Yung mga kagrupo ko sa sayaw, sina Zena at Iris

Felix

Bakit?

Divina Lexi

Wala lang po. Bonding lang ako at magpapahinga rin ako

Felix

May contest k pa ah. Kailangan mong magfocus doon. Saka k na gumala kapag tapos na

Divina Lexi

Ngiii lagi mo po yang sinasabi pero niyo pa rin ako pinapayagan, panalo man o hindi. Saka lgi naman po akong nagsasayaw maski wala akong sinasalihang contest. Ngayon lang po ako maggagala. Please daddd

***


Felix Apostol is calling...

Dad? Pwed--

(Hindi ka pwedeng pumunta.)

Dad, please. I've been waiting for this. Wala po akong hinihiling tuwing nananalo ako, ngayon lang. Gusto ko lang po talagang magliwaliw kahit ilang araw lang.


(Paano na ang grand finals? 'Di ka makakapag-ensayo.)

Magpa-praktis pa rin po ako ro'n. Promise, dad.

(Sinong mga kasama mo?)

Mga kaibigan ko lang po.

(Naku, wala akong tiwala sa'yo at sa mga kaibigan mo. Delikado 'yan.)

Bakit naman po? Kilala mo naman po sila.

(Ikaw, kilala na kita. 'Yan din ang sinabi mo kay Clint noon. Pero anong nangyari? Nag--"

Dad, iba si Clint, iba po sila. Atsaka ang tagal na po no'n, nag-aaral pa ako.

(Kesyo matagal na o hindi, ang punto ko, baka maulit na naman ang ginawa mo dati lalo na't hindi ka na nag-aaral ngayon.)

No, dad. I promise. Matanda na po ako at kaya ko na ang sarili ko. Please let me go just this once. Isa pa, sigurado naman akong 'di 'yon makakaapekto sa performance ko. Maski itanong mo pa po sa iba ako ang pinakamagaling na nag-perform noong semi-finals. Paniguradong gano'n din sa mismong finals.

(Bahala ka na nga. Magpaalam ka muna sa mommy mo at pag-iisipan ko.)

Sheesh, another q and a.

(Ano?)

Wala po, dad.

(Just promise you won't mess up with that competition. Ayaw naming makompromiso ang laban mo para lang dyan sa bakasyon. Ni hindi ka pa nakakapag-perform sa grand finals, kampante ka na agad.)

Opo.

(Sige na, bye. Siguraduhin mong magpapaalam ka sa mommy mo.)

Opo, dad. Bye po, ingat.

Call ended.

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now