059// Journal

11 3 14
                                    

JUNE 19| 11:30

This might be my last entry. Parang ayoko nang pumunta sa venue. O baka 'di na talaga ako makaabot doon kasi a-ambush-in ako ni mx. 129395693? Wag naman sanaaa, ayokong idamay ang pamilya ko.

Ba't kasi ang tanga ko?? Ba't 'di ko na lang siya hayaang mabuking? Ahh, inosente siya. Ah, 'yon lang ang magagawa ko para sa kaniya. Ah, 'yon lang ang paraan para matuwa siya sa'kin. Fck, masokista.

Maniwala tayo, may awa si mx. 1234567892. Pero nakapagpadala nga siya ng buhok na may dugo. Peke ba 'yon o galing sa biktima niya? Kainis talagaaaaa!!!

Sheettt tinatawag na ako ni dad. Aalis na kami. Goodbye, you all. Lol

I'll update this later IF I survived. I'll try to figure out who it was before he/she approach me.

-D. L. Apostol

***

11:48

Nandito na kami sa venue, sa covered court ng Brgy. Alas. 1 PM pa magsisimula ang event pero nandito na kami kahit wala pang 12 PM. Excited yata sina dad kaya ang aga namin. Kasama rin namin ngayon si mom, Manang Ji, at Merilyn. Inoobserbehan ko silang dalawa mula pa kanina pero wala namang kakaiba sa kanila. Merilyn is still annoying asf. Mom at dad pa rin ang tawag niya sa parents KO. Sipsip amp. Balak niya bang palitan ako bilang anak nila? Wtf.

Anyway, maraming upuan dito at wala pa sa singkwenta ang tao sa ngayon. Wala pa rin akong kilala rito pero base sa suot ng iba, halatang kasali sila sa finals ng dance contest.

I'm freakin' nervous!!!! Hindi 'yon dahil sa kompetisyon kundi dahil sa buhay ko. Bakit ba kasi biglang dumating ang taong yon?? Ang tahimik na ng buhay ko, ehh.

'Di kaya 'di ko kilala ang nananakot sa akin? Paano ko naman siya mahuhuli kung ganoon? At paano niya ako mapapatay kung maraming witness?

At anong matibay niyang motibo para saktan ako?

***

12:24

Nothing's strange as of now. Nandito na ang TROPANIM at nakasuot na sila ng props na black shirt ans pants. Binati nila ako kanina pero umalis din agad. Mag-pa-praktis pa raw sila hanggang bago mag-1 PM. Gusto ko sanang sumama sa kanila pero pinigilan ako ni Dante at sinabing surprise daw ang gagawin nila. Hindi rin ako pinayagan nina mom dahil magpahinga na muna raw ako.

Mas ayos na rin siguro 'to para safe. Mas crowded, mas maliit ang tsansang matuloy ni 123578 ang plano niya.

Kung ipakita ko kaya kina mom ang chat?

'Wag pala. Paniguradong hahalungkatin nila ang buong convo namin at malalaman ang tungkol sa gabing 'yon.

***

12:36

Richan and his dance coach is here. May saklay pa rin yung coach ngayon. Mukhang napuruhan nung nabangga siya. Ano kayang magiging performance ni Richan ngayon? Sana yung katulad noon para ma-inspire ako. Lol

Andito na rin yung ibang special guests at "queens" ng Brgy. Alas. Wala akong pakialam sa kanila noon pero ngayon naoobserbahan ko na ang bawat kilos nila. Sina Penny at Jonah, busy kumuha ng litrato. Si

Ano nga ba 'tong sinusulat ko??? Di ko natuloy kasi biglang lumapit si Mutya at nangumusta kahit hindi kami close. Pero sabagay, ilang beses ko na siyang nakasama sa rehearsals at event noon. Natigil lang noong nagkaroon siya ng issue tungkol "romance" niya. Wala siyang boyfriend hanggang ngayon pero may ilang taong ni-li-link sa kaniya. Dahil doon napilitan siyang tumigil sa pag-pe-perform ng ginagawa niyang poems, etc.

Then, Genrick Senares the singer,... something is up to him. O ako lang since lahat sila inoobserbahan ko? Tracy is kind of weird, too. Pabalik-balik siya sa pwesto niya at mukhang kabado. 'Di kaya may balak siyang masama? Tho wala akong maalala na nakabangga ko siya.

Dave and Zaira Barceba are here, too. Kanina narinig ko ang boses ni Dave. Puro "love" ang sinasabi niya. May tinatawag yata. 'Di ko alam kung may iba pa siyang idol na nandito at tinatawag niyang love o may kakilala siyang love. Hindi ko nga nilingon. Baka mamaya ako pala ang tinutukoy niya. What a fckin weirdo. 'Di niya alam kung san ang boundary niya.

Pero wait, kung ako ang tinatawag niya, baka balak niya akong papuntahin sa ibang lugar at doon isagawa ang krimen... hindi imposible. Is he an obsessed fan?

Sabi ko nga assumera ako at walang tiwala sa mga tao. Kung sinu-sino nang pinaghihinalaan ko. Napapraning na rin ako.

Sheeeeetttt malapit nang magsimula ang program!!

-D. L. Apostol

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now