070// Via

9 3 13
                                    

Via Apostol

18:10

Divina Lexi

Mommy busy ka po ba?

Via

Hindi. Alang ganong customer d2 store.

Divina Lexi

Malamang. Wala na naman po kasi gaanong nagsasayaw ngayon kaya wala talagang gaanong bibili ng equipments at damit

Via

K lang. Kailangan pa rin ng bantay d2

Divina Lexi

Ya, alam ko po

Via

Bat mo pala natanong kung busy ako

Divina Lexi

May itatanong lang po sana ako

Bakit sa lahat ng pwede kong maging bantay si merilyn pa ang kinuha niyo?

Like kung gusto niya talaga akong bantayan, sana medyo matanda na ang kinuha niya at hindi halos kasing edad ko

O kaya lalaki para di ako makatakas kung sakali

Via

Wala na silang magulang anak

Divina Lexi

So what? Kasalanan po ba natin yon

Via

di naman. Pero si daddy mo ang kumupkop sa kaniya. Mukha namang mabait kaya hinayaan ko na

Divina Lexi

Kilala mo po ba ang mga magulang niya?

Via

Hindi. Kinwento lang ng daddy mo na anak sila ng dating tauhan sa gym

Divina Lexi

Ohh

Di kaya anak po siya ng kabit ni daddy? Tas yung kabit ni daddy yung mama ni merilyn na dating staff? E di half sister talaga kami nang di niyo nalalaman?

Via

Ano namang nakain mo at ganiyan ang pumasok sa isip mo nak

Divina Lexi

Malay niyo lang po

Via

Lalaki ang staff na yon divina. Di ka pa pinapanganak andon na yon. Tapos ilang buwan pagkatapos noong magresign sa trabaho dari, saka kinuha sina lyn at mary

Divina Lexi

Ayttt pero to think of it, di naman tayo sa related sa kaniya pero kinupkop pa rin. Ang malala pa kriminal ang kapatid niya pero hinayaan pa rin siyang makitira sa bahay natin. Baka may dugong killer sila

Tapos ako pa ang nagsumbong kay mary

Baka saktan ako ni merilyn kasi kapatid niya yon

Via

Di ko alam kung anong rason ng ama mo pero ang alam ko lang walang ibang mapupuntahan si merilyn. Alam naman niya kung gaano kabait c merilyn kc ilan taon na rin yong staff sa gym niya

Baka naaawa lang si felix. Hayaan mo na. Di naman sya magdadala ng batong ipupukpok sa ulo niya. Kung sakali man, ako mismo ang magpapalayas sa kanya sa bahay

Divina Lexi

Mommy

bawal po bang sisantehin si merilyn? Matanda na naman po ako at kaya ko na ang sarili ko. Wala naman siyang gaanong ginagawa sa bahay

Via

Bat bigla mong naisipang tanggalin siya

Nag away ba kayo

Divina Lexi

Wala po siyang dulot bukod sa makialam sakin. Minsan niya lang din tinutulungan si manang ji sa gawaing bahay

Via

Paano mo nalaman e kung di ka nasa trabaho ay nasa kwarto ka para magpraktis
✓seen 18:54

18:55

Via

Hayaan mo na siya nak.

Pero kung gusto mo, tanungin mo ang daddy mo para malinawan ka

Divina Lexi

Sige wag na po hehe

Via

Sya na rin ang sabihan mo kung gusto mong mapaalis si lyn
✓seen 18:59

Anonymous (1191212518) (Part 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora