090// Harvey

9 3 26
                                    

Harvey Maceda

22:19

Divina Lexi

Musta na? Ang tahimik natin ah

Hows life??
✓seen 23:17

23:17

Harvey

Ayos lang

Divina Lexi

Thats good. Gising ka pa pala ng ganitong oras
✓seen 23:19

23:20

Divina Lexi

Ako, di mo ba tatanungin kung musta na?

Hahaha joke

Harvey

Musta na?

Divina Lexi

Ay wow salamat sa pagtatanong

Ayos lang din naman. Walang gaanong bago bukod sa mas naging maingat ako nitong mga nakaraang alam. Di ako gaanong lumalabas except for work, at noong lumabas kami ni jona.

Alam mo ba ang tungkol doon?

Harvey

Ang alin

Divina Lexi

Tungkol sa isyu namin ni jona

Harvey

Hindi

Divina Lexi

Ah I see. Di ka pala updated. Basta kilala mo naman ako, maiinitin ang ulo. So ayun, inaway ko siya. In the end, may nalaman ako. Still unsure tho
✓seen 23:32

23:36

Divina Lexi

Sasama pala ako sa resthouse na rerentahan ni mutya mula next week

Excited na meeee. Medyo natatakot pa rin akomg lumabas pero sisiguraduhin ko namang di ako laging mag isa sa kahit saan para mas safe.  Kung may guardian lang sana ako na laging poprotekta sa kin. lol. di ko kailangan non, ang kelangan ko ay safe environment

Ano kayang pwedeng gawin sa resthouse?

Harvey

Ikaw bahala. Kung anong gusto mo

Divina Lexi

Haysss practice pa rin siguro ako roon maghapon kapag wala akong trabaho 😩

Kailangan ko kaya ulit ng body cam this time?  Tingin mo mas safe yon?

Para kapag may nangyaring masama sakin (wag naman sana), at least may ebidensya

Harvey

Depende sayo

Divina Lexi

Hmmm

Dati kasi nasaktuhang may suot akong body cam kaya nung nakawitness ako ng krimen nahuli agad yung salarin. Ang kaso nga lang, kasama ko ang kapatid niya

Ahh that merilyn. Sana di siya payagang sumama. Paniguradong guguluhin niya lang ako

That girl na di makamove on sa kaso ng kapatid niya kahit na tapos na. ako tuloy ang ginugulo. Kapag nasagad talaga ako isusumbong ko yung ginagawa niya.

Tingin mo papayagan siyang sumama ni mutya kahit di siya contestant?

Sana hindi no? Joke.

Btw tungkol pala sa kaso mo, may clue ka na kung sinong salarin?

Harvey

Wala

Divina Lexi

Sure ka? Parang imposible namang di ka makahanap ng clue e alam mo yung pasikot sikot sa trabaho niyo. Kilala mo naman don yung mga katrabaho mo, baka isa sa kanila yung gumawa non kasi nadamay ka

Wala ka talagang ideya? Kahit hula lang?

Harvey

Wala nga

Divina Lexi

Teka hinahanap mo ba talaga yon? Bat parang di naman? Madali lang yatang hanapin yon kung tutuusin. Galing sa company niyo yung email eh. E di katrabaho niyo talaga yung salarin
✓seen 23:49

23:51

Divina Lexi

Hahayaan mo na lang bang gumala gala ang scammer?

Harveyyyy

Di por que pinagtakpan kita ay hahayaan na lang kitang manahimik at magpatuloy na parang walang nangyari.

Baka mamaya may kinalaman ka pala

Harvey

Di ka ba naniniwala sa akin?

Divina Lexi

Di naman sa ganon. Kaya nga kita tinulungan kasi tiwala akong di mo magagawa ang bagay na yon. Sadyang malinis lang ang konsensya ko kaya kung kaya mong hanapin ang salarin, hanapin mo na.

Okay ba? Oks

Harvey

Sige

***

Delete this entire conversation?

Cancel         DELETE

Anonymous (1191212518) (Part 1)Where stories live. Discover now