Chapter 50

468 18 4
                                    

PAGKAGISING ni Shantelle kaagad siyang nataranta nang wala na ang anak nila maging si Sycho, nag-iisa na lamang siya sa kaniyang silid.

"Sycho!" pagtawag niya rito at bumangon.

Tiningnan niya pa muna ang banyo at nang siya'y makasiguro na wala ng tao ang buong silid maliban sa kaniya ay kinakabahan siyang lumabas.

"Sancho, Siandrie, Shanaya, where are you babies ko?"

Pinasok niya pa ang iba't-ibang kuwarto ng ikalawang palapag ngunit walang tao ang naroroon, tumatakbong binaba niya ang hagdan.

Hindi niya rin makita-kita ang Tita Zamelle niya, wala rin siyang makita na kahit isang katulong at tauhan ng tita Zamelle niya na mas lalong nagpakaba sa kaniya.

Nang marinig niya ang ingay ni Siandrie at Shanaya mula sa kusina ay kaagad siyang tumakbo pumunta roon.

Napahawak siya sa pinto ng kusina at doon napasandal, nakita niya roon si Sycho na naka-apron ganoon din ang tatlo nilang anak.

Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi, masayang nagluluto si Sycho habang ang tatlo ay ang taga bigay ng mga sangkap na ilalagay nito sa niluluto. Nandoon rin ang ibang katulong, sila ang tagahiwa ng mga sangkap.

"H-hey!" pagkuha niya ng attention sa mga ito.

Nakangiting nilingon siya ni Sycho, ang tatlo naman ay abala sa pagtatanong sa mga katulong kung ano-ano ang mga pangalan ng sangkap na hinihiwa ng mga ito.

Naglakad palapit sa kaniya ni Sycho. "Good morning, my soon to be wife." nakangiti nitong bati sa kaniya at humalik pa sa kaniyang noo. "How's your sleep?"

"O-Okay lang naman."

"Where's my good morning kiss?" kumunot pa ang noo nito.

Inirapan niya naman ito saka humalik sa labi nito, akmang ilalayo niya na sana ang kaniyang labi sa labi nito nang mas idiniin pa ni Sycho ang labi sa kaniya.

"Juice colored! May mga bata." gulat na sigaw ng matandang katulong saka pinatalikod ang tatlong bata.

"Ay! Wow, sana all may good morning kiss!"

Nang maghiwalay ang labi nilang dalawa, kaagad niyang hinampas ang braso nito at namumulang iniiwasan ang mukha nitong may malapad na ngisi, maging ang tingin sa kaniya ng mga katulong ay iniiwasan niya dahil sa hiyang naramdaman.

"Bwesit ka talaga!" mahina niyang wika at kinurot ito sa tagiliran.

"SO, kailan ang kasalan?" tanong ni Zamelle nang mapansin niya ang sing sing sa daliri ni Shantelle habang sila ay kumakain sa hapag kainan.

Napaubo naman si Shantelle kaya napatigil si Sycho sa paglalagay ng ulam sa plato ni Sancho at kaagad na kumuha ng basong mayroong tubig saka binigay iyon kay Shantelle.

"Soon po tita, soon." malapad ang ngiti ni Sycho.

Napatango naman si Zamelle. "That's good. Just tell me when, so I can help."

Tanging tango lamang ang sinagot ni Sycho.

"MOMMY, where are we going po?" nagtataka na tanong ni Shanaya, nakaupo siya sa backseat katabi sina Sancho at Siandrie.

Napalingon naman si Shantelle kay Shanaya, nagkibit balikat siya dahil hindi niya naman talaga alam kung saan sila pupunta, nginuso niya na lamang si Sycho.

"We are going to bonding ba?" tanong naman ni Siandrie.

"Yup." nakangiting sagot ni Sycho habang nakatuon ang tingin sa daan maharil siya ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyan.

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now