Chapter 4

491 21 0
                                    

Habang kumakain sina Shantelle at Ash sa cafeteria bigla na lamang pumunta si Red sa likod ni Shantelle, kasama din nito ang mga pinsan kaya napatingin sa kanila ang lahat ng mga istudyanteng tulad nila na kumakain din.

Gulat ang bumalatay sa mukha ni Shantelle nang maramdaman niyanf may bumuhos ng kung ano sa ulo niya, napatayo siya at maging si Ash din ay nagulat sa biglaang pagtayo ni Shantelle.

"R-Red." nautal pang wika ni Ash habang nakatingin kay Red at sa mga pinsan nito.

"Bat mo ako binuhusan ng malamig na tubig?" mahinahong tanong ni Shantelle habang nakatitig sa mga mata ni Red.

"I just want to say  that Mr. Sycho Saavedra is mine, not yours." nakangiting wika ni Red kay Shantelle kaya napataas ang isang kilay niya.

"Ay! wehhh, totoo?" mapang-asar na tanong ni Shantelle kay Red.

"Respect our Queen of Psycho, miss Shantelle." wika naman ng pinsan ni Red na si White saka ito umirap sa kanila.

"Huh? Queen of Psycho? Kailan ba deneklara ni King Sycho na may girlfriend na ito?" nagtakang tanong ni Ash kay White habang may nakaguhit na ngisi sa labi.

"Manahimik ka!" inis na ni Red kay Ash, akmang sasampalin ni Red si Ash pero umiwas ito.

"Kalma lang nagtatanong lang ako." nakangising wika ni Ash at bahagya pang tinaas ang dalawang kamay na tila'y siya ay sumusuko na.

"Alam niyo, sa pagkaka-alam ko walang queen of Psycho sa university na ito." mahinahon pa rin na wika ni Shantelle.

"Ngayon alam mo nang meron, and that's me." pagmamalaking wika ni Red.

Napangiwi naman si Shantelle at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. "Walang girlfriend si King Sycho, pinag-sasabi mo?" taas kilay niyang wika kay Red.

*pak*

Napangisi na lamang si Shantelle habang umiling iling matapos siyang sampalin ni Red.

"Ang hina naman non, kala ko ba ikaw ang queen of Psycho dito." nakangising wika ni Shantelle na ikinagalit ni Red.

"W.A.L.A.N.G P.S.Y.C.H.O Q.U.E.E.N N.A M.A.H.I.N.A." madiing wika ni Shantelle kaya napangisi naman si Ash sa sinabi niya.

"Narinig mo naman yata yung sinabi ng aking kaibigan diba? Walang Psycho Queen daw na mahina, in short hinding-hindi ka magiging Psycho Queen dahil mahina ka!" wika ni Ash kay Red kaya napangiti naman si Shantelle habang si Red at mga pinsan nito ay galit na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Red." wika ni Green sa pinsan nitong si Red ng akmang susugudin nito si Shantelle.

"May araw din ang babaeng yan, umalis na tayo dito." wika naman ni Green kay Red at hinila nila ito palabas ng cafeteria.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Ash kay Shantelle dahil kitang-kita ang pamumula ng isang pisngi ni Shantelle.

"Ayos lang ako, hindi naman masakit." sagot ni Shantelle saka siya ngumiti kay Ash.

"Eh bat namumula yang pisngi mo?" taas kilay na tanong ni Ash.

"Sadyang sensitive lang ang balat ko." sagot ni Shantelle kaya tumango na lamang si Ash.

"Oh! Anong tinitingin-tingin ninyo sa amin?" mataray na tanong ni Ash sa mga estudyanting nakatingin sa kanila. "Tapos na ang showing!"

"Pabayaan muna sila, tara na samahan mo na lang ako sa locker at banyo. Magbibihis lang ako." wika ni Shantelle.

"Okay sige, masyadong basa na yang uniform na suot mo eh." wika naman ni Ash kay Shantelle kaya lumabas na sila sa cafeteria at pumunta sa locker upang kunin ang extrang uniform ni Shantelle bago sila pumunta sa banyo upang makapagpalit ng damit si Shantelle.

Habang naghihintay si Ash sa labas ng banyo na pinasukan ni Shantelle ay bigla na lamang may tumawag sa cell phone niya kaya sinagot niya ito.

"Anong kailangan mo, bat napatawag ka?" tanong kaagad ni Ash sa tumawag sa kaniya.

"(May gusto lamang akong ipaalam sa iyo kaya puntahan mo muna ako dito sa ating tagpuan.)" wika ng isang taong tumawag sa kaniya sa kabilang linya.

"Okay, papunta na." sagot niya saka pinatay ang tawag.

"Sige na puntahan mo na yon, baka importante iyon." wika ni Shantelle kay Ash mula sa loob ng banyo.

"Sure ka?" paninigurado ni Ash kay Shantelle.

"Oo, malapit naman din akong matapos dito." sagot ni Shantelle.

"Sige mauna na ako." paalam ni Ash saka ito umalis.

NANG  matapos makapagpalit ng uniform si Shantelle ay agad naman siyang lumabas sa banyo na iyon.

"Ahhh....." mahina niyang daing ng may biglang tumulak sa kaniya kaya napasandal siya sa pader.

"A-anong k-kailangan mo?" kinakabahang niyang tanong sa binatang nasa harapan niya.

"What happened?" malamig na tanong ng binata sa kaniya habang nakatingin lang ito sa kanang bahagi ng kaniyang pisngi na namumula.

"Bakit, pake mo?" pagmamataray niyang wika sa binata kaya ito napairap.

"Just answer my question, miss Sandoval." seryusong wika ng binata.

"Sinampal." kaagad niyang sagot.

His eyes darkened. "Who did that?"

"Alangan namang ako, siyempre ibang tao diba." mataray niyang sagot.

"C-charot lang!" wika niya at nag pieace sign dahil masama ang titig ng binata sa kaniya. "Siyempre yung babaeng feeling Psycho Queen! Eh, mahina naman manampal." sagot niya at umirap.

"I don't have a girlfriend, but I have a Queen." wika ng binata.

Tumaas ang isang kilay ni Shantelle. "Tinatanong ba kita?"mapang-asar na tanong niya sa binata.

"Tsk!" asik ng binata at umalis ito sa harapan niya.

"Kala mo naman kung sino! Tanong ng tanong, hindi ko naman siya boyfriend." umirap siya sa pasilyong dinaanan ng binata. "Wooohhh.... hindi naman pala siya nakakatakot, eh! Pinagsasabi nila?" mahinang wika niya sa sarili at taas noong nag lakad patungo sa room niya.

______________________
Thanks for reading!

_Ateng Yamy❣

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now