Chapter 6

486 16 0
                                    

Shantelle's point of view

"Anong gagawin nila doon?"tanong ko kay Ash habang nakatingin sa mga istudyante dito sa PU na papunta sa likod ng university.

"Hindi ka ba nakinig sa announcement ni King Sycho kahapon?"taas kilay na tanong niya kaya napairap na lamang ako.

"Mag tatanong pa ba ako sayo Ash kung alam ko naman pala?"tanong ko sa kaniya kaya napangiwi ito.

"Pupunta din tayo doon."wika niya na ikinataka ko.

"Bakit naman tayo pupunta doon ,  ano bang meron?"takang tanong ko.

"Ahh... basta halina't pumunta doon ,  mamaya ko na ipaliwanag sayo kung bakit kailangan nating pumunta sa likod nitong university."sagot niya saka niya ako hinatak papunta doon sa likod.

_________

"Nag sasanay?"takang wika ko dahil nakita ko ang mga istudyanteng naglalaban o nagiinsayo.

"Oo."wika niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Magsasanay tayong lahat dito."nakangiting sagot niya.

"Para saan?"tanong ko dahil hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako.

"Para sa laban. In-announce kase kahapon ni King Sycho na may labanan na magaganap sa susunod pang buwan kaya mag-iinsayo muna tayong lahat. Ngunit bago ang labanan na iyon ay may magaganap pa munang night party at   lahat ng nag-aaral dito ay dapat na dadalo sa party na iyon."mahabang paliwanag ni Ash sa akin.

"Sino-sino ba ang makakalaban natin?"takang tanong ko. "Bat napakaseryuso nila habang nag-iinsayo? Mga brutal din bang pumatay ang makakalaban nating tao?"

"Makakalaban natin yung mga istudyanteng nag aaral sa CU na pinamumunuan ng kapatid ni King Sycho na si Sander."sagot niya.

"CU?"kunot noong tanong ko sa kaniya at tumango tango naman siya. "As in Carnibal University?"gulat na tanong ko at tumango naman siya ulit.

"Teka bat alam mo yung meaning ng CU? Eh hindi ko naman iyon binanggit."curious na tanong nito sakin.

"Remember sikat din world wide ang university na iyon kaya alam ko."sagot ko sa kaniya at napatango naman siya.

"Ngunit bakit sila ang makakalaban natin , eh pareho lang naman ang nagmamay-ari ng unibersidad na ating pinapasukan at yung unibersidad na iyon?"takang tanong ko.

"Iisa nga lang ang nagmamay-ari ng mga unibersidad na iyon ngunit."pabitin na wika niya kaya mas na curious ako.

"Ngunit?"

"Ngunit magkaiba ang mga namumuno sa bawat unibersidad."sagot niya.

"Saka hindi lang ang CU ang makakalaban natin."wika nya pa kaya napataas yung isang kilay ko.

"Meron pa?"takang tanong ko at tumango siya.

"Apat lahat ang university nina Mr. and Mrs. Saavedra , at ang apat na unibersidad na iyon ay pinamumunuan ng quadroplets na anak nila. At isa na doon sina King Sycho at Sander."sagot niya sakin kaya napatango ako.

"Eh yung dalawa pa sino sila?"tanong ko.

"Si Sandro at Aicho (Ayko). Si Sandro ang namumuno sa DU o mas kilalang Diablo University , samantang si Aicho (Ayko) naman ay namumuno sa Satanic University."sagot niya.

"Bat ang w-weird ng mga university name? Mas bet ko pa itong PU."wika ko.

"Tara na nga mag insayo na din tayo."wika niya saka umalis ito sa tabi ko kaya sumunod na lamang ako sa kaniya.

_____________________

Someone's Point of view

"Ihanda muna ang iyong sarili , dahil sa pagganap ng night party ay dapat muna siyang paslangin."wika niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"At bakit naman kita susundin?"taas kilay na tanong ko sa kaniya.

"Dahil pag hindi mo gagawin ang pinapagawa ko sayo , posibleng mawala sayo ang lalaking iniibig mo."nakangising wika sakin.

"Hinding-hindi kita susundin.  Alam kong hindi iyan mangyayari dahil alam kong hindi papayag ang namumuno sa PU na mapunta sa iba ang babaeng tinuturi niyang reyna."wika ko sa kaniya at ngumiti.

"Eh pano naman pag gusto din ng babaeng yon ang lalaking iniibig mo , edi may posibleng magiging sila ng lalaking iniibig mo pag hindi mo siya pinaslang."parang nang hihinayang wika niya.

"At lalong lalo na , hinding hindi magiging sayo ang lalaking iniibig mo dahil nakikita ka niya lamang bilang isang kaibigan."nakangising wika niya kaya napairap ako.

"Kung mapapatay mo man ang babaeng yon , edi wala ng makakaagaw sa lalaking iniibig mo at higit sa lahat maaari mo ng gawin ang lahat ng ninanais mo."wika niya pa.

"Pag ginawa ko yang sinasabi mo , ako naman yung mamamatay."malamig na wika ko sa kaniya.

"Alam nating dalawa na mahal ng King of Psycho ang babaeng iyon. At kung may masama man na mangyari sa babaeng yon ay hinding-hindi niya ito mapapalagpas."wika ko pa.

"Eh kung ikaw na lang kaya ang gumawa non."nakangising wika ko sa kaniya.

'Para naman mamatay kana ng mas maaga.'

"Hindi ako makakadalo sa party na iyon."wika niya.

"Wag mo akong bilogin. Rinig na rinig ko ang sinabi kanina ni King na lahat , LAHAT ng istudyanteng nag aaral dito ay makakadalo sa party na iyon."wika ko sa kaniya.

"Magaling siyang makipaglaban , ngunit alam kong mas magaling ka sa kaniya kaya mapapaslang mo kaagad siya ng mas maaga."wika niya sakin saka siya tumayo at inikot ikotan niya ako.

"Bakit , ikaw ba humina na kaya mo sakin inuutos yang bagay na iyan."mapang-asar na wika ko sa kaniya kaya napairap siya.

"Hindi ako humina. Tsk , bahala ka sa buhay mo. Basta binalaan na kita , pag hindi mo nagawa yung sinabi ko sayo hinding hindi mapapasayo ang lalaking iniibig mo."wika niya saka niya ako tinalikoran at akmang bubuksan na niya ang pinto para makalabas ngunit nagsalita ulit ako.

"O baka naman. Kaya mo sakin pinapagawa iyon upang mamatay din ako at mapasaiyo ulit ang lalaking niloko at pinaglaruan mo noon."nakangising wika ko na ikinahinto nito.

"Kalma lang."wika ko sa kaniya ng makita kong naikuyom nito ang kamao niya. "Kase kahit mapatay ko ang babaeng yon at kahit mamatay man ako , ay hinding hindi na babalik sayo ang lalaking kinakabaliwan mo dahil sa katarantaduhang ginawa mo sa kaniya noon."nakangising wika ko ng lumingon ito sakin saka ko siya nilagpasan at naunang lumabas sa aming room.

_____________________
Thanks for reading!

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now