Chapter 24

373 15 0
                                    


"Huwag kang magalala , kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ako mapapahamak sa labanang iyon." Pagpapakalma niya kay Sycho , habang hinihimas niya ang buhok nito dahil nakayakap ito sa beywang niya at nakaupo siya sa kandungan nito.

"But I can't stop myself worrying about you. What if Sofia would kill you? F-ck that f-ck-ng battle! I dont want to lose you , baby Shan." Wika nito na may pag-alala sa boses.

"Sy , walang pata-"

"Its baby Sy." Pagtatama nito kaya napairap si Shantelle at mahina niyang sinabunutan ang buhok nito saka hinimas.

"Baby Sy." Wika niya at bumuntong hininga saka pilit na ngumiti. "Walang patayan na magaganap. Kaya siguradong hindi ako mamamatay at kung may balak man silang patayin ako sa labanang iyon , paparusahan iyon ng mga magulang mo."

Seryusong tumingin ito sa mukha ni Shantelle dahil nakasandal ang ulo nito sa dibdib niya.

"Tss. Still you're not going to that f-ck-ng battle , baby Shan. I will not let you go into that battle." Pinal na wika nito.

Humugot siya ng hininga at hinawakan ito sa pisngi. "Wala ka bang tiwala sa kakayahan kong makipaglaban?" Dismayadong tanong niya rito.

Lumambot naman ang expression ng mukha ni Sycho at hinalikan nito ang noo ni Shantelle. "Of course I have." He smiled.

She pout. "Eh! Why are you acting like that if you trust me?"

"Because i love you and i don't want to hurt you , I'm worried about what might happen to you." Sagot nito at mahigpit na yumakap sa beywang ni Shantelle at binibigyan nito ng mu-munting halik ang balikat ni Shantelle na ikinangiti niya.

"I love you too." Nakangiti niyang wika. "Pero alam nating wala tayong ibang magawa dahil iyon ang sinabi ng ina mo."

"I will make a way for you not to fight." Wika nito. "Take a rest , may pupuntahan lang ako."

"Saan?" Tanong niya ngunit di ito sumagot kung saan ito pupunta saka inalalayan lamang siya nito na makahiga at kinumutan.

"Stay here." Wika nito at humalik sa noo ni Shantelle. "I'll be right back."

Tumalikod ito sa kaniya at lumabas sa kaniyang kwarto.

Bumuntong hininga na lamang si Shantelle at napapailing. Bumangon siya at umalis sa kaniyang kama , hinanap niya ang kaniyang cellphone at ng makita niya ito at agad niya itong kinuha.

Tinawagan niya si Ash ngunit hindi ito sumasagot sa mga tawag niya. Ilang ulit niya pang sinubukan na tawagan ito ngunit out of coverage na ito.

"Nasaan ka bang babae ka , bat out of coverage kana?" Takang tanong niya.

Kumuha siya ng isang itim na jacket mula sa kaniyang cabenit. Sinuot niya iyon bago lumabas sa kaniyang dorm at nagtungo sa dorm ng kaibigan niyang si Ash.

Nang makarating na siya sa harapan ng pinto ng dorm ni Ash ay kumatok siya.

"Ash , buksan mo ang pinto." Mahinang sigaw niya dahil gabi at kumatok ulit.

Napatingin naman siya sa katabing dorm ni Ash ng bumukas ang pinto non at may lumabas na isang babae.

"Umalis si Ash kani-kanina lamang , kaya mas mainam na bumalik ka na sa iyong dorm dahil lumalalim na ang gabi." Wika ng babae.

"Saan siya pumunta?" Tanong niya at nagkibit-balikat lamang ito bilang sagot. "May kasama ba siyang umalis?" Tumango ito sa kaniya. "Sino?"

"Si Khillian yung boyfriend niya." Sagot nito. "Sige papasok na ako , bumalik kana sa dorm mo baka ano pa ang mangyari sayo dito sa labas lalo na't gabi na."

"Sige , salamat." Wika ni Shantelle.

Tumango ang babae sa kaniya bago ito pumasok at ni-lock ang pinto.

Bumuntong hininga siya at tipid na ngumiti bago naglakad pabalik sa kaniyang dorm.

Habang siya ay naglalakad pabalik sa kaniyang dorm ramdam niyang may nagmamasid sa bawat galaw niya.

Hindi siya nagpahalata at normal na naglakad upang hindi mapansin ng taong nagmamasid sa kaniya na ramdam niya ito.

Hating gabi na ngunit gising na gising pa din si Shantelle. Gusto niya kasing hintayin si Sycho ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Sinubukan niya rin itong tawagan ngunit katulad din ito ni Ash na out of coverage.

Nagaalala na siya kung saan nga ba talaga ito pumunta at kung ano ang ginagawa nito ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas at dinalaw na siya ng antok kakahintay kay Sycho , kaya naman tumayo siya dahil nakaupo siya sa sofa na nasa sala at naglakad papasok sa kaniyang kwarto at humiga saka pinikit ang mga mata.

_______________

"Sy , ikaw na ba iyan?" Tanong ni Shantelle.

Nagising kasi siya dahil sa naririnig na ingay mula sa labas ng kaniyang kwarto.

"Sy!" Malakas na sigaw niya ng mamatay ang ilaw.

Umalis siya sa kaniyang kama at kinapkap ang cellphone niya sa bed side table niya. At nang mahawakan na niya iyon ay agad niyang in-on ang flash light upang makakita.

Agad niya ring pinatay ang flash light ng cellphone niya dahil may taong gustong mabuksan ang pinto ng kwarto niya.

Nakaramdam siya ng kaba kaya dumapa siya at nagtago sa ilalim ng kama dahil alam niyang hindi iyon si Sycho. Kasi tatawag o mag me-message ito sa kaniya pag-uuwi na ito.

Narinig niyang bumukas at sumara ang pinto kaya napakagat labi siya.

Nakahinga lamang siya ng maluwag ng bumalik ang ilaw at nakita niyang nasa harapan niya ang dalawang paa ng taong nangahas na pumasok.

Ilang segundo ang lumipas at lumabas din ito. Pinakiramdaman niya muna ang boung kwarto at ng makasigurado siyang wala ng ibang tao maliban sa kaniya ay lumabas na siya sa kaniyang pinagtataguan.

Ngunit siya ay nagkamali. May isang tao pang nasa loob ng kwarto niya , naka indian seat ito sa kaniyang kama at may biglang ini-spray ito sa mukha niya dahilan ng pagkalabo ng kaniyang paningin at tuluyan ng mawalan ng malay.

____________

"F-ck! Baby Shan , where the hell are you?" Tagis bagang na wika ni Sycho.

Nang dumating kasi ito ng 2 am sa dorm ni Shantelle ay agad na niyang napansin na may kakaibang nangyari sa kasintahan niya ng mawala siya sa tabi nito.

Tirik na tirik na ang araw ngunit hindi niya pa rin makita ang dalaga.
Halos pinasuyod na niya ang boung unibersidad ngunit hindi niya pa rin ito makita. Nagaalala na siya kung ano na ang nangyari sa kasintahan niya.

Natauhan lamang siya ng maalala niya ang kuwentas na ibinigay niya rito noong first monthsarry nilang dalawa dahil may tracking device iyon.

"F-ck-ng F-ck!"

Kaba , galit at inis ang namutawi sa pagkatao niya ng malaman niya kung nasaan ang kasintahan niya sa pamamagitan ng kuwentas nitong mayroong tracking device.

"They will pay for it." Tagis bagang na bulong niya habang nakatitig lamang siya sa kaniyang laptop.

_______________________
Salamat sa pagbabasa!

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now