Chapter 32

318 17 0
                                    


Magisa lamang si Shantelle sa dorm ni Sycho. Hindi pa kasi siya nito pinapayagang pumasok. Habang siya ay nanonood ng tv sa sala ay may biglang kumatok sa pinto at narinig niya naman iyon , kaya naman tumayo siya at naglakad palapit sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.

"Hi!" nakangiting bungad sa kaniya ni Ash ng mabuksan niya ang pinto.

"Oh! Ikaw pala , tara pasok ka." pangaaya niya at pumasok naman ito. "Maupo ka." sabi niya bago pinatay ang tv.

Tumango si Ash bago umupo bago nagsalita. "Kumusta?"

"Ito ayos naman." sagot niya sabay upo sa kaharap na sofa na inuupuan nito. "Ano yan?" nagtatakang tanong niya ng inabot sa kaniya ni Ash ang hawak nitong mga papel.

"Pinapabigay ni Prof para naman daw may maisagot ka sa exam. Ilang weeks ka na daw kasing hindi pumapasok at next week na rin daw yung exam natin." sagot nito at bumuntong hininga pa.

Tumango siya at tuluyang tinanggap ang mga papel na iyon saka inilapag sa kaharap na mesang maliit.

"Ahhmm..."

"May sasabihin ka?" tanong ni Ash sa kaniya at tumango naman siya. "Tungkol saan o kanino?"

"About Cathy." sagot niya. Hindi niya kase natanong kay Sycho noong nakaraan ang tungkol sa dalaga. "Nasaan siya?"

Umiling sa kaniya si Ash na ikinakunot ng noo niya. "Wala kaming nakitang bakas ni Cathyline , Shan. Pinasuyod na samin ni King Sycho ang buong gubat na iyon ngunit wala talaga. Naisip namin na baka patay na siya dahil sa isang malakas na pagsabog ng gusaling nilabasan mo noong araw na iyon." sagot nito sa kaniya kaya napaiwas siya ng tingin.

"Juice , gusto mo?" pag iiba niya sa usapan.

Umiling naman ito. "Huwag na. Aalis na din naman ako dahil may importante pa kaming pupuntahan ni Khillion." sabi nito at tumayo. "Sa susunod na lang." tumango naman siya. "Sige , Shan. Alis na ako." pagpapaalam nito sa kaniya.

"Sige , magingat kayo sa pupuntahan niyo." sabi niya na lamang at hinatid ito palabas.

NASA kuwarto lang si Shantelle buong araw , siya ay nakaupo sa kama habang may hawak na papel. Ilang weeks kasi siyang  hindi pumasok  dahil sa nangyari sa kaniya , kaya naman ngayon ay tudo review ang ginagawa niya. Ilang araw na lang  kasi ay examination na nila.

Nabaling naman ang attention niya sa pintuan ng bigla na lamang iyon bumukas at pumasok si Sycho.

Ang seryuso niyang mukha ay napalitan ng pagalala dahil sa nakita niyang mukha ni Sycho na parang problemadong-problemado ito.

"What's wro—"

"Don't talk." pagputol nito sa kaniya bago ito dumapa sa hita niya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago inilapag  ang hawak niyang mga papel sa tabi niya bago niya sinuklay ang buhok nito gamit ang mga daliri niya.

Mapupungay ang mga mata nitong tumingala sa kaniya kaya binigyan nga ito ng matamis na ngiti habang patuloy sa pagsusuklay ng buhok nito.

Malalim ang bawat hininga nito kaya nagaalala siya rito. Halatado kasing malungkot ang binata.

Ilang minutong tahimik lamang sila , hindi na siya nagtangkang magsalita. Hanggang sa ito na mismo ang nagsalita.

"I'm sorry."

Napahinto siya sa pagsusuklay ng buhok nito gamit ang mga daliri niya. "Hmmm?" kunot ang noo niyang napatitig sa mukha nito.

Bumuntong hininga pa ito bago umiling at yumakap na lamang ito sa beywang niya.

"May problema ba?" mahinahong tanong niya bago ipinagpatuloy ang pagsusuklay sa buhok nito . "Girlfriend mo ako , Sycho. Kaya kung may problema ka man  sabihin mo lang sa akin , handa naman akong makinig sa mga problema mo. Malay mo may maitutulong pala ako diyan sa mga problemang dinadala mo." paalala niya.

Tumihaya naman ito at humiga sa tabi niya bago nito pinagsaklop ang kamay nilang dalawa at nagsalita . "Nah , don't mind me. I'm just tired." paulit ulit nitong hinalikan ang kamay niya saka ngumiti. "I love you."

Hearing those three magical words her heart beat went so fast.

"I love you too." nakangiting tugon niya at humiga na rin dahil nakasandal lamang siya kanina sa head board ng kama.

Hinalikan siya ni Sycho sa labi niya bago niyakap ng mahigpit. "Palagi mong tandaan na kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo upang protektahan ,  alagaan at mamahalin ka. Pinapangako ko , hinding hindi kita iiwan , hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit anong bagay at 'nino man." bulong nito sa tainga niya na ikinangiti niya.

"Sigurado ka?" tanong niya rito at hinarap ito.

Nakangiting tumango naman ito.

"Eh! Paano pala pag bulaklak ako at hindi naging tao?" taas kilay na tanong niya.

Mas lalo naman siya nitong hinigit sa beywang palapit sa matikas nitong katawan.

"E'di didiligan kita." sabi nito habang may nakakalukong ngiti sa labi. "Didiligan kita araw-araw , gabi-gabi." sabay pasok nito ng kamay sa damit niya.

Napangiwi naman siya dahil sa sagot nito saka niya ito pinaghahampas sa dibdib. "Bastos!"

Malakas itong tumawa bago siya nito pinugpog ng maliliit na halik sa mukha. "Ugh! Ayaw mo non?" inosenteng tanong nito sa kaniya kaya napairap siya. "Didiligan na nga kita araw-araw at gabi-gabi." dugtung nito habang tumataas baba ang kilay nito at may malapad na ngisi sa labi. "Sarap non!"

"T*ng*nang dilig yan!" malutong niyang mura habang magkasalubong ang kilay. "Anong masarap?" malditang tanong niya kaya muli itong napatawa ng malakas.

"Siyempre! Diba? Pag didiligan ko yung bulaklak mo—ay este pag didiligan ko yung bulaklak siyempre lalaki yun kase nga nasarapan—este  diniligan ng tubig. Lumaki siya kase diniligan , inalagaan."

"Anong lalaki kase nasarapan?!" inis niyang tanong.

"Kase hindi naman lalaki yung bulaklak o halaman kung hindi yun nasarapan—sa tubig na ididilig ko. Magiging healthy ka pa dahil  araw-araw , gabi-gabi kita didiligan." paliwanag nito sa kaniya habang tumataas baba ang dalawa nitong kilay.

"Pero mas masarap pag yung kaibigan ko ang didilig sa bulaklak mo." mapaglarong dugtong pa nito.

"Huh?! Sinong kaibigan?" nagtatakang tanong niya. "Sabi ko , ikaw kung naging halaman ba ako mamahalin at alagaan mo pa rin ba ako?!" naiinis niyang sabi.

He smirked. "Do you want to know which friend i am referring to?" Sycho voice was husky. Tumango tango naman siya. "This." sabi nito sabay hawak sa kamay ni Shantelle at pinasok iyon sa loob ng pantalon na suot nito.

"P*tang*na mo talaga , Sycho. Bastos!"

______________________
Salamat sa pagbabasa💛

Comment and vote mga bb

Fb: Binibining May Writes I
Fb group: BINIBINING MAY WRITES GP

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now