Chapter 23

390 15 0
                                    


"Doon ka matulog sa dorm mo." Casual na wika ni Shantelle kay Sycho.

Dumiretso kasi ang mga ito sa P.U.

"Ah-huh." Pailing-ilang na wika nito. "Dito lang ako."

Pinaningkitan niya ito ng tingin at nag cross arm. "Hindi tayo bati , remember?" Wika niya at tipid na ngumiti. "Muntik na akong mawalan ng ulirat dahil sa ka-over acting-an mong hinayupak ka!" Mataray niyang wika.

Sasarahan niya na sana ito ng pinto ngunit humarang ito.

"Let me in , baby Shan." He husky said.

'Wag marupok , Shan. Huwag na huwag.' Pagkukumbinsi sa kaniya ng kaniyang isipan.

Ngumiti siya ng pilitan at inirapan din naman ito kaagad. "Huwag mo akong tawagin ng ganyan. Alis , labas na labas." Pagtataboy niya rito at tinulak pa ito ngunit hindi naman ito nakaalis sa pinto.

"Ano ba?! Umalis ka na nga , alis." Wika niya habang pinandilatan ito ng mata at mahinang tinulak-tulak ang pinto upang maipit ito.

"I'm pissed off earlier. I'm sorry if I'd scared you , I didn't mean it—"

"Oh! Tologo bo?" Pagputol ni Shantelle sa pagsasalita nito. "Hindi mo sinadya? Eh ilang bises pa nga kitang sinigawan na bagalan mo yung pagpapatakbo ng kotse mo , tapos ngayon sasabihin mo lang na hindi mo sinadya. Aba matindi! Kung hindi mo pa yata ako nilingon kung ano ang reaksiyon ko , hindi mo ihihinto yung kotse mo kanina eh!" Panenermon niya.

"Baby Shan—"

"Ako'y tigil-tigilan mo diyan sa ka-baby baby mo , Sycho. Hindi ako marupok , itaga mo ang salitang yan diyan sa utak mo!" Malakas na sigaw niya sa pagmumukha nito at buong puwersa itong tinulak at sinarhan ng pinto. 

"Kagagohan! Matulog ka doon sa dorm mong ang pangit-pangit." Bulong na panlalait niya.

Huminga siya ng malalim at inayos ang ibang hibla ng kaniyang buhok na nasa mukha niya at pumasok sa kaniyang kwarto.

Habang nagpapalit siya ng  kaniyang suot ay paulit-ulit niyang naririnig ang cellphone niya , sign na may tumatawag sa kaniya.

Kinuha niya ito sa ibabaw ng kama niya at ng nabasa niya ang pangalan ng caller ay nilagay niya na lamang iyon sa bed side table niya at hinayaang mag ingay ng mag ingay.

Pasado 10 na ng gabi at maingay pa  rin ang cellphone niya kaya kinuha niya ito at sinilent saka ibinalik din at humiga sa kama at maya maya ay nakatulog din ng maayos.

___

Kinaumagahan , nagising si Shantelle at agad na bumangon at pumasok sa banyo upang mag toothbrush saka maligo.

Sabado ngayong araw at nais niyang lumabas sa P.U at pumunta sa bahay ng mga magulang niya dahil namimiss niya na ang mga ito.

Hindi niya na inabalang tawagan gamit ang cellphone niya ang kaniyang mga magulang dahil su-supresahin niya ang mga ito.

Nang makapag-ayos na siya ay agad din siyang lumabas sa kaniyang dorm at naglakad papunta sa parking lot.

Napahinto siya sa paglalakad ng tumunog ang kaniyang cellphone , kinuha niya ito at ng makita niyang may mensahi mula sa unregistered number ay kaagad niya itong binasa.

"Sycho is mine , you bitch!" Basa niya sa mensahi naikinataas ng kilay niya.

Ohw! Yes  I'm a bitch , his gorgeous girl friend. Reply niya at pinatay ang cellphone at napairap na lamang saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka!" Takang wika niya at hinalughog ang shoulder bag na dala niya. "Nasan na ang susi ng sasakyan ng lalaking yon?" Tanong niya sa sarili.

"Ito ba ang hinahanap ng baby Shantelle ko?"

Napalingon siya sa taong nasa likuran niya at walang iba kundi si Sycho lamang ang kaniyang kasintahan.

Napangiwi ang labi niya ng makita niyang hawak ni Sycho at susi ng sasakyan nito.

Pinaikot niya ang mga mata. "Kinuha mo ba kahapon yang susing iyan sa bag ko?" Taas kilay na tanong niya rito.

Ngumisi ito at lumapit sa kaniya. "Yeah , and where do you think your going?" Tanong nito.

"Wala kang paki alam , kaya pwede ba? Ibigay mo sakin yan." Mataray na wika niya habang nakatingin sa susing hawak nito.

"Its mine—"

"Alam ko." Pagputol niya sa sasabihin pa nito.

"And also you're mine." Nakangising wika nito na ikinairap lamang ni Shantelle.

"Dami mong satsat , akin na nga yan!"

Akmang aagawin niya ang susing iyon na nasa kamay nito ng itinaas ni Sycho ang kaniyang sariling kamay.

"Ahh-huh , where's my good morning kiss?"

"Good morning kiss mo yang mukha mo!" Mataray na wika niya na ikinatawa nito. "Sige na , ibigay mo na sakin yan kundi tutuhudin kita." Pananakot niya rito.

"Let me drive you." Wika nito at lumapit sa kotse nito at sumakay. "Get in." Utos nito.

Umirap muna si Shantelle at bumuntong hininga dahil wala naman siyang ibang magawa kundi sundin ang utos nito  , na pumasok sa kotse nito.

____

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya habang siya'y nakasandal sa back seat.

"Sandoval restaurant." Maikling sagot nito na ikinalingon sa kaniya  ni Shantelle. "Breakfast with me."

Umirap siya. "Okay."

"Still mad?" Tanong nito habang nasa daan ang tingin nito.

Bumuntong hininga siya at ipinilig ang ulo. "Hindi." Sagot niya.

"Hmmm.... really? Kiss mo nga ako." Panunudyong wika nito na ikinaikot ng mga mata niya.

"Kiss mo yang mukha mo!"

He chuckled. "So cute." He whispered.

____

"Good morning sir , ma'am." Bati ng isang guard ng makapasok sila sa Sandoval restaurant.

Nginitian naman niya naman ito. "Good morning too." Bati niya na ikinadilim ng mukha ni Sycho.

"F-ck off! She's mine." Malamig na wika nito at hinila nito si Shantelle sa pang dalawahang table.

"Here's your menu sir , ma'am." Wika ng waitress at matamis na ngumiti kay Sycho.

Pinaikot ni Shantelle ang kaniyang mga mata at tinanggap ang menu.

"What's your order , sir?" Malanding tanong ng waitress at bahagyang hinimas ang braso ni Sycho.

"Ahhhmmm...." Pagkuha ni Shantelle sa attention ng waitress. "Rice for two person , these." Turo ni Shantelle sa isang special na putahe. "And water."

"Okay just wait for 5 minutes , ma'am." Piking ngumiti sa kaniya ang waitress bago ito umalis sa harapan niya.

"Tingin-tingin mo diyan?" Mataray niyang tanong kay Sycho.

Dumukwang ito palapit sa kaniya at mahinang hinawakan nito ang panga niya. "Jealous?" He smirked. "I'm all your's."

"Kapal!" Wika niya at tinabig ang kamay nitong nasa panga niya na ikinatawa lamang nito.

"Here's your order , ma'am. Enjoy your meal." Wika ng waitress at nilapag sa harapan niya ang in-order niya bago ito umalis.

"Akin to , um-order ka ng sayo!" Mataray na wika niya na ikinailing ni Sycho.

Tinawag nito ang waitress at um-order na rin ng makakain.

_______

"Sy." Tawag niya rito.

"Sycho."

"Hoy ano ba? Tumingin ka nga sakin!" Pagmamaktol niya.

"Sycho , tinatawag ka ng girl friend mo!" Inis niyang wika.

"Its baby Sy not Sy or Sycho." Pagdidemand nito sa kaniya.

"Demanding tayo ngayon ahh , gold ka pre?" Nakangiwing wika niya naikinadilim ng mukha nito. "Charot lang! Ito naman  , hindi lang kita pinatulog sa dorm ko kagabi di kana mabiro eh."

________________________
Salamat sa pagbabasa!

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now