Chapter 25

367 16 0
                                    


"Umayos ka , papunta na dito sina Siñorita."

Tumango lamang si Shantelle sa lalaki at inayos ang sarili.

"Doon mo na siya hintayin sa kusina." Wika pa nito.

Muli siyang tumango at tumayo bago lumabas sa isang silid at sinundan ito patungong kusina.

__

"Did you think well , miss Sandoval?" Tanong ni Mrs. Saavedra sa kaniya.

Tumango lamang siya habang kumakain.

"So what is your decision? Do you
Agree with what I said."

Tumigil siya sa paghihiwa ng karneng kakain at nakipagtitigan siya rito , mata sa mata.

"Yes , i agree with your condition. I will fight. I will fight not because you want to. I will fight because I have confidence in myself that I can and I want to prove that I can fight, that I am not weak , na kaya kong makipagsabayan sa pakikipaglaban...

.....And I love your son Sycho so much that I will fight and fight with whatever I can. Just don't deprive him of me or take me away from him."

Ayaw niyang malayo sa binata. Ini-imagine niya pa nga lang na hindi niya na ito makikitang muli ay parang mababaliw na siya , kaya wala siyang ibang magawa kundi ang sumang-ayon sa kondisyon nito.
At para na rin patunayan sa mga istudyanteng taga P.U na tama lamang na siya ang pinili upang makipaglaban.

Mrs. Saavedra smiled at her. "Good decision, go ahead prepare yourself first because tonight the battle will be held. Win that battle. Be careful with your every move, take care of yourself. You know that my son doesn't want to hurt his beloved girlfriend." Pinunasan nito ang gilid ng labi gamit ang tissue at tumayo. "See you tonight. For now I'm leaving , goodbye."

Tumango siya bago ito tuluyang umalis. Tinapos niya muna ang kaniyang kinakain bago bumalik sa isang silid upang ihanda ang sarili sa gaganaping laban mamaya.

__

"Nasa cabenit na iyan ang mga kailangan mo." Wika ng lalaki sa kaniya at tinuro ang isang malaking cabenit. "Buksan mo na lang." Dagdag pa nito bago lumabas sa silid.

Tinignan niya naman ang kabuuan ng silid bago huminto ang kaniyang paningin sa isang cabenit at nilapitan iyon.

Binuksan niya iyon upang kunin ang mga gamit na kailangan niya at inayusan na rin ang sarili.

NASA opisena ngayon si Sycho at kasama niya ang kaibigan niyang si Khillian at ang girlfriend nitong si Ash. May mga importante kasi silang dapat na pagusapan at tungkol iyon sa biglaang pakawala ni Shantelle.

Noong nakaraang araw ay nalaman nilang nasa isang lumang bahay ito. Hindi kalayuan sa university , sa pamamagitan ng tracking device. Ngunit ng makarating sila doon ay wala silang Shantelle Sandoval na nakita.

Napabaling ang buong attention ni Sycho sa cellphone niyang tunog ng tunog , kinuha niya iyon upang alamin kung anong meron.

"Si Shan na ba yan?" Tanong ni Ash sa kaniya.

Kumunot ang noo niya ng may dalawang video na isinend sa kaniya mula sa email na hindi niya naman kilala kung kanino. At ng dahil sa curiosity-ng bumalot sa pagkatao niya ay tiningnan niya iyon.

"What the F-ck?!" Hindi makapaniwalang wika niya.

"Bakit ano ba yan? Patingin nga kami."

Makikita sa unang video na nakikipaglaban si Shantelle kay Sofia.

"Akala ko ba sa susunod pang linggo gaganapin yon?" Takang wika ni Ash habang nakatitig lamang ito sa screen ng cellphone ni Sycho.

Pinapanood kung paano nakipagpalitan ng pagsparing sina Shantelle at Sofia gamit ang kani-kanilang matulis na ispada.

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now