Chapter 5

545 20 1
                                    


SHANTELLE's Point of View

Habang ako ay naglalakad dito sa hallway patungo sa aking room, bigla na lamang akong napahinto dahil may limang babae ang humarang sa aking dinadaanan.

"Kailangan niyo?" mahinahong tanong ko sa kanilang lima.

"Pag-sinuswerte ka nga naman ngayong umaga, Red ohh!" nakangising wika ni Blue saka ito nag cross arm.

"Malas yang babaeng yan, 'lam mo ba yon?" wika ko sa kaniya na ikinataas naman ng isang kilay ni Red.

"Alam mo---"

"Hindi ko pa alam." putol ko sa sasabihin ni White.

"Namumuro ka ng babae ka ahh!" inis na sigaw sakin ni White.

"Kalma lang, Puti, baka ikamatay mo yan, sige ka." mapang-asar na wika ko sa kaniya.

"Bitch!" singhal sakin ni Red at akmang sasampalin ako nito nang umiwas ako.

"Hindi ako ikaw, okay?" wika ko sa kaniya.

"Tara na, Red, mamaya na yan. May kailangan pa tayong unahin kisa diyan sa babaeng walang kwenta." mataray na wika ni Green saka niya ako nginisihan.

"Walang kwenta?" takang tanong ko sa kaniya.

"Oo wala k---"

"Ahh.... parang ikaw." nakangiting wika ko sa kaniya saka nag flip hair at iniwan sila doon.

"Hoy babae bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos!" rinig kong sigaw ni Red ngunit di ko na ito pinansin o nilingon man lang.

Tsk! Iiwas at iiwas ako sa gulo hanggat maaari. Hindi pwedeng palagi na lamang akong nasasangkot sa gulo rito dahil bagohan pa lamang ako sa university na ito.

Lalo na't si Ash pa lamang yung kilalang-kilala ko dito.

"Shantelle!"

Agad naman akong napalingon ng marinig ko ang boses na iyon.

"S-sander?" takang wika ko.

"A-anong g-ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko sa kaniya ng makalapit ito sa akin.

"Tila'y kinakabahan o nagulat ka yata ng makita mo ako aking binibini." nakangiting wika nito kaya huminga ako ng malalim at tumayo ng maayos.

"Anong sadya mo bat ka naparito?" mahinahong tanong ko.

"Hinahanap ko ang aking kapatid rito ngunit ikaw ang aking nakita." nakangiti paring sagot niya.

"Dito kana pala nag aaral, bakit hindi mo sakin ibinalita?" tanong niya.

"At bakit ko naman ibabalita sayo na dito na ako ngayon nag-aaral, eh hindi naman kita kaibigan." taas kilay na wika ko sa kaniya.

"Excuse me." napatingin naman kaming dalawa ni Sander sa kaniyang likod ng may nag salita doon.

"May kailangan ka?" tanong ko sa lalaki at umiling naman ito.

"Okay, pwede na ba akong umalis Mr.?" tanong ko kay Sander at tumango naman ito kaya pike akong ngumiti sa kaniya saka nagpatuloy na sa paglalakad papuntang room.

"Magandang umaga, Shantelle." pagbati sakin ni Ash at ngumiti, tumango lamang ako sa kaniya at pumunta sa aking upuan saka doon umupo.

Alam kong nagsisinungaling lamang sa akin si Sander kanina. Ramdam kong ako ang pakay niya rito at hindi ang kapatid nito  kaya kailangan kong mag-ingat dito sa university na ito. Lalo na't nandito siya.

"Mukhang napakalalim na yata ng nasisid nang iyong isipan, aking kaibigan." napatingin naman ako sa tabi ko ng magsalita si Ash.

"Hindi naman masyado." wika ko sa kaniya.

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now