Chapter 3

543 18 1
                                    


SHANTELLE's Point of view

Panibagong araw na naman at dahil late akong nagising ngayon ay mabilis akong nagtungo sa banyo upang maligo.

Ilang minuto ang lumipas at natapos  din akong maligo at nakapag ayos na din ako kaya agad kung kinuha yung bag at limang libro ko na ibabalik ko pa sa library mamaya.

"Hay nako! Bat ba ako  na huli sa pag gising!" inis na wika ko sa aking sarili habang nagmamadaling naglalakad dito sa hall way ng university papuntang classroom.

"Ay tikbalang!" gulat na sigaw ko ng may nabangga ako kaya nahulog ang mga librong hawak ko.

Agad ko naman itong pinulot, tinulungan naman ako nong nakabanggaan ko.

"A-ahhh eh... he-he-he, sorry di ko sinadya. Nagmamadali kasi ako eh." pag papaumanhin ko sa lalaking nakabanggaan ko at tumango naman ito.

Takte ang gwapo niya mga men, sheyt.

"Sige mauna na ako sayo." wika ko sa kaniya saka tumakbo papunta sa classroom.

"Oy bat ngayon ka lang?" tanong sakin ni Ash ng nakaupo ako sa upuan ko at tamang tama namang pumasok din yung professor namin.

"Late na kasi akong nagising hehe." sagot ko sa kaniya.

"Buti naman at hindi mo nakasalubong si Sycho." mahinang wika niya.

"Pano mo naman na sabi na hindi ko nga siya nakasalubong?" tanong ko sa kaniya.

"Kasi kung nakasalubong mo si Sycho ng late ka hinding hindi kana sana makakapasok ngayong umaga." mahinang sagot nya.

"Bakit naman?" mahina ring tanong ko sa kaniya.

"Dahil mapaparusahan ka nito." sagot niya kaya tumango tango na lamang ako.




KASALUKUYANG PAPUNTA na ako ngayon sa library upang ibalik ang limang librong hiniram ko kahapon.

Wala nga pala akong kasama, pinauna ko na kasi si Ash sa cafeteria dahil lunch time na at hindi pa naman ako gutom.

*tok*

*tok*

*tok*

Pag-katok ko sa pinto ng library ngunit walang tao kahit bukas ang pinto kaya pumasok na lamang ako.

Agad naman akong umakyat sa hagdan dahil sa itaas ko ito kahapon na kuha at dapat kung saan ko ito kinuha ay nararapat na doon rin ibabalik.

"Ahhhhhhhh!" gulat na sigaw ko ng madulas ang isang paa ko kaya pumikit na lamang ako at hinintay na mahulog sa sahig.

"Fvck!" rinig kong mura ng boses lalaki.

Ilang segundo lamang ay ramdam kong may taong sumalo sa akin kaya iminulat ko ang aking mga mata.

"Are you okay?" tanong ng lalaking sumalo sakin.

Napatitig ako sa mukha nito, ito din yung lalaking nakabanggan ko kaninang umaga eh.

Dahan-dahan akong tumango sa kaniya kaya ibinaba niya naman ako.

"Ahmmm..... thank you nga pala sa pagsalo mo sakin." nahihiyang pasasalamat ko sa kaniya at ngumiti.

Tumango naman siya. "Be careful next time." seryusong wika niya at tumango na lang din ako.

"Any way I'm Shan, Shana mahalin mo balang araw." hirit ko at bahagya pang tumawa.

"What the--------"

"Charot lang, ito naman di mabiro." tatawa-tawa kong wika. "I'm Shantelle, Shan for short." nakangiting pakilala ko sa kaniya.

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now