Chapter 31

333 17 0
                                    


Madilim na sa labas ngunit gising na gising pa rin si Shantelle dahil kanina lamang ito nagising.

Napatingin siya sa kabilang bahagi niya at nakita niyang tulog na ang dalawang nagbabantay sa kaniyan na sina Ash at Khillion.

Bumangon siya at bumaba sa kama. Narinig niya kasi kaninang nag uusap ang dalawa na nasa suffer building raw si Sycho kaya
napagpasiyahan niyang puntahan ito.

Tahimik siyang naglakad palabas ng dorm ni Sycho.

Hindi na masyadong masakit ang katawan niya dahil ilang araw din siyang walang malay at nakahilata lang sa kama. Wala na ang mga pasa niya at malapit na ring gumaling ang mga sugat niyang natamo.

Napahinto siya ng umiihip ang malamig na hangin kaya niyakap niya ang kaniyang sarili.

Tahimik niyang tinahak ang hallway patungo sa suffer building na katabi lamang ng office ni Sycho.

Tiningala niya naman ang suffer building ng makarating siya sa harapan nito. Kumunot ang kaniyang noo ng makitang umiilaw at namamatay ang ilaw sa ikalimang palapag kung saan siya pupunta.

"Sinong tangang paulit ulit na magpapailaw tas papatayin lang naman?!" isinawalang bahala niya na lamang iyon at pumasok sa building.

Naglakad siya papalapit sa elevator at pumasok doon saka niya pinindot ang isang red button. Bago pa tuluyang sumara ang elevator ay napatakip siya sa kaniyang ilong ng malanghap niya ang masangsang na amoy mula sa hangin na pumasok.

Masyadong tahimik ang buong sulok ng building at iyon ang kinababahala niya.

Bumukas ang elevator kaya agad din siyang lumabas. Tulad ng nakita niya kanina nong nasa labas pa lang siya ay paulit ulit pa rin na namamatay at umiilaw ang ilaw dito sa ikalimang palapag.

"S-sy." mahinang pagtawag niya sa pangalan ng kasintahan.

Naglakad siya palapit sa nag iisang pinto dito sa ikalimang palapag. Kinakabahan siya dahil sa katahimikan ng buong sulok at lalo na't namamatay at umiilaw pa rin ang ilaw.

Dumikit siya sa pinto dahil nakaawang iyon. Sumilip siya , may nakita naman siyang isang bulto ng lalaking nakaluhod sa sahig at nakatalikod mula sa kaniyang kinaruruonan.

Nanginginig ang kamay niyang humawak sa doorknob at pinihit iyon.

"S-sy." tawag niya sa binata ngunit hindi ito lumingon sa kaniya.

Hindi niya alam kung bakit ito nakaluhod sa sahig. Patay , ilaw , patay , ilaw kasi ang ilaw kaya hindi niya masyadong makita ang ginagawa nito.

Napilitan siyang pumasok na lamang at sinara ang pinto.

"Sh*t!" gulat niyang sabi habang nakahawak pa rin ang isang kamay sa doorknob.

Nang pumasok siya at medyo malayo pa ito sa kaniya ngunit ng humarap siya rito ay nasa harapan na niya agad ito.

Marami itong dugo sa damit at mukha , may malapad rin itong ngiti na nakaguhit sa labi.

"W-what are y-you doing?"

Hindi normal ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa kaba o dahil nasa harapan niya ang taong mahal niya na ilang araw na niyang hindi nakikita.

Hinapit nito ang beywang niya at bahagya pa itong yumuko upang titigan siya sa mukha pero umiwas siya ng tingin. "Wanna join?" his voice was husky then he smiled playfully.

"L-lumayo ka nga muna." pigil hiningang sabi niya at mahina itong tinulak.

Humugot siya ng hininga at agad namang napatakip sa ilong ng maamoy niya na naman ang masangsang na iyon. Sumilip siya sa likod nito at agad nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang bangkay na karumaldumal na pinatay. Lasug lasug na ang ulo , hindi na makilala ang sino iyon. Kumalat din ang dugo't laman ng taong yon.

Saavedra Quadroplets #1:School of Psycho (COMPLETED)Where stories live. Discover now