CHAPTER 10: NAHUHULOG

4.7K 86 6
                                    

CHAPTER 10
NAHUHULOG


Day off ko ngayon at naririto ako sa apartment ko. Naglilinis ako ngayon ng dahil sobrang kalat, bihira na lang ako maglinis dito sa apartment dahil palagi akong abala sa trabaho. Kinuha ko ang lumang cellphone ko at nagpatugtog ng paborito kong kanta na 'Say You Won't Let Go by James Arthur'.

Sinasabayan ko ang kanta habang naglilinis ako. Hindi kagandahan ang boses ko pero hindi ako sintunado, kahit papaano naman ay marunong akong kumanta. Minsan na rin ako noong kumanta sa singing contest noong Elementary ako pero hidi nga lang ako nanalo.

Matapos maglinis ng buong apartment ay nagpahinga muna sa ako sandal. Habang kumakain ng biscuits ay nanood muna ako ng isang movie ni Fred.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na dati ay nakikita ko lamang siya sa telebisyon pero noong makita ko siya sa personal ay mas lalong hindi ko kinaya. Akala ko nga noon ay panaginip lang ang lahat.

At ngayon naman ay binigyan ko siya ng pagkakataon na ligawan ako. Mahaba talaga ang buhok ko mas mahaba pa sa buhok ni Rapunzel. Ganun pa man ay may parte sa akin na natatakot dahil alam kong magkaiba ang mundo naming dalawa, hindi ko iyon nalilimutan.

Natapos ang pelikula nang hindiko namamalayan. Hindi ko naintindihan ang buong pelikula dahil lumilipad ang aking isipan tungkol sa amin ni Fred.

Tumayo ako sa kinauupuan at uminom ng tubig. Napailing na lang nang muli ko na naming naalala ang tungkol sa amin ni Fred. Bumuntong hininga ako at kinuha ang isang panali at pinuyod ko ng isahan ang mahaba kong buhok na wavy.

Nang matapos maglinis ay naglaba naman ako. Natambakan ako ng ngayon dahil noong nakaraang linggo ay hindi ako nakalaba. Mano-mano ang paglalaba ko dahil wala naman akong washing machine.

Nang malapit nang magtanghalian ay lumabas ako ng apartment para bumili ng kakainin. Dumiretso ako sa palengke at bumili ng gulay na siyang lulutuin ko. Nang makabalik sa apartment ay laking pagtataka ko nag makita ko ang sasakyan ni Fred.

Dali-dali akong pumasok sa partment at naabutan ko si Fred na walang pantaas. Napailing naman ako nag makita kong sinasampay niya ang nilabhan ko kanina.

"Aaah eeh, bakit ka nandito? Dapat nagsabi ka sa akin na pupunta ka para hindi ako nabibigla." Sabi ko sa kanya at napahawak siya sa batok niya.

"Sorry" aniya.

Napatingin ako sa sinasampay niya at nakahinga naman ako ng maluwag dahil tama ang pagkakahanger at sampay niyang mga ito. "Dapat hindi mo na 'yan ginawa." saway ko sa kanya.

"Ayos lang naman, gusto lang kita matulungan." parang bata niyang sabi at kumuha ulit ng isasampay sa basket.

"Ay panty!" bulalas ko nang makita ko na ang sunod niyang isasampay ay ang panty ko. Napatingin siya sa hawak niya at inilipat ang tingin sa akin at ngumisi.

"Ang liit ng panty mo." aniya at agad akong namula dahil sa kahihiyan. Bakit pa kailangang sabihin na maliit ang panty ko. Dahil sa sinabi niyang iyo ay hindi ko na naggawang kunin ang panty ko at hinayaan na lamang siya.

Ilang beses kong siyang sinabihan na maupo na lamang at ako na ang magsasampay pero mapilit siya at hindi nagpaawat sa akin kaya wala akong naggawa kundi hayaan na lamang siya.

Habang siya'y nagsasampay, ako naman ay nagluluto ng ulam para sa tanghalian. Tinanong ko si Fred kung kumain na siya pero ang sabi niya ay hindi pa daw.

Nagtanong pa nga siya sa akin kung may sardinas daw na siyang ipinagtaka ko. Ang sagot ko sa kanya ay merong sardinas at nagrequest siya sa akin na kung pwede ba siyang kumain ng sardinas at tumango na lamang ako.

Nagsimula akong hugasan ang mga gulay na binili habang hinayaan ko na lamang ipagpatuloy ni Fred ang sampayin ko.

Nang nagluluto na ako ay mahina akong kumakanta. Napasinghap ako sa kalagitnaan ng ng pagluluto nang biglang yumakap si Fred mula sa likuran ko. Kumuha ako ng kutsara at ipinatikim sa kanya ang niluluto habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Ang sarap." aniya at ang pasmado kong bibig ay nagsalita naman. "Ako din, masarap."

Nang matapos akong magluto ay bakas sa mukha ni Fred ang paglalaway sa sardinas na de lata na niluto ko.

"Aahmm Tin." pagtawag sa akin ni Fred at nagangat ako ng tingin.

"Bakit?" tanong ko.

"Smile ka nga." sabi niya at ginawa ko naman kahit nagtataka ako sa sinabi niya.

Ngumiti ako kahit may lamang ang kabilang pisngi ko ng pagkain. "Bagay sa'yo parang ako." aniya at muntikan na akong mabilaukan nang wala sa oras.

Napakamot siya sa ulo niya at nahihiyang tumingin sa akin.

"Ang korni ba?" tanong niya at tumango ako.

"Sobrang korni." sabi ko naman. "Mabuti na lamang ay gwapo ka." biro ko.

Magpapatuloy na sana ako sa pagkakain nang mag-apila muli si Fred. May sasabihin pa daw siya sa akin.

"Promise, hindi na ito korni." sabi niya at itinaas pa ang kanang kamay.

"Sige." sabi ko.

"Gusto mo bang pumuntang zoo?" tanong niya.

"Bakit?"

"Nasa zoo ka naman eh. Nasa puZOO ko."

Napangiti ako sa banat ni Fred. Hindi iyon korni at hindi rin iyon nakakakilig pero ang reaksyon niya ang kumuha ng atensyon ko. Mababasa mo kasi na hindi siya sanay magsabi ng mga banat banat.

Namumula ang kanyang tainga at hindi mapakali. Ako naman ay nagpipigil lang na tumawa dahil ang cute niyang panoorin. "Kinilig ka ba?" tanong niya sa akin at umiling ako.

"Hindi mo naman ako kailangan pakiligin eh." sabi ko at ngumiti siya.

Ang pagmamahal ay hindi tungkol sa kung paano ka kiligin pero sa kung paano ka tanggapin, unawain at mahalin ng isang tao. Hindi lang doon nagtatapos dahil ang pagmamahay ay hindi lang naman tungkol sa saya, palaging kaakibat ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo.

"Gusto ko nang umalis sa pag-aartista. Gusto ko ganito lang, simple lang. Kasama ka Tin, 'yung wala akong poproblamin basta minamahal lang kita." seryosong sabi ni Fred.

Tumayo siya sa kinauupuan at pumunta sa aking likuran at niyakap ako.

"Ikaw lang Tin, pangako." mahinang bulong niya sa aking tainga.

Sana nga ako lang kasi nahuhulog na ako. Nahuhulog na ako ng tuluyan kay Fred. Crush ko lang naman talaga siya eh pero hindi ko alam kung anong nangyari. Sinubukan ko naman na pigilan ang nararamdaman pero hindi ko naggawa.

Sa ngayon ay susugal ako sa isang desisyon na hindi ko alam kung tama ba o mali. Ang sa akin lang ay panindigan sana lahat ni Fred ang pagmamahl niya sa akin dahil hindi ko kakayanin sa oras na tumalikod siya sa akin.

Siya ang unang lalaki sa buhay ko kaya nagtitiwala ako kahit alam kong walang kasiguraduhan ang mundo naming dalawa.











MISTERCAPTAIN

Professor

Maraming salamat sa pagbasa at paghintay ng update.

THE PROMISEKde žijí příběhy. Začni objevovat