CHAPTER 35: ONE WORD

13.5K 367 161
                                    

CHAPTER 35
ONE WORD

        
Matapos ang yakapan ay nag-aya na si Christian na pumasok na kami sa loob ng bahay. Ang kwento pa nila ay naghanda sila para sa pagbabalik ko. Nasabi raw kasi ni Fred kahapon na uuwi na ako kaya naman pinaghanda talaga nila itong araw na ito.

Masaya ako dahil hindi ko akalain na ganito ang sasalubong sa akin. Ilang taon akong nangulila sa pamilya pero ngayon, muli kong naramdaman ang pagmamahal galing sa kanila. Muling nanumbalik sa akin yung saya na kasama mo ang pamilya at walang problema.

Nauunang naglalakad si Nanay at nakaalay sa kanya si Christian habang kami naman ni Chrsitina ay nasa likuran. Si Crisha naman ay nauna nang pumasok at may kasamang batang lalaki na hindi ko kilala.

Nanlaki ang mata ko nang may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Christina na kapatid ko na ngayon ay hawak hawak ang kamay ko. Huling kita at paguusap pa namin ay noong sinagot niya ako at sinabihan nang masakit na salita.

"I'm s-sorry Ate Tin." aniya at bigla siyang umiyak sa harapan ko.

Nasaktan ako sa mga sinabi niya sa akin noon pero kahit anong mangyari ay kapatid ko pa rin siya. Mahal ko siya kahit baliktarin ang mundo. Matagal ko nang napatawad ang pamilya ko kahit hindi man sila humingi ng tawad.

Niyakap ko Christina at niyakap niya rin ako. "Hindi ko sinasadya na masaktan ka. Masyado akong makasarili noon at hindi ko inisip na nahihirapan ka. S-sorry Ate." aniya.

Hiawakan ko ang tigkabilang pisngi niya at pinahid ang mga luha. "Mahal kita at matagal na kitang napatawad. Kapatid kita eh at tsaka mas maganda pa rin ako sa iyo."

"Ate naman eh."

"Mas maganda naman talaga ako ah. Joke!"

Parehas kaming natawa dahil sa mga kalokohan ko at nakangiti kaming pumasok ng bahay habang magkaakbay sa isa't-isa.

Navanggit niya sa akin na may anak na siya at nahinto siya sa pag-aaral pero ngayon ay nagpapatuloy siya at sarili niya mismo ang nagpaaral sa kanya. Kung susumahin ay mas nauna siyang nanganak sa akin. Kaya pala may batang lalaki kanina at iyon ang kasama ni Crisha pagpasok sa bahay.

Sandali naman akong natigilan nang makalimutan ko si Fred. Napatakbo naman ako sa labas at naabutan kong naroon pa rin si Fred na nakasandal sa pintuan ng sasakyan at katabi niya ang driver.

"Pasok ka." paganyaya ko pero umiling siya. "Kumain ka muna, alam kong gutom ka na rin." sabi ko pa at wala siyang naggawa nang hilahin ko siya papasok ng bahay.

Pero natigil ang dalawa kong kapatid  nang makita nila si Fred. Nagkatitigan ang dalawa kong kapatid at tila may sinasabi sa isa't-isa. Nakita ko naman ang paglabas ni nanay mula sa kusina at agad napatakbo sa kinatatayuan ni Fred.

"Lumayas ka dito. Hindi ka kailanagan ng anak ko. Sinaktan at iniwan mo siya." sigaw ni nanay sabay sampal kay Fred ng sunod sunod.

Sinampal sampal at pianghahampas ni Nanay si Fred at hinayaan lang niya si Nanay na saktan siya na ikinabigla ko. Lumapit ako kay Nanay at pinigilan siya sa ginagawa.

"Lumayas ka. Hindi ka nababagay sa anak ko. Hindi mo deserve ng pagmamahal ni Tin." sigaw muli ni Nanay sa kanya na halos maiyak ito.

"Nay tama na." saway ko.

"Alis na ako." sabi ni Fred at nagsimulang maglakad. Sinundan ko siyang hanggang makalabas kami ng fate at nakita kong umiiyak siya.

"Sorry sa ginawa ni Nanay sa iyo."

"Deserve ko iyon. Sinaktan at iniwan kita." sagot niya at pilit na tumatalikod siya sa akin para hindi ko makita ang pagiyak niya. Ilang sandlai pa ay humarap siya sa akin.

"Can I hug you?" tanong niya. "I know that this will be the last but let me hug you for the last time."

Pinigilan ko ang mga luha ko na gustong tumakas sa mga mata ko. Dahan dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya at ibinuka ko ang dalawang braso na nangangahulugang pumapayag ako sa yakap na hinihiling niya.

Sa paglapit niya sa akin ay nakita ko ang pagpatak ng nga luha ni Fred. Nang tuluyang makalapit sa akin ay niyakap niya ako nang mahigpit, sing higpit noong mga araw na mahal pa namin ang isa't isa.

Mas lalo akong nasaktan nang marinig siyang humahagulgol habang yakap yakap pa rin ako. Ang mga kamay naman niya ay padamping hinahawakan ang buhok ko.

"Ang lahat ng sakit na dinulot ko ay walang kapatawaran pero lagi mong tandaan na ikaw lang ang babaeng mahal ko."

"Sabi nila may taong dumadating sa buhay natin at aalis rin. At sa buhay ko ay ikaw iyon." bigkas ko at niyakap ko na rin siya nang mahigpit.

" Tuluyan nating kalimutan ang sakit at pag-ibig na minsan nating pinagsaluhan." dugtong ko at hindi ko namalayan umiiyak na rin pala ako.

Hinigpitan pa ni Fred ang yakap niya sa akin at ganun din ako. Alam kong ito na ang huli para sa amin kaya susulitin ito bago namin palayain ang isa't isa.

"Mahal kita at ngayon ay malaya ka na tulad ng hinihiling mo." aniya at unti-unti niluwagan ang pagkakayakap sa akin.

Nagtama ang mga mata namain at matapos nun ay hinalikan niya ako sa noo habang parehas kaming umiiyak. "I will forget that you were mine." saad niya.

"Goodbye"

"Goodbye, Fred."

Ilang sandali pa ay tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo habang ang kanyang balikat ay patuloy na tumataas baba na nangagahulugang umiiyak pa rin siya.

Gusto kong habulin siya. Pigilan siya sa paglayo pero hindi ko ginawa at hinyaan na lamang ang sarili na tuluyan siyang maglaho sa paningin.

Masakit ang magmahal pero wala tayong maggawa kundi muling buuin ang sarili.

Nangyari ang nangyari. Nasaktan ang nasaktan pero hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Mahal ko si Fred pero hindi na katulad ng dati.

Ang hiling ko lang ay sana sa muling pagkita ng aming mga landas ay suma-amin ang tadhana.





         
MISTERCAPTAIN
Professor

Salamat sa pagbasa!

Balak kong ipublish ngayong araw yung Dating Series Number 2. Pakiabangan at paki-ad sa library at reading list hehehe.

Recommend niyo din mga story ko sa co-wattpader niyo. At pa-like na din po ng MisterCaptain na facebook page. Search niyo lang sa facebook na MisterCaptain.

Bukas ulet! Marami pa akong pasabog. Malapit niyo na rin malaman kung nasaan si Dana.

Sa mga nagtatanong kung sino ang aalis, ngayon alam niyo na kung sino ang umalis hahaha.

THE PROMISEWhere stories live. Discover now