CHAPTER 22: I LOVE YOU 🔞

21K 338 90
                                    

CHAPTER 22
I LOVE YOU


Lumipas ang mga araw ay patuloy ang naging takbo nang buhay namin ni Fred. Hindi alintana ang paligid kung mayroon mang humadlang sa pagmamahalan namin. Nitong mga araw ay mas lalo kong naramdman kung gaano ako kamahal ni Fred. Andun yung kasiguraduhan na akahit anong mangyari ay hindi niya ako iiwan.

Nakasakay ako ngayon sa taxi at ang daan na tinatahak nito ay papunta sa bahay na pinatayo ko. Tumawag kasi si Engr. Lasco kahapon at sinabing tapos na ang bahay.

Pagbaba ko ng taxi ay naabutan ko ang ilang mga trabahador na inaayos ang ilang parte ng bahay at ang iba naman ay abala sa pagpasok ng mga kagamitan.

Napangiti ako ng wala sa oras ng makita ang kabuuan ng bahay. Hindi ko inakala na mangyayari ang araw na ito. Ang makita ang katas at bunga ng mga ginawa ko. Pangarap ko lang ito pero ngayon ay naggawa ko na.

"Good Morning Miss Imperial." bati sa akin ni Engr Lasco at ngmiti ako. Nagtaka naman nang inabutan niya ako ng panyo. "Luha mo."

"Pasensya na, masaya lang ako. Tears of cry kumbaga."

"Tears of joy." pagtatama niya at napakamot na alang ako sa ulo. Oo nga, tears of joy nga pala yun sabi ni Fred noong unang date namin noon.

Tinggap ko ang panyong inilahad niya at ipinunas sa mukha ko na nabasa ng mga luha. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako.

"Thank you Engr." pasasalamat ko.

"Your welcome."

"Pwedeng payakap?" nahihiya ko pang tanong.

"Of course" sagot niya at niyakap ko kaagad siya.

Labis akong nagpapasalamat kay Engr. Lasco dahil bukod sa may discount akong nakuha mula sa kanya ay sobrang bait pa niya. Paano kasi lahat ng mga kailangan ay karamihan sinagot niya dahil kulang ako sa budget. At isa pa ni minsan ay hindi niya ako itinuring na babaeng bayaran.

Sa kabila ng pagiging maganda, matalino at kabutihan niya ay minsan niyang nabanggit na dumaan din siya sa pinakamadilim na buhay at ito ay noong naggahasa siya at ito ay nagbunga.

Matapos ang mahigpit na yakap na iginawad ko ay hinagod niya ang likod ko. "Natupad na rin ang isa sa mga pangarap mo. Hindi ako makapaghintay na maging teacher ka." sabi niya pa at tumango lang ako.

Natupad na ang isa sa mga pangarap ko at sana sunod na nga ang pagiging guro ko. Gusto ko ng makapagaral at iwan ang trabaho ko pero alam kong hindi pa ito ang tamang panahon para doon.

Ini-tour ako ni Engr. Lasco sa buong bahay. Matapos nun ay inaya niya ako na kumain upang i-celebrate ang achievements ko.

"So kamusta ka na? Balita ko ay naghiwalay na kayo ni Fred." seryosong sabi ni Engr. Lasco na ikinunot ng noo ko.

Hiwalay? Kailan? Anong sinasabi niya?

Noong isang linggo pa ang naging huling kita namin ni Fred pero nagtatawagan at nagtetext kami. Sa katunayan nga ay may message sa akin si Fred kaninang umaga at may kasama pa iyong iloveyou.

"Hindi pa kani hiwalay ni Fred." sabi ko at napaawang ang labi niya sa sagot ko pero hindi na siyang nagatubili na magtanong pa tungkol sa relasyon namin ni Fred at sa halip ay inilihis niya ang usapan.

Halos dalawang oras din kaming magkasama hanggang sa napagpasyahan na namin na umalis. Hinatid ako ni Engnr. Lasco sa apartment at nagpasalamat ako sa kanya.

Pagpasok ko sa apartment ay naabutan ko si Pat. May duplicate siyang susi kaya malaya siyang nakakapasok dito anong oras man.

Matapos kong hubadin ang sapatos ay agad siyang lumapit at niyakap ako. Naningkit ang mga mata ko sa ginawa niya dahil bihira lang naman kaming magyakaoan. Ang palusot niya ay nagbubungguan daw ang boobs namin.

"Ok ka lang?" nag aalala niyang tanong at kinapa pa niya ang buong katawan ko at hindi lang iyon dahil hindi pinalampas ng kamay niya ang kiki at boobs ko.

"Pat ano ba? May kiki at boobs ka rin wag mong hawkaan yung akin." natatawa kong sabi at tumigil siya. "Ano bang meron? Shabu reveal nga." nakakalokong sabi ko pa.

"Ikaw ang mag shabu reveal. Ang. Lakas ng amats mo! Hiwalay na kayo ni Fred pero parang wala lang sa iyo. Anong nangyari sa inyo?" niyakap niya akong muli "Andito lang ako Tin."

Tila tumigil ang mundo ko sa narinig mula kay Pat. Parang may mali! Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa paligid. Nung una ay si Engnr Lasco, na tinatanong din ako kung okay lang ba ako tapos ang sabi pa niya ay balita niyang naghiwalay na kami ni Fred at heto si Pat, na ganun din ang sinasabi sa akin ngayon.

Lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Pat na siyang naging tiyenpo ko upang maglakad papuntang kusina. Kumuha ako ng tubig at isinalin iyon sa isang basi sabay inom.

Nang maubos ang tubig ay pilit kong iniintindi at pinoproseso ang nangyayari dahil malapit na akong masiraan ng ulo.

"Saan mo nakiha yung mga sinasabi mo? Na hiwalay na kami ni Fred." tanong ko sa kanya. "Kasi ang totoo niyan ay wala akong alam sa sinasabi mo at tsaka hindi pa kami hiwalay ni Fred." sabi ko.

Nahiga si Pat sa kama ko at tinabihan ko naman siya. Tiningnan ko ang mga kilos niya at pilit na binabasa ang kanyang isip pero mukhang pati siya ay naguguluhan.

"Naglabas ng statement si Fred kagabi." panimula niya at bumaliktad ako ng higa at itinungkod ang dalawa kong braso. "Ang sabi niya sa statemnt ay hiwalay na kayo at..." nahirapan si Pat na dugtungan ang sasabihin hanggang sa napagpasyahan niya na hindi na ito tapusin.

Kinuha ko ang cellphone at tinext si Fred. Ilang sandali pa ay wala akong nakuhang reply kaya tinawagan ko siya pero hindi niya sinagot.

Umusbong ang kaba at takot ko habang nakatingin sa cellphone. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Pat nang hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Ang bilis naman bawiin ng kasiyahan ko. Kanina lang ay masaya ako dahil tapos na ang pinataong bahay ko pero eto ngayon at umiiyak ako.

"Hindi pa kami hiwalay." umiiyak kong sabi. "Hindi iyon gagawin ni Fred." sabi ko pa habang humihikbi.

Nangako si Fred na ipaglalaban niya ako at ang sabi pa niya ay magpapakasal kami pagnaayos na ang lahat.

Napatingin ako sa singsing na simbolo ng pagmamahal ni Fred. Ito yung singsing noong nagpropose siya sa akin. Mahal na mahal kita Fred at alam kong tutuparin mo ang pangako no.

Halos kalahating oras akong umiyak habggang sa tuluyan akong tumahan. Mabuti na lang ay nandito si Pat para damayan at patahanin ako.

Ganun pa man ay mas nanaig ang pangako ni Fred sa isip at utak ko. Ang mga sinabi ni Pat  ay wala pang ebidensya kaya malaki ang posibilidad na hindi ito totoo. Ang sabi s aakin ni Fred ay magtiwala lang ako sa kanya kaya yun ang ginagawa ko ngayon.

Pero tila hindi nakisama sa akin ang tadhana dahil saktong pagbukas ko ng TV ay statement ni Fred ang bumungad sa akin. Ang statement na tinutukoy ni Pat kanina.

"Hiwalay na kami at laro-laro lang naman ang naging relasyon namin." pagtatapos ni Fred. Umalis na siya sa harap ng forum habang ang mga reporter ay hinahabol siya.

Hindi ko man buong napanod o narinig ang statement niya pero sapat na ang mga huling sinabi niya para paniwalaan ko ang sinasabi ni Pat.

"I'm sorry Tin." rinig kong sambit ni Pat sa tabi ko. "Wala akong maggawa para maalis yung sakit na nararamdaman mo pero tandaan mo na nandito lang ako. Hindi kita iiwan."

Umiiyak ako ngayon pero parang gusto kong matawa sa sinabi ni Pat, baka dahil sa sinabi niya ay kami pa ang magkatuluyan sa istoryang ito.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko ang isang mesage na galing kay Fred. At mas lalo akong naiyak nang mabuksan ko iyon.

Fred:
I LOVE YOU CHRISTINE!








M I S T E R C A P T A I N

Salamat sa pagbasa! Pasensya na kung ngayon lang nakapag-update ulit dahil nawawalan ako ng gana nitong mga nakaraan.

Professor

THE PROMISEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt