CHAPTER 25: DAN

18.8K 376 119
                                    

CHAPTERt 25
DAN


Hindi na kita mahal. Nagpaulit ulit iyon sa utak ko. Ayokong tanggapin at maniwala sa text niyang iyon dahil gusto mismo sa harap ko niya iyon sabihin.

Sinubukan ko siyang itext at tawagan pero blinock na niya ako. Gusto kong magwala.

"Aaaaaaaahhhhh" sigaw ko habang umiiyak. Sinabunutan ko ang sarili dahil sa inis at galit. Habang buhay na lang ba ako sasaktan ng mundo at tafhana. "MAHAL AKO NI FRED!"

Maga ang mga mata ko. Wala sa tamang pagiisip at hindi maayos ang sarili pero napagpasyahan ko na lumabas at hanapin si Fred.

Lahat ng pwedeng puntahan ni Fred ay sinuyod ko. Nagbabakasakali na makita ko siya upang makausap pero wala. Naubos na ang pamashe ko lahat lahat at hindi man lang siya natagpuan kaya heto ako ngayon na naglalakd magisa pauwi sa apartment.

Ang pagiisip ko ay biglang natigil ng mahagip ng mga mata ang taong hinahanap ko. "FRED!" sambit ko sa kanayang pangalan.

Nasa loob siya ngayon ng isang mamahalin na restaurant a-at... katapat si Dana. pinahid ko ang luha ko ng makitang masya silang magkausap. Hindi ko kaay na makita si Fred na may kasamang iba.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob. Naglakad ako papuntang entrance ng restaurant pero hindi ako pinapapasok ng gwaardiya. Nakakahiya at nakakiyak ang itsura ko ngayon dahil para akong pulubi na na namamalimos pero wala akong pakialam dahil nasa loob si Fred.

Lumayo ako sa gwardiya na humaharang sa akin at naghanp ng tiyempo at bwelo kung paano makakapasok. Nang makahanap ng tiyempo ay bumilang ako ng tatlo at paatakbong pumasok. Habang tumatakbo ay hinanap agad ng mata ko ang pwesto nila Fred at Dana.

"Fred" tawag ko sa kanya at napatingin sa akin ang mga taong naririto. Nanlaki ang mata nila parehas ni Dana ng makita ako. "Mahal kita Fred." sabi ko at akmang lalapit ako sa kanya pero itinulak niya ako.

Umiiyak na naman ako pero hindi ko talaga kayang mawala si Fred sa akin. Kaya lumuhod ako sa harapan nilla ni Dana. Hawak ko ang kamay ni Fred at nagmakaawa sa kanya.

"Fred bumalik ka na. Mahal na mahal kita. Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan at magpapakasaal tayo."

Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang tumutulo ang mga luha ko.

Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng dalawang kamay na kumapit sa magkabilang braso ko. Akala ko ay paalisin ni Fred ang mga gwardyang humatak sa akin palabas pero hinayaan niya lang akong kaladkarin ng mga ito.

Para akong basura ng itulak ako ng gwardiya palabas ng restaurant. Pero alam mo kung ano ang katangahan na ginagawa ko ngayon. Naupo ako dito sa labas ng restaurant at hihintayin sina Fred at Dana.

Halos kalahating oras ang lumipas ay nakita ko ang paglabas nila Fred at Dana. Nakasukbit ang kamay ni Dana sa braso ni Fred na labis kong iknaseselos ngayon.

Nakita kong pasakay silang dalawa sa sasakyan pero agad kong hinarangan si Fred nang papunta na siya sa drivers seat.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at hinila. "Fred wag namang ganito. Mahal mo ako."

Umigiting ang panga niya sa sinabi ko at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak  sa kanya ng may halong pandidiri.

Itinaas ko ang kamay ko kung saan nakasuot doon ang singsing naibibigay niya niong magpropose siya sa akin.

"Nangako ka sa akin na ako ang papakasalan mo tapos malalaman kong magpapakasal ka sa iba." humahagulgol kong sabi.

Sa ikalawang pagkakataon ay lumuhod ako sa kanyang harapan para magmakaawa. Halos halikan ko ang kanyang sapatos at ang kupang tinatapakan niya wag niya lang ako iwan.

"Wag mo naman sayangin yung pagpili ko sa iyo kaysa kay nanay." ani ko at niyakap ko ang dalawang niyang binti.

Hinatak ako ni Fred patayo at tiningnan ako sa mata. "Hindi na kita mahal." bigkas niya na siyang ikanahina ko.

Ang sabihin niya mismo sa harap ko ang nga katagang iyon ay para bang namanhid ang buong katawan ko.

"Hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahali dahil pang kama ka lang at yung lang ang papel mo sa buhay ko. Pang-alis ka lang ng init sa katawan ko." sabi niya pa at umalis na sa harap ko pero tanga ako kaya hinabol ko siya ngunit huli na dahil nakapasok na siya sa loob ng sasakyan at pinaandar ang sasakyan.

Unti-unting kong naramdaman ang pagpatak ng luha at kasabay nito ay ang pagbubos ng ulan. Pero imbes na sumuko ay hinabol ko ang sasakyan ni Fred.

"FRED!" umiiyak kong sigaw habang hinahabol ang sasakyan pero mas bumilis ang takbo nito hanggang sa hindi ko na ito makita.

Totoo nga ang sabi nila na kung sino pa ang nagmahal sa'yo ay siya rin ang makakasakit sa'yo. Kung sino pa ang bumuo sa pagkatao mo, siya rin pala ang sisira sa iyo.

Ilang beses akong nagmakaawa sa kanya na wag akong iwan pero binalewala lamang niya ako. At ang pinakamasakit pa ay ang malaman na ikakasal siya sa iba.

Nagpakatanga ako. Nagpakapulubi dahil sa pag-ibig. Lumaban ako pero siya ang sumuko. Nagpakatanga ako pero para sa kanya ay balewala ang lahat.

Hindi kita minahal at hinding hindi kita mamahalin dahil pang kama ka lang at yung lang ang papel mo sa buhay ko. Pang-alis ka lang ng init sa katawan ko.

Muling tumulo ang luha ko nang maalala ang huli niyang sinabi. Kung masasaktan lang rin naman pala ako, sana hindi na ako nagmahal. Ang sakit sakit eh!

T*anginang pag-ibig ito.

"Tin, halika na. Umalis na tayo. Tama na." sabi ni Dan at inalalayan akong makasakay sa sasakyan niya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako o kung anong nangyari at anong ginagawa ko pero nandito si Dan. Nandito si Dan at hindi ako iniwan kahit anong naging desisyon ko.

Hindi nga ata talaga ako minahal ni Fred.



M I S T E R C A P T A I N
Patayin ko na ba si Fred? Hahahah joke! Maraming Salamat sa pagbasa!

Professor

THE PROMISEWhere stories live. Discover now