CHAPTER 5: NO, SHE'S NOT

28.1K 537 207
                                    

CHAPTER 5
NO, SHE'S NOT

      
Maaga akong nagising dahil ngayong araw ako uuwi sa probinsya namain para sorpresahin ang mga kapatid ko. Plano ko ring bisitahin si mama dahil matagal tagal ko na siyang hindi nakikita o nakakamusta man lang dahil busy lagi ako sa trabaho.

Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit na dadalhin ko at mga regalong nakuha ko noong pinanapili ako ni Fred sa mall ng mga kahit anong gusto ko.

"Mamimiss kita." sabi ni Pat habang tinutulungan akong ayusin ang mga gamit ko. Inirapan ko siya at inihagis ko ang mahaba kong buhok patalikod.

"Grabe ka naman isang araw lang ako mawawala mamimiss mo agad yung kagandahaan ko." sabi ko at hinampas niya ako sa balikat sabay tapat ng electric fan sa akin na sira sira.

"Ang hangin, grabe."

Thankful ako kay Pat dahil sa lahat ng sitwasyon ay naandyan siya sa tabi ko. Kailanman ay hindi niya ako kinakalimutan sa kahit anong bagay kaya napakaswerte ko na kaibigan ko siya.

Pokpok man kami kung tawagin ng mga mamamayan pero hindi ibig sabihin nun ay wala na sa bokabularyo namin ang salitang kaibigan at pagmamahal.

Walang sino man ang may nais na mapunta sa sitwasyon namin pero dahail sa kahirapan at kagipitan ay napilitan kami na pasukin ang ganitong mundo. Ang pagiging pokpok namin ay hindi basta basta dahil may mabigat kaming rason kung bakit namin ito ginawa.

"Oo nga pala, salamat sa panecklace mo pero hindi ko rin masuot dahil baka manakaw, sayang." kwento ni Pat tungkol sa necklace na binigay ko sa kanya, ang bagay na iyon ay galing pa rin noong araw na pinapili ako ni Fred.

Bago mag ala-sais ay pumunta na kami ni Pat sa terminal ng bus. Sa sobrang maalagain niya ay gusto niya pa akong ihatid. Sa totoo nga lang ay para ko na rin siyang kapatid.

"Ingat ka Tin, wala pa akong damit para sa burol at libing." pagbibiro niya bago ako umakyat sa bus.

"Gaga ka, pinapatay mo na agad ako. F*u k you sagad sa bones" sabi ko at kumaway sa kanya bago tuluyang hinanap ang upuan ko.

Anim na oras ang naging byahe ko at tanghali na ako nakarating sa probinsya namin. Tulad ng nakasanayan ay naka-mask at naka-sombrero ako hindi dahil artista kundi dahil baka may makakilala sa akin na isa akong pornstar.

Pagbaba ko ng bus ay sumakay agad ako ng jeep. Medyo mabigat ang gamit ko pero may tumulong naman sa alin sa pagtaas nun sa bubong ng jeep. At dahil nga puno na ang naabutan kong jeep ay sabit na lang ako sa dulo nitong sasakyan. Wala sa aking problema iyon dahil sanay akong sumabit noon sa jeep.

Pagkahinto ng jeep sa babaan ay kailangan ko pang sumakay ng tricycle dahil masyadong malayo ang bahay namin mula dito.

Habang nakasakay ay di magkamayaw ang mga mata ko na pagmasdan ang paligid. Ilang taon rin aking hindi nakabalik rito.

Malayo pa man sa bahay namin ay rinig ko na kaagad ang ingay na nagmunula sa aming munting tahanan. Ang bahay namin ay di kagandahan pero maayos ito at hanggang dalawang palapag pero kapag umuulan ay halos bumaha sa loob ng bahay dahil maraming butas ang bubong. Kaya anman napagdesisyonan ko na magpatayo ng bahay sa metro.

Pagkabayad ko ay nakita ko kaagad ang kapatid kong nakadress habang nakarap sa mga kaibigan ata niya. Birthday niya ngayon at mula rito sa labas ay kita ko ang ginawang pagsasaayos sa loob ng bahay at kita ko rin ang mga handa na sobrang dami.

Napangiti ako dahil may napuntahan naman ang pera na pinadala ko. Ayos na sa alin ito na ginastos niya ang pera sa birthday party at hindi sa kung anong bagay tulad ng droga.

Pagkapasok ko ng gate ng bahay ay inilapag ko ang mga bagahe ko at kinuha roon ang regalo ko para sa kanya. Inihanda ko ang sarili at tsaka lumapit sa kanya.

Nakamask at nakasombreo pa rin ako ng makalapit sa kanya. Agad napahinto ang mga kaibigan niya ng makita ako. "Happy Birthday Christina." bati ko sabay abot ng regalo.

Nahihiya siyang ngutmi sa akin na tila ba ayaw niyang makita ako ngayon. Kinuha niya ang regalo na bigay ko at inilagay iyon sa kung saan. Lumapit ang isa niyang kabigan at hinablot ang sumbrero ko at mask na siyang ikinataranta ko.

"Di ba ikaw yung sikat na-pornstar?" tanong ng isa sa akin at napatingin sa akin ang lahat ng naririto.

"Kaano-ano mo si Christina?" usisa naman ng isa at nakita ko ang pagkairita ng kapatid ko.

"Kapatid ko siya." sagot ko at napuno ng hiyawan ang buong bahay.

"Woaaahh"

"Weehh?"

"May kaptid ka pa lang pornstar."

"Kapatid mo siya?" paniniguro ng katabi ni Christina. Ilang segundo ang lumipas ay sinagot niya ito.

"NO, SHE'S NOT!" walang kaabog abog niyang sabi na nagpahinto ng mundo ko.

Nasaktan ako ng sobra sa sinagot niya. Itinaggi niya akong kapatid. At hindi pa siya nakuntento dahil pinalabas niya ako ng bahay na parang hindi niya ako nakakatandang kapatid.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka namin kailangan dito." sabi niya pa at pumaosk na muli sa loob ng bahay habang ako naman ay naiwan rito sa labas na nabigla sa nangyari.

Hindi ako kailangan dito? Bakit? Purkit ba pornstar ako ay pera na lang ang kailangan nila at hindi ako. Hindi ko ipinagmamalaki ang trabaho pero hindi ko ito ikinakahiya lalo na kung ito ang bumubuhay sa buong pamilya namin.

Paano na kami kung hindi ko ito ginawa? Baka wala na si Nanay dahil sa sakit niya. Baka wala na kaming makain at baka ultimo birthday party niya ngayon ay hindi mangyayari kung hindi dahil sa trabaho kong ito.

Ang sakit sakit kasi imbes na magpasalamat siya sa regalo, pera kong pinadala at presensya ko sa kaarawan niya ay pinagtabuyan niya pa akong parang lulubi.

Napaupo ako sa lupa at inilabas lahat ng sakit sa pamamagitan ng pagiyak. Pero agad kong inayos ng sarli ng tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Pat.

Humihikbi pa ako ng sinagot ko ang tawag niya pero maingat ako dahil ayokong marinig at malaman niyang umiiyak ako.

"Kamusta? Nakarating ka ba ng maayos?" bungad niya sa akin at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko pero agad kong ipinagdikit ang dalawang labi ko para walang umalpas na hikbi. Pinunasan ko ang luha ko at tsaka nagsalita.

"Ok naman. Sobrang saya nga kasi namiss ako ng mga kapatid ko." pagsisinungaling ko.

"Weh? Parang hindi naman, may narinig akong hikbi kanina. Bilang ko ang bulb mo kaya wag kang magsinungaling." sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya dahil kahit kailan ay kilalang kilala niya talaga ako. Ultimo mo bulbol ko ay bilang niya kahit nagshaved ako.

"Ok lang ako, wag kang mag-alala." sabi ko.

"Ok, hindi kita pipilitin pero kapag handa ka ng magkwento nandito lang ako. Nandito ang magandang kaibigan mo."

"Sige, salamat." sabi ko pa at pinutol na niya ang tawag.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang mga bag ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon dahil kung pupunta ako sa hospital ay baka ganun rin ang bumungad sa akin, ang ipagtabuya ako.

Naglakad ako pabalik dahil wala ritong tricycle. Pero agad nanlaki ang mata ko ng may makita akong pamilyar ng sasakyan.

Tumigil ito sa harap ko at pagbukas ng pinto ay bumungad sa akin si Dan.

Anong trip na naman nitong si Dan?





MISTERCAPTAIN
Professor
July 27, 2021

Salamat po sa paghintay ng update at pagbasa.

FB: Misaki Terry Capistain
FB PAGE: MisterCaptain
FB GROUP: MisterCaptain
IG: MisterCaptainWP
TWITTER: MisterCaptainWP
TIKTOK: MisterCaptain_on_wattpad

THE PROMISEWhere stories live. Discover now