CHAPTER 20: KAIBIGAN 🔞

23.4K 346 13
                                    

CHAPTER 20
KAIBIGAN


Ang bilis ng panahon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang issue sa amin ni Fred. Nakabalik na lamang ako sa trabaho at pati siya pero ang mga tao talaga ay masyadong inuusisa ang lahat.

Ang management naman ay tuwang-tuwa sa isyu dahil tumaas ang views ng dahil sa akin. Gusto kong magalit sa kanila pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

Nandito ako ngayon sa pad ni Dan dahil magiinuman daw kami kasama si Pat. Kakaalis lang ni Dan para bumili ng ng beer habang si Pat ay nagtext sa akin na papunta na daw.

Napatayo naman ako at binuksan ang pintuan ng marinig ang doorbell. Pagbukas ko ay si Pat na mukhang galing trabaho dahil naka make-up pa siya.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit at halos hindi na makahinga. "Namiss kita, ang tagal nating hindi nagkita." sabi niya.

Niyakap ko rin siya. "Namiss din kita." sabi ko.

Parehas kaming natigil sa pagdadrama ng bumukas ang pintuan, si Dan na bitbit ang mga pinamili. Tinulungan namin siya ni Pat sa bitbit niya at dinala iyon sa dining table.

Hindi alam ni Fred na nandito ako sa pad ni Dan dahil ayokong sabihin. Gusto ko muna isantabi ang lahat at makasama muna ang mga kaibigan ko.

Inilabas namin ni Pat ang mga beer habang si Dan naman ay kumuha ng plato para sa paglalagyan ng pulutan namin.

"So kamusta ang buhay natin?" sabi ko at pare parehas kaming natawa.

"Yung akin kasi unti-unti ng gumugulo." pagkwekwento ko sabay bukas ng beer. Lumagok muna ako at tsaka muling nagsalita. "Nakikita niyo ba ito?" tukoy ko sa hawak kong cheke na may nakalagay na 50 million.

"Pinapalayo ako kay Fred kapalit nitong pera na ito pero hindi ko ginawa." sabi ko at nakita ko ang pagkabigla nina Dan at Pat. "Maaaring nababayaran ang katawan ko pero hindi nababayaran ang pagmamahal ko." dugtong ko.

"Ano? Ako lang ba ang magsasalita dito?" sabi ko sa kanila pero imbes na magsalita ay lumapit sila sa akin at niyakap ako.

"Group hug." sabi pa ni Dan.

Matapos ang group hug ay nagkwento na rin yung dalawa ng mga problema nila. Kapag may ganito kasing inuman ay isa lang ang dahilan, problemado kami.

Nagkwento si Pat na malapit na niya mahanap yung anak niya pero miss na miss niya na ito. Gusto na niyang mayakap at mahawakan ang anak niya. Si Dan naman ay bumalik daw yung first love niya na ikinabigla namin parehas ni Pat kasi ngayon lang namin nalaman.

"Akala ko ba gusto mo si Tin?" naguguluhang tanong ni Pat kay Dan matapos magkwento.

"Alam mo na may gusto sa akin si Dan?"

"Tanga! Halatado naman si Dan eh. Sadyang manhid ka lang."

"Bakit napunta sa akin ang usapan?" natatawang sabi ni Dan.

Kinuha namin ang huling tatlong bote ng alak.

"Cheers" sigaw ni Oat na mukhang lasing na.

"Cheers para sa anak ni Pat.Cheers para sa lovelife ni Tin. Cheers para sa firstlove ni Dan." sabay sabay naming sinigaw bago uminom.

Ilang sandali pa ay tuluyan ng nakatulog si Pat sa kalasingan. Pinagtulungan namin ni Dan na buhatin si Pat papuntang kwarto para doon matulog.

"Matulog ka na rin." sabi pa ni Dan sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Saan ka matutulog?" tanong ko.

"Sa sofa." at tumango na lang ako. Pagkalabas niya ng kwarto ay tsaka kok napagpasyahan na matulog na rin.

...

Nagising ako sa nagtama na sikat namg araw mula sa bintana. Dahan dahan kong minulat ang mata hanggang sa unti unti kong inaalala kung ano ang mga nangyari.

Napahawak ako sa ulo sa sobrang sakit. Ilang sandali pa ay nakita ko si Pat na may dalang isang basong tubig at agad niya iyong binigay sa akin kasama ang isang gamot.

"Nagtawag sa akin si Fred, hinahanap ka niya." pagkwekwento ni Pat at agad akong napasapok sa noo ko. Naalala kong hindi nga pala ako nagpaalam sa kanya na iinom kasama sina Pat at Dan.

Bumangon ako at agad na hinanap ang cellphone. Pagbukas ko nun ay ang daming message at missed call galing kay Fred. Ang mga tawag at text ay kagabi pa at hanggang kaninang madaling araw.

Tanga! Naka-silent ang cellphone ko kaya hindi ko man lang narinig ang mga tawag at text ni Fred kagabi.

Pumunta akong banyo at agad inayos ang sarili.

"Pat anong sinabi mo kay Fred?" tanong ko s akanya habang inaayos ko ang mga agnit ko.

"Wala." sagot niya.

"Aalis na ako. Bye." paalam ko sa kanila at hinalikan ko pa si Pat sa pisngi. Si Dan naman ay abala sa pagluluto ng almusal at nagkubit lang ako ng konti sa pancake. Matapos nun ay patakbo akong umalis sa pad ni Dan.

Nagmamadali akong sumakay sa taxi para umuwi sa apartment ko. Pagdating ko doon ay naabutan ko si Fred na tulog sa kama. Wala siyang damit pantaas kaya kita ko ang mga butill ng pawis sa kanyang abs dahil sa init.

Hinubad ko ang sapatos na suot at itnabi ang bag. Matoos nun ay kunha ako ng t-shirt ko at pinunasan ang pawisan na si Fred. Nang matuyo ang katawan niya ay niyakap ko siya.

Ilang samdali pa ay naramdaman ko ang paggalaw niya. Marahil ay naraamdmaan niya ang presensya ko. Sa hindi inaasahan ay nagising si Fred at agad ko siyang hinalikan.

"Amoy alak ka." sabi niya at napakagat ako sa labi. Shet!

"Naginuman kami."maikling tugon ko.

"Sinong kami?" paguusisa niya. Nagdalawang isip muna ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo o hindi. Alam ko kasi kapag nalaman niyang kasama si Dan ay panigurong magseselos siya.

Ay bahala na!

"Sina Pat at Dan."

"Sina Pat at Dan." paguulit niya sa sinabi ko at kumunot ang noo niya. "Naginuman kayo kasama si Dan tapos hindi ka pa nagpaalam sa akin." saad ni Fred at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

"I'm sorry"

"Boyfriend mo ako Tin at kung hindi sino. Magseselos at magagalit ako lalo na't kung ang kasama ay si Dan na siyang lagi kong pinagseselosan."

Tumayo siya at sinuot ang t-shirt. Sinundan ko siya sa paglalakad habang kinukuha niya ang kanyang gamit. Sinubukan ko siyang kausapin pero nanatili lang siyang tahimik. Tumulo ang luha ko ng tuluyan siyang umalis ng hindi man lang ako kinausap.

Ang tanga tanga ko!

Nagtext ako kay pagkaalis niya hanggang gabi. Tawag at text ang ginawa ko maghapon pero hindi siya sumasagot. Ni hindi ko na naggawang makapaglinis ng sarili at nakatulugan na lang ang pagiyak dahil sa naging pagaaway namin ni Fred.






M I S T E R C A P T A I N

Salamat sa pabasa! Happy 1st Anniversary!

Professor

THE PROMISEWhere stories live. Discover now