CHAPTER 14: VISITS

12.9K 339 35
                                    

CHAPTER 14
VISITS

      
Kakatapos lang ng shooting namin ni Dan ng mapansing kong nakatulala siya sa isang tabi. Abala ang lahat sa pageempake ng gamit kaya walang nakakapansin sa kanga.

Naglakad ako papalapit kay Dan at nakita ko ang pagpahid ng luha niyang pumatak. Nang makita ako ni Dan ay mataman lang siyang ngumiti.

"Ok ka lang?" tanong ko.

"Ang gwapo ko." pagiiba niya at sinuntok ko siya ng mahina sa balikat. "Seryoso ako Dan. Ok ka lang ba talaga?" tanong kong muli.

"Ang gwapo ko nga." sagot niyang muli pero kita ko ang panunubig ng mga mata niya.

Sa pangatlong beses ay muli ko siyang tinanong. "Ok ka lang?" at doon na siya tuluyang uniyak at niyakap ako. Hindi man alam ang dahilan ng problema niya ngayon pero naiiyak na rin ako sa kanya. Kaibigan ko si Dan kaya nasasaktan ako para sa kanya.

"Itinakwil na ako ng pamilya ko." umiiyak niyang sabi habang hinihinas ko ang hubad niyang likod, naka boxer short lang kasi siya habang ako naman ay nakasuot lang ng t-shirt walang kahit na panloob na suot.

"Hindi lang siguro nila maintindihan bigyan mo sila ng panahon na iproseso iyon." pangangaral ko. Kung ano yung nararamdmana ni Dan ay ganun din ang naramdaman ko noong itinaggi ako ng kapatid ko.

Ilang minuto kaming nanatiling ganun hanggang sa napagpasyahan namin na umalis. Dumiretso kami sa pad niya at doon niya muling nilabas ang sama ng loob.

Alas tres na ng hapon ng mapagpasyahan ko na unalis sa pad ni Dan. Siniguro kong okay siya sa pagalis ko dahil ayaw kong maiwan siya na magisa at solohin ang problema.

Walang malas na tao. Maaring nagkamali ka pero hindi ibig sabihin nun ay wala ka ng kwenta.

Napatingin ako sa cellphone ng tumunog ito. Agad kong biniksan ang message ng makita ang pangalan ni Fred.

   
Fred:
I love you Christine.

      
Me:
I love you too Fred.

    
Papauwi na sana ako sakay ng taxi ng bigla kong maisipan na bumisita sa shooting place nina Fred. Sinabi ko ang address ng shooting place nina Fred at agad iniba ng driver ang daan na tinahak namin.

Alam ko ang schedule ni Fred sa lahat ng shooting at pictorial kahit mga lugar na mga pupuntahan niya ay alam ko dahil ganun siya ka-open sa akin. Siya mismo ang nagsabi ng lahat sa akin, ng mga ginagawa niya. At sabi pa niya ay pwede akong bumisita.

Ito ang inang beses kong bibisita dahil andun pa rin sa sarili ko ang takot na husgahan ng mga taong nasa paligid sa oras na makilala nila ako.

Pagbaba ko ng taxi ay dahan dahan akong naglakad papalapit sa mga taong nagkukumpulan na mukhang nanonood ng shooting. Nang makalapit ay agad kong nakita si Fred at ang ka-love team niyang si Dana.

"Hindi kita kailangan. Umalis ka na. Ginamit lang kita at hindi kailanman kita mamahalin." maemosyon na sigaw ni Fred at hinabol naman siya ni Dana.

"Maawa ka Fred, wag mo akong iwan. Mahal kita." umiiyak na sabi ni Dana habang nakaluhod sa harap ni Fred.

"Cut" malakas na sigaw ng director at agad nagsilapitan ang mga assistant ni Fred sa kanya. Todo alalay ang nga ito at panay ang punas sa pawis niya.

THE PROMISEWhere stories live. Discover now