CHAPTER 30: SUNTOK

15.6K 411 303
                                    

CHAPTER 30
SUNTOK

    
Nagising ako nang may maramdamang humahalik sa pisngi ko. Pagmulat ko ay bumungad sa akin ang napacute na mukha ni Crisha.

"Nay, Good Morning." bati niya sa akin. Kinusot ko muna ang mata at tsaka tuluyang bumangon. Hinalikan ko sa pisngi si Crisha at nanggigil naman siya sa ginawa kong iyon.

"Nay nakita ko po sa labas ng bahay iyong gwapong lalaki. Naandun siya ngayon sa may pintuan nakahiga at mukhang doon natulog. Kawawa siya."

Agad akong napatakbo papuntang pintuan at pagsilip ko ay nakasandal sa may gilid ng pintuan si Fred na mahimbing na natutulog.

Napailing na lang ako dahil bumubulong sa akin ang konsensya ko. Siya itong dapat nahihirapan pero parang mas nahihirapan ako.

Sinubukan ko siyang gisingin sa pamamagitan ng paa ko. Sinipa ko siya nang mahina at pilit na ginigising hanggang sa ang anak ko ay pumunta sa harap ni Fred at tinapik ang pisngi nito.

"Gwapo, gising ka na." Juice colored! Ano ba itong anak ko?

Ilang tapik pa ang ginawa ni Crisha sa kanya hanggang sa tuluyang magising ito. Napatingin ito sa akin pero agad ko siyang inirapan.

"Anak pumasok ka na at magaalmusal na tayo." sabi ko pero niyakap ito ni Fred dahilan para hindi ito makapasok ng bahay.

"Aray ko po, hindi ako makahinga." reklamo ng anak ko at niluwagan naman ni Fred ang pagkakayakap dito.

"Sorry."

"Ikaw na lang kaya ang tatay ko. Bagay ka kasi talagang maging asawa ni nanay at maging tatay ko. Gwapo ka... tapos gwapo tapos gwapo tapos... yun lang."

"Umalis ka na Fred." pilit kong pinapakalma ang boses. Kauma-umaga ay binibwisit ako ng lalaking ito. Juice colored!

"Anak magaalmusal na tayo, aalis na siya." sabi ko pa at pinanlakihan ng mata si Fred para sumunod siya sa sinabi ko. Napakamot siya sa ulo at walang naggawa kundi ang tumango.

"I LOVE YOU CHRISTINE" rinig kong bulong ni Fred bago tumalikod.

"I LOVE YOU TO–" sandali akong natigilan nang mapagtanto ang sasabihin. Nagulat rin ako nang makita kong nakaharap sa akin si Fred at mukhang hinihintay na mabuo ang sasabihin ko.

Inirapan ko si Fred at tinapos ang sasahihin "I love you Crisha." sambit ko at hinawakan siya sa kamay para pumasok na kami sa loob ng bahay.

"I love you too po Nay." sagot niya.

Nagalmusal kami ng tahimik at hindi na ginambala pa ni Fred na siyang labis kong ipinapasalamat. Buong oras ay naglinis ako ng gawaing bahay habang si Crisha ay nakasunod sa akin pinapanood ako. May mga pagkakataon na gusto niyang tumulong pero sinabihan kong manood na lang muna.

Ang mga natirang oras namin ay ginamit namin ng anak ko sa pagturo sa kanya at ang iba ay ang panonood ng TV.  Tanghaling tapat ay nakatulog si Crisha. Lumabas ako ng bahay at nabungaran ko si Fred.

"Ano na namang ginagawa mo dito?

"Mamahalin ka, kasama ng anak natin." seryoso niyang sabi. Pinigilan ko ang kiligin dahil hindi ko naman siya gusto. Magaling lang talaga siya bumanat.

"Umalis ka sa harapan ko at dadaan ako." saad ko at binigyan niya ako ng daan.

Pumunta ako sa kapitbahay na si Aling Martha para sana ay pabantayan si Crisha dahil aalis ako para bumili ng meryendalan at pang gabihan namin para mamaya.

Nakailang katok na ako pero hindi bumubukas ang pintuan hanggang sa may lumapit sa akin na isa pang kapitbahay at sinabing umalis si Aling Martha.

Pagtalikod ko ay nakita kong nakatingin sa akin si Fred at sumunod ang tingin niya sa akin hanggang sa makabalik ako sa bahay.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon