Chapter 3: I Hate That Man

33.8K 735 269
                                    

CHAPTER 3
I HATE THAT MAN


Matapos kumain ay pumunta kami sa isang lugar kung saan kami lang. Syempre artista, malamang dudumugin siya kapag sa public kami namasyal, edi isyu pa. Pero hindi ko aalain na ilang oras pa man lang kami nagkakasama ay komportable na agad kami sa isa't isa.

Sa katunayan ng niyan ay napakarami kong naikwento ko sa kanya. Tulad nang lahat ng mga movie at telyeserye na kasama siya ay kabisado ko at alam ang mga bawat linya. Noong una ay hindi siya naniwala hanggang sa nag-acting kami at nagpalitan ng linya na galing sa isang sikat niyang pelikula.

Napatingin muli ako kay Fred, maya't maya ang pagtingin ko sa kanya dahil sobrang gwapo niya. Aakalain mong dayuhan lang siya pero hindi. Tiningnan kong muli ang kabuuan niya.

Matangkad siya sa akin ng konti. Kung susumahin ay hannggang tainga niya ako. Hindi naman siya kaputian pero hindi rin siya matatawag na moreno ang kulay. Ang kilay at ang mata niya ang pinakanagustuhan ko dahil kung titingnan ay aakalain mong masungit siya pero hindi. Yung ilong naman niya ay ang tangos at talagang nakakahiya sa ilong ko na medyo pango. At yung labi naman niya ay parang masrap halikan ay este mapula pala.

Nabali ak sa reyalidad nang biglang lumakas ang hangin at medyo napuwing ako. Agad naman na hinawakan ni Fred ang mukha ko at tiningnan ang mata ko. Nanigas na lamang ang katawan ko nang hipan niya ang mata ko at ayun, nawala na ang sakit. Bwisit na hangin yan.

"Ok ka na?" tanong niya at tumango ako.

"Fred, matanong ko lang. Nasaan ba ang mga bodyguards mo? HIndi ba pag artista ay may mga bodyguards?"

Kanina pa talaga ako nagtataka dahil wala siyang bodyguards kaya hindi ko na napigilan ang magtanong. Ang sabi niya ay hindi niya isinasama ang mga iyon kapag may pribadong lugar na pupuntahan. At dahilan pa niya ay marunong naman daw siyang ipagtanggol ang sarili kaya walang problema kung may magyaring masama.

Nandito kami ngayon sa tabing dagat at dahil madilim na ay kitang-kita ang mga ilaw sa pinakasentro ng siyudad at isama pa natin ang mga bituin sa kalangitan. Tinanggal ko ang heels na suot ko para makalad ako nang maayos sa buhanginan pero nabigla ako ng kunin ni Fred iyon sa kamay ko at siya ang nagbitbit nito.

Ganda lang!

"So paano mo ako nakilala?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa buhanginan.

"A-mh last year my friends told me about you. They always assume that I'm a gay because I don't have girlfriend and I don't watch porn." seryoso niyang sabi at napanganga na lang ako. Wala na naman kasi akong naintindihan kundi yung unang sentence lang.

Ilang taon na akong nahinto sa pag-aaral at hirap talaga ako umintindi sa English. Nakagraduate man ako nang highschool ay halos basic English lang din ang alam ko. Hindi naman asi ako katalinuhan noon at isa pa, nasa pinahuling section ako noon.

Kahit ang kaibigan ko na sina Pat at Dan ay hidni rin naniniwala sa ain noon na hindi ako masyadong nakakaintindi ng English hanggang sa napagtanto nila na iba-iba ang tao. May mga tao talagang para sa kanila ay madali lang pero para sa iba ay mahirap at isa na ako doon. Kung para sa iba ay madali lang ang makaintindi ng English ako ay hindi.

"No english" sabi ko nang magpapatuloy pa sana siya sa sasabihin niya. Napakamot siya sa batok niya at napailing dahil naalala niyang di ako masyadong nakakaintindi ng English.

"Akala ng mga kaibigan ko ay bakla ako dahil wala daw akong girlfriend at hindi rin daw ako nanonood ng porn. Noong araw na yun inaya nila akong manood at pinakilala ka nila sa akin. Ikaw daw kasi yung lagi nilang pinapanood."

Hindi ko alam kung anong sasabihin dahil parang nahiya ako sa kanya. Ibig sabihin ay nakita na niya ang lahat sa akin. Napakamot ako sa ulo sabay kagat sa labi. Bakit ngayon lang ako nakadama ng hiya?

THE PROMISEWhere stories live. Discover now