CHAPTER 26: CONGRATULATIONS

18.4K 396 86
                                    

CHAPTER 26
CONGRATULATIONS


Inuwi ako ni Dan sa apartment at inasikaso ako. Gusto ko sanang itulog lahat ng sakit ng nararamdmaan ko pero pinilit niya akong palitan ng damit dahil magkakasakit daw ako.

Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan niya akong napalitan ng damit. Nagluto din siya ng makakain at pilit rin akong pinakain.

"Ayoko." sabay tabig ng pagkain na hawak hawak niya na pilit isinusubo sa akin.

"Tin kumain ka lang ng konti para makainom ka ng gamot. Magkakasakit ka niyan." saad ni Dan. Napatingin ako sa kanya at wala akong naggawa kundi sundin ang sabi niya.

Matapos kumain at uminom ng gamot ay hinayaan na ako ni Dan na magpahinga habang siya naman ay niligpit at nilinis ang pinagkainan.

ANG SAKIT. Iyon lang ang nararamdaman ko ngayon at hiihiling na mawala na. Isang beses lang ako nagmahal at ito pa ang nangyari.

Naramdman ko na may humagod sa likod ko at pinapatahan ako ni Dan. "Magiging maayos din ang lahat."

"Pokpok ako pero hindi ko naman deserve ang masaktan ng ganito. Isinakripisyo ko ang pangarap ko para sa pamilya tapos ngayon, sinakripisyo ko yung pamilya ko para sa kanya."

"Bakit ganito?" tanong ko pa sabay hampas sa unan at pinigilan iyon ni Dan at niyakap ako.

"Walang mali sa'yo Tin pero tandaan mo na lagi tayong dumadaan sa madikim ng ating buhay. Isa lamang itong pagsubok ng diyos na malalagpasan ko rin."

Magkayakap pa rin kami ni Dan ng sabay kaming napalingon sa bukas na pintuan. Bumungad si Pat at agad siyang lumapit sa akin. Naghiwalay kami ni Dan at doon naman ako niyakap ni Pat.

"Iniwan niya ako Pat." uniiyak kong sumbong habang siya naman ay hinahagod ang ulo ko.

"Iniwan ka niya pero hindi ka namin iiwan ni Dan. Nandito kami para saan pa ba ang pagkakaibigan natin sa mga ganitong pangyayari." sabi ni Pat at pinahid ang luha ko.

"Wag ka ng umiyak, pumapangit ka." pagbibiro niya at inihiga ako. "Magpahinga ka." sabi niya pa at hindi ako iniwan hanggang sa nakatulugan ko ang iyak at sakit na nararamdaman.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtulog nang maramdaman kong masyadong malamig. Iminulat ko ang mga mata ko pero agad ding nandilim ang paligid at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

...

Nagising ako sa sobrang liwanag. Teka, kinukuha na ata ako ng langit. Sandali akong natigilan sa iniisip ng makita ko ang mukha ni Dan. Kinusot ko ang mukha at napatingin sa paligid. Wala ako sa apartment ko at wala rin ako sa langit kundi nasa hospital.

"May masakit ba sa iyo? Gutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Gwapo ba ako? Anong masakit sa iyo? Sabihin mo!" agad kong hinampas si Dan sa ulo dahil ang dami-dami niyang sinabi. At ang kapal pa niyang magtanong na kung gwapo ba siya.

"Bakit ako nandito?" tanong ko ata agad nanlaki ang mga mata niya.

"May amnesia ka." naiiyak niyang sabi. Itinaas ko ang paa ko at sinipa siya dahil sa kabaliwan.

"Isa pang kalokohan mo Dan mamamatay ka ng wala sa oras." banta ko at umayos siya nang tayo at sumeryoso.

Napakamot siya sa ulo at nagsimulang magkwento kung paano ako napunta dito sa hospital. Ang kwento niya ay nagkasakit daw ako kagabi. Nanginging at nilalamig ako, naggising pa nga raw ako kaso bigla daw akong nahimatay. Hindi daw nila alam ang gagawin kaya dinala na nila ako dito sa hospital.

"Nasaan si Pat?" tanong ko.

"Pumasok sa trabaho."

Matapos ang paguusap namin ay sandaling umalis si Dan para bumili ng pagkain ko. Nang makaalis ay naalala ko na naman si Fred. Yung nangyari sa amin. Yung mga salitang binitawan niya.

Patuloy lang ako sa pagiyak habang inaalala ang lahat ng mga nangyari sa amin. Yung mga pangako niya, Kung paaano niya ako ituring bilang babae at hindi isang bayaran. Kung paano niya ako mahalin at alagaan.

Simula ng dumating si Fred sa buhay ko ay halos sa kanya na umikot ang mundo ko. Kaya hindi ko akalain na parang biglang magbabago ang ihip ng hangin at sa huli ako ay naloko.

Isinuksok ko ang mukha sa dalawang palad at napahagaulgol sa mga iniisip. "Hindi ako mahal ni Fred." sambit ko. Ilang sandali pa ay may humahod sa likod at pinapatahan ako. Sa amoy pa lang niya ay alam kong si Dan siya.

"Kumain ka na. Kalimutan mo na yung hayop na iyon." sabi ni Dan.

"Tss"

Tahimik akong kumain ng biniling pagkain ni Dan habang siya naman ay nagbabalat ng prutas. Sa ngayon ay iniisip ko kung paano ko malilinutan si Fred lalo na't para akong mamatay nang wala siya.

Ang tanga tanga ko para naiwala sa pangako at kasinungalingan niya. Hindi ko man lang nakita o naramdaman na ang lahat ay wala lang. Sabagay artista nga pala siya, magaling siyang umarte at umakto. Ang pinagkaiba nga lang ay wala siya sa harap ng kamera nang mag-acting siya sa harap ko.

Naramdaman ko ulit na niyakap ako ni Dan dahil umiiyak na pala ako habang kumakain. Nang matapos kumain ay muli akong nahiga at itinulog na lang lahat ng iniisip ko.

Kinahapunan ay ginising ako ni Dan para kumain at para na rin makausap ako ng doctor tungkol sa kalagayan ko. Tinanong ako ng doctor kung ano ang mga naramdaman ko nitong mga nakaraang araw at ang tanging sinagot ko lang ay nasasaktan ako.

"Mrs. Imperial, did you know that you are pregnant?"

Agad nilamig ang buong katawan ko hanggang sa ang tanging narinig ko na lamang ay ang tibok ng puso ko na sobrang bilis. Hindi ako makasalita at tanging natulala lang ako sa mga kamay kong nanginging.

"Congratulations!" bati pa ng doctor at kinamayan nito si Dan. "You're one week pregnant Miss Imperial."

"Iwasan po ang stress at kumain ng masusustansyang pagkain." payo pa ng doctor bago umalis.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan ni Dan nang makaalis ang doctor. Marahil ay nagtataka siya kung bakit ako nabuntis. Pornstar kami at may monthly check up kami upang masiguro na wala kaming sakit o di kaya buntis. Buwan buwan din kami binibigyan ng pills para hindi mabuntis.

"A-anong nangyari?" Nauutal na tanong niya sa akin ni Dan habang ako naman ay lumilipad ang isipan ay binabalikan ang mga nakaraang buwan. At natigilan lang ako ng makalimutan kong magpa-monthly check up nitong nakaraan.

Sinampal sampal ko ang sarili at si Dan naman ay pinipigilan ako. Napagtanto ko kasi na ang huling nakatalik ko ay si Fred. Anim na araw na mahigit ang lumipas simmula ng may mangyari sa amin. Habang si Dan naman ay last month pa kami nagtalik at sigurado akong nakainom pa ako ng gamot nun.

At isa lang ang nasisiguro ko, na si Fred ang ama ng dinadala ko.




MISTERCAPTAIN
Professor

DYK? 5-8 days after sex pwede kang mabubtis at doon mo malalaman. Skl! Nabasa ko lang ito pero search niyo na rin.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon