CHAPTER-FOUR (ɪ)

415 29 1
                                    

C H A P T E R - 4

RESISTING:

Nang napalingon kami kay lolo, ang kaniyang mukha ay sobrang galit nito.

"Ah, s-sorry po lolo," Sabi ko dahil naintindihan ko siya.

Kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat kahit halimaw man iyon.

Sa mata ni lolo, makikita ko kung gaano siya nasaktan nang nakita niya ang kaniyang pamilya na naging isa nito.

"Okay lang. 'Di niyo na kailangan pang tawagin ako na 'lolo' tawagin niyo akong 'Mang Ernes'," Ani niya kaya napangiti ako sa kaniyang sinabi.

"Sigi po, lolo—este Mang Ernes hehe." Biro ni Vivian kaya napatawa kaming lahat.

"Oh," Gulat ni Churan nang nakita namin na tumingin siya sa bintana ng supermarket kaya napatingin 'rin kami at umuulan, ang lakas ng ulan.

Napaupo na lang kaming lahat sa sahig sa gitna ng supermarket since hindi naman naka-organize yung supermarket saka ang kalat nga, eh.

"Guys, there's a van." Sabi ni Churan dahil na sa back door siya.

Sliding door yung style ng pinto at obvious naman na makikita kung ano meron sa labas at sa loob at saka merong kurtina naman at newspaper na nakadikit.

Tumayo kaming lahat at pumunta do'n hanggang nakita namin na meron nga, kulay itim yung van, maaari namin ito gamitin bukas, hindi ngayon dahil gabi na at syempre kailangan namin magtulog, 'no?

"Hija," Tawag ni Mang Ernes kaya napalingon ako at ako pala ang tinawag niya.

Pinapapunta niya ako sa kaniya kaya agad akong lumapit at inakbayan niya ako saka kami pumunta sa gitna kung saan kami kanina at umupo.

"Mang Ernes, maaari niyo po akong tawaging Cath," Sabi ko at ningitian niya ako.

"Hija, jowa mo ba iyon?" Tanong ni Mang Ernes sabay turo niya kay Harvey.

Nagulat ako ng tinanong niya iyon sa akin.

"Hala po, hindi 'no." Sagot ko sa kaniya sabay niyakap ko ang aking tuhod.

"Hay nako," Hininga niya.

Binigyan ko siya ng kunting tawa— tumitingin pa 'rin sila sa labas.

"Mang Ernes, bakit po kayo nananitili dito? Bakit po hindi kayo humingi ng tulong?" Tanong ko sa kaniya, out of curiosity.

Gusto ko lang naman kasi malaman kung bakit hindi siya humihingi ng tulong o ano palibhasang merong mga zombies dito.

"Hm, bakit naman ako aalis? Eh, nandito naman pamilya ko, pagkain, inumin at marami pang iba," Sagot niya.

Kaya pala "Actually, doktor ako. Retired-doctor," Wika niya.

Kung siya'y retired-doctor, baka meron siyang nalaman tungkol sa virus na meron dito, yung virus na naghahawa sa mga tao at naging halimaw.

"So, alam mo ba ang tungkol sa virus na 'to?" Tanong ko sa kaniya at bigla silang kumuha ng mga pagkain dito at hindi pa 'rin ako binigyan ng sagot ni Mang Ernes.

"Matulog ka na, hija. Baka bukas, makakaalis na kayo. Naintindihan?" Utos niya sa akin sabay binigay niya yung kumot at unan sa akin kaya agad ko na lang ito kinuha sa kaniya at binigyan sila ng ngiti.

"Guys, kayo 'rin. Matulog na lang kayo, ako na lang ang bahala dito," Sabi ni Kioz.

Kaya, dahan-dahan nilang binitawan ang trolley at umalis saka kinuha ang kanilang kumot at unan na galing kay Mang Ernes.

The Zombie Town: The ApocalypsesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon