Chapter 58: Didiretso Saan, Allison?

Beginne am Anfang
                                    

"Hindi ako umiinom, Seb." Dumapo sa akin ang mga mata ni Sebastian bago mabilis na tumaas ang kanang kilay niya.

"Just this once, Allison, Please."

"We both need this. Deserve natin 'to," Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o nagbago nga ang hulma ng ngiti nito.

"Cause our research is finished..." Bumalik ang tingin nito sa barista.

"Bourbon on the rocks and a tequila sunrise." Binaba ng barista ang dalawang baso sa harap namin. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang titigan ang mga baso.

"Allison, Just for tonight,"

"Let go." Bumitaw ng tingin si Sebastian at humarap sa counter. Kinuha nito ang basong nasa harapan niya at diretso itong ininom. Hindi ko alam kung ano ang lasa ng iniinom nito ngunit alam kong matapang iyon.

Pero walang bakas ng kahit anong ekspresyon sa mukha ni Sebastian. Parang tubig lamang ang dumiretso sa lalamunan nito.

"Goes down as easy as I do." Kumunot ang noo ko nang kindatan niya ako.

"Ano?" Natawa si Sebastian sa ka-inosentehan ko at napailing na lamang.

"Keep it coming, Derek." Tinaas ni Sebastian ang baso bago ito ilapag muli sa harap ng barista.

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ang baso ng tequila sunrise. Alam ko kung ano ang itsura ng purong tequila at hindi naman ganito ang itsura noon.

Bahala na.

"You know what? You can just get a cockta-" Hindi natuloy ni Sebastian ang sasabihin nang mabilis kong hablutin ang baso at diretso itong ininom.

Putangina.

Pinilit kong tiisin ngunit kalahati palang ng baso ay naibagsak ko na ito. Sa una ay parang maasim lang ito, Medyo matamis. Maihahalintulad sa normal na orange o lemon juice.

Sa kabila ng pait at hindi kaaya ayang aftertaste ng ininom ko, Narinig ko ang tawa ni Sebastian.

"Calm down lang kasi, Al. Wala namang humahabol sayo. Just lay back and take it easy." Napailing ito.

"Diretsuhin ba naman yung tequila eh." Kahit na pilit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Sebastian, Sinusubukan nitong magtagalog.

"Can we get some nachos and fries in here too?" Magalang na tanong ni Sebastian sa barista pagtapos nitong ibuhos ang bourbon sa baso ni Sebastian.

"I'll prepare your orders lang po, Si Ron muna ang bahala sa inyo." Tumango kami. Pinanood naming pumasok sa likod ng bar ang orihinal naming barista bago ito palitan ng bago.

Hindi naman sa nanghuhusga ako ngunit higit na mas may itsura itong baristang nagpakilala bilang Ron, Kaysa sa nauna sa kaniya.

"Refill on the tequila sunrise, Ma'am?" Tinignan ko si Sebastian. Hindi naman ako ang magbabayad nito kaya nakakahiya naman kung kumuha ako nang kumuha.

"On the house." Naudlot ang pag tanong ni Sebastian nang magsalita si Ron. Mula sa gilid ng aking mga mata, Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay ni Sebastian.

"Put everything on my card, Max it out. I don't care " Madiin na sambit ni Sebastian. Hindi ko naiwasang mapatingin dito nang mapansin kong magbago ang tono ng boses nito.

"Of course, Sir." Binaba ni Sebastian ang baso at tinanguan si Ron, Senyas na lagyan muli nito ang baso.

"Hindi ba masyadong mabilis iyang pag-inom mo?" Alalang tanong ko dito.

"No, I'll be fine." Mabilis itong kumurap na dahilan para kwestyunin ko ang sinabi nito. Sa ngayon ay pangatlong baso na niya ng iniinom, Habang hindi ko pa nasisimulan ang pangalawang binigay ng bartender.

"Nachos and fries, All set." Sabi naman ng naunang bartender at ibinaba ang laman ng bitbit niyang tray sa harap namin.

"Keep it coming," Napatingin ako muli kay Sebastian na wala na namang laman ang iniinuman.

"Akala ko ba 'Lay back and take it easy'?" Nagkibit balikat si Seb at tinanggal ang subrerong suot.

"Is it just me or it's getting hot in here?" Tanong niya habang pinapaypay ang kwelyo ng jacket na suot.

"Hindi naman..." Napalunok ako nang mabilis nitong itaas at hubarin ang jacket.

Sa halos isang segundo na iyon para namang bumagal ang pag-galaw ng paligid ko at nanatili ang mga mata ko sa bahaging tiyan ni Sebastian. Dahil nga sa mabilis nitong pagtanggal ng jacket, Hindi maiiwasang maisama ang damit na nasa ilalim nito. Bahagyang naipagmayabang ang perpektong hubog ng abs ni Sebastian. Pati narin ang dalawang patagilid na guhit sa tiyan niya na didiretso sa...

"Al? Are you okay?" Nanlaki ang mga mata ko. Mabilis namang lumipat ang tingin ko sa mga mata ni Sebastian.

"You're staring at the wind, We can just get you a non-alcoholic drink-"

"Hindi!" Mabilis akong umiling, Ipinagdarasal na sana hindi niya nahalata kung saan talaga ako nakatitig.

"Isa pa nga nito." Hinablot ko ang baso at mabilis na nilagok ang bawat patak ng inumin kahit pa medyo mapait nga ito, Maiwasan lang ang nakakailang na tingin ni Sebastian.

"I thought you said I was drinking too fast?" Tanong niya. Umiling ako.

Agad ko namang pinagsisihan ang pagkakasunod sunod ng mga aksyon ko dahil parang umikot ang sikmura at paningin ko matapos akong umiling.

Sa ganito kabilis naming pag-inom, Mukhang hindi maganda ang magiging katapusan ng gabi. Kung matatapos nga ito.

Love How You Hate Me (Castel #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt