Kabanata 26: Ang Nega

5.7K 326 68
                                    


Pagbalik namin sa cottage, naglalatag na sina Marvic sana mga kapatid at hipag ni Yayo ng pagkain sa kahoy na mesa. Pinabaunan daw sila nina Tatay Joel 'tapos um-order din pala si Alyna ng pagkain noong nagpa-reserve bago pa kami mapuntang Aklan.

Hindi naman marami ang pagkain dahil nga katatanghalian lang namin bago kami pumunta rito sa may dagat kaya puro halos pangmeryenda ang nakahain. May haluhalo, may mga saging con yelo saka mais con yelo pa nga, may ice cream ding nasa baso na. Puro mga minatamis saka kakanin. Pinagkakaguluhan ng mga bata na parang first time lang makakakain ng ganoon. Si Chamee ang madalas makakain ng haluhalo saka ice cream.

"Babi, gusto ko ice cream," bulong ni Chamee sa akin kahit malakas naman.

"Gusto mong ice cream? Sige, kukuha si Babi ng ice cream."

Saglit kong inilapag si Chamee sa may upuang kawayan saka ako nakigulo para kumuha ng ice cream para sa kanya.

"Ano'ng flavor gusto ni Mimi?" tanong ko pa nang makakuha na ng isang cup.

"Yung pink!" pagturo niya sa strawberry na ice cream.

"Ayaw mo ng chocolate?"

Nagbuka siya ng bibig habang nakaturo at mukhang nalilito pa kung ano ba ang kukunin ko.

"Pink saka itong chocolate na lang," sabi ko saka sumandok ng magkaparehong flavor.

Pagkatapos ko, iniabot ko agad sa kanya.

"O, para dalawang flavor kay Mimi."

Pero hindi pa man ako nakakatalikod para sana kumuha ng akin, tumili na naman si Chamee.

"Mima, ice cream sa 'yo, o!"

Tiningnan ko agad nang masama si Chamee kasi yung kinuha ko para sa kanya, ibinigay na naman sa Mima niya.

"Aww, thank you, baby." Kinuha naman ni Alyna yung cup saka niyakap si Chamee na tuwang-tuwa naman.

Umikot agad ang mata ko saka kumuha ng panibagong ice cream para na sa anak ko kasi malamang na mag-uutos na naman 'tong kuhanan siya ng kanya.

Nakangiwi lang ako nang ibigay kay Chamee ang ice cream niya. "Ice cream ni Mimi, o."

Umupo na ako sa tabi niya saka ko siya inayos ng pagkakaupo roon. Nakasuot na siya ng bagong damit. Yung pink niyang sando saka maong niyang shorts na may design na heart sa kaliwang laylayan. Terno sila ni Alyna, kaso light blue naman itong sa Mima niya. Ang kaso, binihisan lang, hindi naman inayusan talaga.

Kinuha ko agad sa bag yung foldable niyang suklay na hindi mukhang suklay saka ko inipon lahat ng buhok niya para suklayin mula sa dulo.

"Babi, kain ka," alok ni Alyna at hindi na ako nag-abala pang magtaas ng mukha kasi nakaabang na sa bibig ko yung plastic na kutsarang may laman. Isinubo ko na lang 'yon saka itinuloy ang pagsuklay kay Chamee.

"Babi, kakain ikaw ganto, o!"

Hindi pa man natutunaw sa bibig ko ang ice cream na bigay ni Alyna, dinuduldol na sa akin ni Chamee yung kutsara niya.

Sinalo ko na agad ang kamay niya para hindi na matapon pa yung ice cream.

"Ki-kiss mo ako, Babi." Ngumuso pa siya sa akin.

"Punas ka muna ng face, 'nak."

Kumuha na rin muna ako ng face towel sa bag para punasan ang palibot ng bibig niyang nangungulay tsokolate na bago ko siya hinalikan nang mabilis sa labi.

"Halabyu, Babi!"

Dinampian ko na lang siya ng magaang halik sa sentido saka ako bumulong. "I love you, Mimi."

The Wayward Son in AklanМесто, где живут истории. Откройте их для себя