Kabanata 24. Ang In Denial

7.7K 489 262
                                    


Hindi ako sanay na nagbabakasyon nang matagal at malayo. Kung matagal man, kina Tita Mayla lagi ang punta ko. Ngayon lang ako hindi nasanay sa malayo na hinahanap ko na ang gaming chair ko sa bahay.

Alas-diyes y medya, pabalik na kami sa casa pero nag-shortcut kami sa isang one-way pathwalk. Madamo ang ibabang gilid na may mga bato-bato sa gitna ng daan. Maraming halaman sa mga gilid na lumalampas minsan sa ibang bakod.

Saglit kaming huminto sa tapat ng hilera ng mga bougainvillea na kulay orange saka pink.

"Akala ko, rose," sabi ko pa kay Yayo.

"Babi, gusto ko palawer!" Nagturo agad si Chamee ng pink na bulaklak.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Yayo. Kung rose, maiintindihan ko pa e. Si Chamee, basta flower, masaya na sa buhay. E si Alyna?

"Magugustuhan 'to ng asawa mo, promise." Nginitian pa 'ko ni Yayo saka siya pumitas agad ng mga bulaklak.

"Mimi, hihiram muna si Babi ng hat, ha? Dito natin ilalagay yung flowers mo." Kinuha ko ang sombrero ni Chamee para doon namin ipunin ang lahat ng mapipitas namin.

Kinakabahan na nga ako, baka nagnanakaw kami ng tanim ng may tanim.

"O, ito flower ni Mimi." Saglit kong inabutan si Chamee ng isang maliit na tangkay ng pink na bulaklak kasi paborito niyang kulay at tumili agad siya habang inaamoy-amoy iyon. "Babi, bibigay ko 'to palawer kay Mima!"

Napasulyap ako kay Yayo na biglang natawa. "Kahit anak mo, alam na magugustuhan ni Ma'am Alyna yung bulaklak."

"Lahat naman ng ibinibigay ko kay Chamee, kay Alyna napupunta e."

Pagkatapos naming makaipon ng bulaklak, bumalik na agad kami sa casa. Tirik na tirik ang araw at panay ang pansin ng matatandang nadaraanan namin sa anak ko. Naka-shades kasi at laging nakataas ang mukha na parang nangmamata ng makakasalubong.

Kahit din naman siguro ako, mapapatingin kay Chamee habang bumubulong ng kung ano kung hindi ko lang 'to anak.

"'Tay, nandiyan na ba si Ma'am Alyna?" malakas na tanong agad ni Yayo pagbalik namin sa casa.

"Wala pa. Bakit?"

"Dito raw po manananghalian."

"Sige. Nagpahain na 'ko kay nanay mo ng ulam."

May ilang mga bata roon sa pinaka-parking lot ng casa, naglalaro ng bola.

"Paglaruin mo muna si Chamee sa mga pinsan niya," alok ni Yayo.

Nag-alangan pa 'ko kasi walang ibang kalaro 'to si Chamee sa Munting Nayon. Baka biglang manapak kapag inaway, ako pa pagalitan.

"Babantayan naman ni Maring." Itinuro ni Yayo yung hipag niyang nagsasampay ng mga kumot sa dulo malapit sa kung saan naglalaro yung mga bata.

Napabuntonghininga na lang ako saka yumuko para bulungan si Chamee. "Anak, lalaro ka sa mga pinsan mo, ha? Huwag kang mang-aaway."

"Babi, bibigay ko palawer kay Mima," sabi niya, ipinakita sa akin yung bulaklak na ikot-ikot niya sa daliri.

Hinalikan ko siya sa sentido saka ako ngumiti. "Mamaya, ibibigay natin yung flower kay Mima. Laro muna ikaw, ha?"

"Opo!" Tinapik ko siya sa likod saka pinalapit sa mga pinsan niyang maliliit. Mukha tuloy siyang higante kapag katabi yung iba.

Nasa three feet two na ang taas ni Chamee, matangkad para sa tatlong taong gulang kung tutuusin saka malusog pa. Alaga sa vitamins saka sa gatas. Kung kumain, oras-oras din. Kinakabahan ako, kapag nanapak 'to, tulog ang masasapak nito e.

The Wayward Son in AklanWhere stories live. Discover now