Kabanata 30: Ang Takot

7.5K 496 230
                                    

"Babi, saan na Mima ko?"

Napapabuntonghininga na lang ako habang nakatingin kay Chamee. Nakasalampak lang siya sa sahig habang kalat na kalat ang chocolate sa bibig.

Nag-check ako ng mga available na flight pa-Manila kaso walang available ngayong gabi. Meron para bukas ng alas-dose kaya ito na ang pina-book ko para sa amin ni Chamee.

Napilitan pa 'kong mag-withdraw para lang sa pang-hotel namin.

May malapit na hotel sa airport, kulay cream ang pintura sa labas kaya mukhang maayos na hotel naman. Maaliwalas kasing tingnan. Kahit sa reception, malinis din at accomodating ang staff. Ang akala rin, kararating lang namin sa Aklan. Hindi ito hotel na mataas. Second floor nga lang ang abot pero dinaan naman sa haba. Ang room namin ay banda sa dulo, kita ang palayan sa tapat. Maganda rin ang daan ng hangin sa bintana, nakakapayapa kapag sumisilip ako para maglabas ng bigat ng loob. Para ngang nasa bahay lang ako kung tutuusin. Yung nakuha ko kasing room, may ref, microwave oven, may airpot na rin.

"'Nak, wash ka ng hands. Dirty na ng hands mo." Pinunasan ko agad ng wet wipes yung kamay niyang puro tunaw nang chocolate pati yung bibig niya.

"Babi, itatawag ko si Mima."

Matipid ko siyang nginitian. "Bukas natin kakausapin si Mima, okay? May trabaho pa si Mima ngayon e."

"Babi, ipe-play na lang ako Ninja."

Binuksan ko yung Fruit Ninja app saka ko iniabot sa kanya ang phone ko.

Inimis ko lahat ng kalat ng pinagkainan ni Chamee at saglit akong naghugas ng kamay. Pabalik pa lang ako nang may marinig akong katok sa pinto.

Hindi pa tumutunog yung phone sa loob kaya ang inaasahan ko, hotel staff o kaya housekeeper. Pagbukas ko ng pinto, naningkit agad ang mga mata ko kasi si Yayo ang bumungad sa 'kin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Bahagya kong isinara ang pinto bago pa siya makita ni Chamee.

"Andoy, kung ayaw mong makinig kina Tatay, kahit sa 'kin na lang. Mag-usap lang tayo."

"Para saan?"

"Alam ko, masama ang loob mo sa—"

"Masama talaga ang loob ko." Sinubukan kong babaan ang boses ko kasi masisita kami. "Yayo, alam mo kung saan ako galing. Alam mo kung saan kita unang nakilala. Huwag akong sasabihan ng pamilya mo na palalakihin nila ang anak ko kung sila mismo, hinayaan ka nila sa ampunan. Hindi rin maglalayas ang kakambal mo kung talagang inalagaan nilang mabuti si Gen. Hindi ako kasing-iresponsable ng mga magulang mo. Huwag nila akong gagaguhin, hindi ako ipinanganak kahapon."

Hindi siya nakasagot. Dinaan lang ako sa buntonghininga.

Ako pa ang kakatwiranan nilang aalagaan? Kung yung anak nga nila, hindi nila naalagaan, ako pa ang sasabihan nilang sila ang mag-aalaga?

Maglalayas ba si Geneva kung inalagaan nila? Mapupunta ba si Yayo sa ampunan kung inalagaan nila?

Nagpapasalamat na lang ako na hindi ako umasang titira ako sa kanila noong hinabol ko si Yayo noon. Kasi kung doon ko inasa ang buhay ko, baka matagal na 'kong pariwara.

"Alam kong may mali sina Tatay."

"Alam mo pala e."

"Nagpaliwanag si Ma'am Alyna. Nakuwento niya yung tungkol doon sa nakabuntis kay Ging-ging."

Isa pa 'tong si Alyna. Hindi naman kami mapupunta rito kung hindi dahil sa kanya e. Kasalanan talaga niya 'tong lahat.

"Nagbigay ng kasunduan si Ma'am Alyna kina Tatay."

The Wayward Son in AklanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon