Kabanata 17: Ang Demonyo

8.7K 495 122
                                    


Nag-Uber na lang kami pauwi kasi sobrang traffic sa EDSA kung magba-bus kami nang rush hour. Pero kahit alas-singko y medya pa lang ng hapon, traffic na rin mula sa La Salle. Sabi ko nga, FX na lang para mura, kaso ayaw ni Alyna. Kung gusto ko raw, siya na lang ang magbabayad para hindi ako reklamo nang reklamo. E nakakahiya naman na siya pa pagbabayarin ko kaya naghati na lang kami sa bayad. Wala na 'kong cash e. Ayoko nang mag-withdraw, wala na 'kong pambiling luho ni Chamee sa mga susunod na araw.

Puno ang sinakyan naming Vios. Yung mga pinamiling laruan saka gamit para kay Chamee, nasa trunk. Yung malaking pink teddy bear ang katabi ng driver. Kami sa backseat.

Pagod yung bata. Sabi ko, ako na ang kakarga sa kanya para makatulog sa biyahe. Ayaw raw niya sa 'kin, gusto sa Mima niya.

Sinimangutan ko na lang. E di, magsama silang dalawa ng Mima niya. At least, hindi ako mangangawit.

"Oo nga pala, may nailabas bang issue last November?" tanong ko agad total, narito naman na si Alyna para sumagot. "Hindi ko yata nahawakan yung layout ng magazine n'on."

Pagtingin ko kay Lyn, nakanguso lang siya habang tumango-tango, parang nag-iisip pa kung saan ba napunta ang tinatanong ko.

"Pinahawak ko yung layout kay Janren."

"Kay Janren? Bakit sa kanya?" tanong ko agad pagkasalubong ng kilay ko. Ang dami nang nile-layout ni Janren sa Cosmo, bakit doon pa niya pinahawak?

Hindi naman sa masama ang loob ko kasi may isang issue ang Traveler's Dawn na wala akong sinahod, pero kasi ibang magazine issue ang inayos ko ang layout last November. Hindi ko rin naman masabing mas importante ang trinabaho ko kasi same rate lang sa TD. Hindi ko agad inusisa kasi wala ring pinag-usapan sa GC e. Sumahod pa rin naman ako.

"Bruh, January na yung issue na ire-release by the end of the month. Ano ka ba?"

Hindi talaga sinagot ang tanong ko.

"Sana ibinigay mo sa 'kin yung November. Hindi naman gan'on kahalaga yung sa The Weekender e."

"You still have the January naman. Tampo ka? Yiiee!" Bigla niya 'kong hinabol ng kurot sa pisngi kaya tinampal ko agad ang kamay niya.

"Isa, kokonyatan talaga kita, Lyn."

"Hahaha! Pagkatapos ng comic-con sa Saturday, matatambakan ka na ng activity. Hindi ka na makaka-complain."

Inismiran ko na lang siya saka tiningnan nang masama.

Makahanap nga ng kopya ng November issue. Alam ko naman ang quality ng layout ni Janren. Pero sigurado akong mahal ang rate niya kumpara sa 'kin kasi marami siyang portfolio.


♥♥♥


Alas-otso pasado na nang makauwi kami sa bahay. Hindi na 'ko nagtaka kasi sobrang traffic din sa may Ever hanggang sa may Litex.

Sa dami ng bitbit namin, hindi ko na alam kung ano'ng uunahin kong buhatin.

"Ser, tulungan ko na ho kayo," alok ni manong.

"Salamat po."

Bumaba na agad ako at umikot sa kabilang upuan para buhatin si Chamee mula kay Alyna.

"Anak, tara dito kay Babi." Pinaalalayan ko na lang ang ulo niya kay Lyn kasi baka mauntog sa may pinto ng sasakyan.

Tulog na tulog, napagod talaga 'to katatakbo. Inalalay ko ang pisngi niya sa balikat ko at binuhat siya ng kanang braso habang inaabot ko ang malaking teddy bear na kalalabas lang ni Manong sa passenger seat.

The Wayward Son in AklanWhere stories live. Discover now