Kabanata 20: Ang Surprise

8.8K 424 57
                                    

February 10, 2018



Si Alyna, sobrang daldal talaga at demonyong likas kasi ikinuwento nang ikinuwento kay Chamee na sasakay raw sila ng airplane 'tapos pupunta sila sa malayo. Si Chamee, araw-araw nagtatanong mula pa noong January kung kailan daw siya sasakay ng airplane. Sabi ko, malapit na. Puro lang ako malapit na kasi itong si Alyna, gusto talagang papuntahin kami ng Aklan nang hindi ako nagdadalawang-isip.

Si Chamee, tuwang-tuwa sa bus at dinadamay ang mga katabi naming natutuwa sa kanya. Maaga kaming umalis, madaling-araw pa lang at ang ticket namin, papuntang Pasay. Magkikita-kita kami nina Alyna sa terminal sa MOA saka kami sasakay papuntang NAIA Terminal 1. Nasa kanya kasi ang ticket namin sa eroplano.

"Mimaaaa!"

"Chameeee! Tara kay Mima, dali-dali!"

Alas-otso pasado pa lang ng umaga at nagpasasalamat akong Sabado ngayon dahil malamang kung weekdays 'to, alas-diyes pa kami makakarating. Alas-tres ng hapon ang flight namin pa-Kalibo kaya kailangang maaga. Although, two hours before the flight naman ang sinabi sa amin pero maganda nang maagang makapag-check in.

"Nag-almusal kayo?" tanong agad ni Alyna at talagang hinagod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakangiwi.

Ang suot niya, fitted na plain white T-shirt at maong na shorts. May dala na naman siyang backpack na mukhang hindi ganoon karami ang laman kasi hindi namumutok. At naka-running shoes lang siya. Parang wala siyang ibang alam isuot kundi ganyan lang. Kada kita ko sa kanya, mukha siyang galing sa biyahe.

"Kumain si Chamee ng hotcake saka binaunan siya ni Manay Pasing ng ham sandwich."

"Ikaw?"

"Baka masuka ako sa biyahe kaya mamaya na lang."

First time namin ni Chamee na sasakay sa eroplano, at kahit anong kaba ko para sa sarili ko, mas kinakabahan ako para kay Chamee. Gala naman 'tong batang 'to kasi gustong laging namamasyal. Pero ibang usapan na yung eroplano. Hanggang Pasay nga lang ang nararating ko na pinakamalayo. Ito, Visayas area na.

Nakakalula sa airport, ang dami ng tao. Sa TV saka pelikula ko lang nakikita na maraming tao sa ganitong lugar 'tapos may eksenang may sisigaw sa kung saan at hihinto ang lahat. 'Tapos may kissing scene sa gitna.

Kaso putaragis, ang dami ngang maingay sa paligid, may nag-a-announce sa intercom, may mga tumitili rin sa kung saan-saan at sinasalubong ang mga kaanak nila. 'Tapos may mga guard pang padaan-daan sa paligid. Kung sisigaw siguro ako sa ganitong lugar, baka posasan na lang akong bigla 'tapos padapain sa sahig.

Si Chamee ang sobrang excited. Itinuturo lahat. May dumaang K-9, ituturo din 'tapos magdadaldal na may malaki raw siyang nakitang dog. 'Tapos naghe-hello sa lahat ng sumasalubong sa amin saka sa ibang nakapila sa check-in counter. Ang dami pa namang foreigner na tuwang-tuwa sa kanya.

"Hello po!"

"Hello, little fella. How are you?"

"Isasakay kami ni Babi sa erpleyn po! Ta's lilipad kami sa mataas na mataas!"

"'Nak, huwag madaldal. Baka hulihin tayo ng pulis."

Kinarga ko agad siya saka ako naiilang na ngumiti sa kausap niyang malaking lalaking mukhang African-American na nakapila sa kabilang counter.

"Your daughter is adorable, man."

Naghalo na ang ngiti at ngiwi ko saka kunwaring pinunasan ang mukha ni Chamee gamit ang towel kahit na tinatakpan ko lang ang mukha niya para hindi na mag-ingay.

The Wayward Son in AklanWhere stories live. Discover now