She's complaining now but I can also see that she's loving it. I never thought there would be a day that Hera would settle into domesticity like she's doing now. She looks so happy and contented.

"Here's your other baby bear," I told her when I saw Thunder walking towards us. May suot siya na band na nakabalot sa katawan niya para magsilbing carrier ng isa pa nilang anak na ngayon ay mahimbing na rin na natutulog.

Iniwan ko na sila at nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa conference room. Dawn and Triton, BHO Division and CAMP division's heads, called for a meeting. But I have a feeling that this is because of me too.

Nang makarating ako sa conference room ay nakita kong naroon na ang ilan sa mga agent. Sumalampak ako sa pinakamalapit na upuan sa akin na nakita ko at pabagsak na ibinaba ko ang mga gamit ko bago ako muling humugot ng tissue mula sa dala kong tissue box at suminga.

"Are you sick?"

Nilingon ko si Dawn na nakaupo sa kabisera ng isa sa apat na mahabang conference table na narito habang nakatutok ang mga mata niya sa hawak na tablet device. Imbes na pumuwesto sa kabilang kabisera ay kasalukuyang nakikisiksik ang asawa niya na si Triton sa tabi niya habang sumisilip sa ginagawa niya.

"Yep," I answered.

Binaba niya ang hawak at may kinuha siya mula sa bulsa niya. Napamata na lang ako nang basta na lang siyang nag-spray sa paligid niya at sa direksyon ko.

"Sinisipon lang ako. Wala akong flesh eating bacteria," sabi ko sa kaniya.

"Alam ko. I'm not doing this for me. Do you know how hard it is to take care of four children with a cold? Bearable. Pero alam mo ba kung gaanong kahirap na mag-alaga ng apat na anak na may sipon plus asawang may sakit din? Torture."

Nanulis ang nguso ni Triton. "Para ka namang others. Ang mga anak nga natin ang nanghawa sa akin."

"Kaya nga. Mas mahirap kang alagaan kesa sa kanila." Dawn pointed to the opposite side of the table. "Doon ka para makalayo ka kay Eris."

"Gusto ko katabi ka," sabi niya at muling sumiksik sa asawa. Kulang na lang ay yumakap siya kay Dawn na parang koala sa paraan nang pagkakalapit niya sa babae.

"Fine." Umilaw ang mga mata ni Triton pero kaagad din nawala iyon nang magpatuloy si Dawn, "Pero mamaya sa bahay huwag kang tatabi sa akin."

Nagkakandahaba na naman ang mga nguso na kinuha ng lalaki ang mga gamit niya bago nagdadabog na pumunta sa kabilang kabisera ng lamesa. When he saw his wife was watching him, he flashed a big smile. Nag-flying kiss pa siya at kumindat-kindat. Kahit kailangan talaga mga keso.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipagtagisan sa self-control ko na nasusubok dahil pinipigilan kong bumahing. Hindi naman nagtagal ay nagsimula ng magsipagpasukan ang mga agent na hinihintay namin.

I saw my sister entered the room with her husband. Nang makita niya ako ay lumapit siya sa akin para pumuwesto sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Kunot ang noo na tinignan niya ang malapit ng maging bundok ko na nilamukos na tissue sa harapan ko. Inangat niya ang kamay niya at idinikit niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "Anong nangyari sa'yo?"

"Minalas." Minalas dahil sa fallen angel na 'yon na pinadala rito sa lupa para bigyan ako ng sama ng loob. "I'm fine. It's just a cold. Sa iba ka na umupo, buntis. Baka mahawa ka pa sa akin."

"Sa ating dalawa mas matibay ang immune system ko."

Ako kasi talaga ang sakitin sa aming dalawa. Siguro dahil na rin sa lagi lang akong nakakulong habang siya ay naaarawan pa paminsan-minsan. We're twins but we're also very different.

BHO CAMP #10: The Wild CardWhere stories live. Discover now