Chapter 23: Our Own Hi And Hello

278 11 0
                                    

Samantha's POV

After hours long of travel I finally got to and feel the sand of Palawan.

"Mama!"
"Lola!"

Sabay naming sigaw ng anak ko. Sinalubong naman siya ng yakap ni mama at tawa lang ang ibinigay sa akin nito. Grabe parang hindi pamilya.

"Kamusta ang byahe, anak? Namiss ko ang apo ko. Ililibot kita mamaya." Nagtanong si mama ngunit parang sobrang busy niya naman makipag usap sa anak ko.

Hindi ko na lamang ito pinansin at sinimulan ko ng buhatin ang mga gamit namin. Halos si mama na kasi ang nagpalaki kay Shanaia kaya sobrang close silang dalawa.

" Ma, ayusin ko lang gamit namin sa taas." tumango lang ito at saka ulit binalik ang attention sa pakikinig kay Shanaia. Yung batang yon talaga hindi nauubusan ng kwento.

Nang makarating na ako sa kwarto namin bigla ko na naman naalala si Alyssa. Dito ang kwarto namin tuwing umuuwi kami dito.

Binuksan ko amg cabinet at nandito pa din ang mga ibang damit niya.

"Bumili ba si mama ng damit ni Ly? Bakit parang dumami?" hindi ko na lang ito pinansin dahil pagod din ako sa byahe.

Pagkatapos ko ayusin lahat ng gamit namin. Ay saglit akong umidlip hanggang sa gisingin ako ni Shai para maghapunan.

"Mom dinner's waiting wake up" sabi nito habang niyayakap ako. My sweet baby.

"Yes love. What's for dinner baby?"

"I don't know what it's called but I tried and tested them." she showed me a 2 thumbs up na ikinatawa ko naman. I'm sure silang dalawa ni mama ang nagluto.

Pababa na kami ng binuhat ko si Shai. "Ahh my baby's growing fast. Can you just be my baby forever?" paglalambing ko dito habang pababa kami ng hagdan. Tumawa lang ito saka umuling with hand signals.

Nang makarating kami sa kusina may kausap sa phone si mama habang nag aayos ng plates sa lamesa.

" Ineng umuwi ka bukas ha magluluto ako ng paborito mo."

"Kamusta naman ang bahay? Nako dadalaw ako jan sa susunod na linggo basta pumarito ka bukas. Oh sige ingat ka ha."

Nang mapansin kami ni mama ay tinawag na kami nito at pinaupo. Hindi ko na lang tinanong kung sino yon dahil nakikinig ako sa hindi maubos na kwento ng anak ko.

Kinabukasan

Tangghali na at busy si mama sa kusina nangungulit naman si Shai na maglaro sa labas kaya nakabihis kami balak din kasi namin maligo sa dagat.

"Ma alis po muna kami ni Shai."

"Samantha bumalik agad. Mag-iingat kayo."

Sigaw ni mama mula sa kusina.

Umalis na kami. Makalipas ang isa at kalahating oras napagdesisyunan namin ni Shai na bumalik na dahil gutom na daw siya.

Hindi na kami nagbihis nakabikini pa din ako at cover up ng pumasok kami sa dirty kitchen para kulitin si mama.

"Tita kumukulo na po ito po bang gata ang ilalagay na next?" sabi ng isang familiar na figura. Mula sa tindig at pananalita kilalang kilala ko ang tao na to.

"Mama?" tawag ni Shai dito. Tila napahinto naman ito sa ginagawa at humarap sa amin.

"Baby ko!" Sigaw ni Ly bago lumuhod at yakapin si Shai.

Tinitigan ko lamang sila. Hindi ko alam ang mararamdaman. Anong ginagawa niya dito? Sinadya niya ba talagang iwan kami?

Binaling niya ang attention niya sa akin ng hindi niya mabasa ang expression ko ay lumapit ito para yakapin ako. Hindi ako gumalaw or gumanti ng yakap.

Bumulong lang si Ly bago ito bumitaw ng yakap.

"I miss you. Change your clothes please. I'll explain everything."

Bumalik na ito sa pagluluto pati si mama ay nataranta. Wala ako sa mood magalit or magtanong kaya umakyat na lang ako para magpalit ng damit.

The Sound of WavesWhere stories live. Discover now