Chapter 22: Space

Magsimula sa umpisa
                                    

"Go straight to the point. Bago pa dumilim ang paningin ko sayo." Banta ko na mukhang tinablan naman sya sa takot.

"Tsk! Whatever. Here, you're invited." Inabot niya sakin ang isang invitation card. I stared at it.

She wants me to be the groom's best man? Well, talk about great oppurtunity nga naman.

"Kailan ang kasal?" Tanong ko.

"It will be next week, honey." Good timing. I mentally smirked at myself.

"Ok."

Hindi naman na sya nag tagal sa loob ng silid saka lumabas na at nag paalam. Tinaguan ko lang ito ng hindi tumitingin sa kanya.

I just closed my eyes and tried to relax but I can't. Napupuno ang isip ko ng mukha ni Arah.

God. I missed her.

Hindi ko na kinaya at lumabas na ako. Pero hindi ko inaasahan ang taong bubungad saking harapan.

She's here. She looks so tired and drained but still beautiful. Napansin ko din ang namumula nyang mga mata. I clenched my fists. Hindi ako manhid para hindi malamang ako ang may dahilan nyan.

I wanted to hug her. To kiss her. But I can't. Hindi pa pwede.

"What are you doing here?" Sinubukan kong magmukhang kalmado at malamig sa harap nya kahit na halos mabasag ang boses ko ng sambitin ang katagang 'to.

She's not expecting it.

"Congratulations, Dave." Inabot nya sakin ang dalang cake at saka ako nginitian habang umiiyak.

I can't stand it anymore. Yayakapin ko na sana ito ng unahan nya ako. She hugged me tightly. Na para bang ayaw nya akong pakawalan at bitawan.

At gustong gusto ko din syang yakapin pabalik.

"I...." I waited to whatever she wanted to say.

"I should leave. Congratulations ulit. Enjoy your day." Tumalikod na sya saka ako iniwan. Gusto ko syang habulin. Gusto ko syang yakapin ulit at halikan but hindi ko magawa. Dahil alam kong nanonood sila.

At ayaw kong madamay si Arah sa mga nangyayari.

But I guess that was also one of the biggest mistakes I did.

Nakulong nga ang ama ni Kate, hindi na nga  natuloy ang kasal ni Kate, kapalit naman nun ay ang hindi ko na pagkakakita kay Arah.

After I've settled everything with dad sa mga Lims, hinanap ko sya. Pinuntahan ko sya sa bahay nila pero naka lipat na daw ang mga ito. I tried looking for her sa facebook but I can't find her.

I tried calling Jake para mag patulong but hindi nya ako pinapansin as well as his girlfriend and Arah's friend.

Kaya ngayon lakas loob na akong pumunta sa kanila sa personal. Kinapalan ko na ang mukha ko.

"Just go Dave. Fix yourself. I won't help you. I am still mad at you. Kaya hindi kita tutulungan. Umalis ka na lang. Kalimutan mo na sya. She doesn't deserve you or your love..." Isasarado na sana nito ang gate ng may tumawag sa kanya.

Napa iyak na lang ako. Wala na kong pake kung pagtinginan o pag usapan ako ng mga tao. Sabihin na nilang bakla ako o ano man. Wala na akong pakialam.

"Dave...?" Kahit na umiiyak ay hinarap ko pa rin ang tumawag ng pangalan ko. It was Dina... with Jake.

Mukhang hindi naman nila inaasahan ang madadatnan nila kaya gulat silang tumingin sakin. Matapos non hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, basta ang huli kong natatandaan ay ang pagtama ng kung ano mang matigas na bagay sa mukha ko saka ako nawalan ng malay.

Keeping You Forever✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon