Chapter 7 : ikapito na pinili(kidlat)

91 10 1
                                    

Alexis pov:

Nandito ako ngayon sa secret ligt house ko dahil dito ko inilalabas ang mga hinanakit ko sa ibang tao, epektibo naman siya kahit papano dahil naiibsan ang inis na nararamdaman ko sa aking puso.

Mabuti nalang naabutan ko pa ang sunset bago ito lumubog, ang ganda kasing pagmamasdan ang sunset kapag palubog na ito dahil nagpapaklama ito sa akin tuwing sobra na ang galit ko na nararamdaman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mabuti nalang naabutan ko pa ang sunset bago ito lumubog, ang ganda kasing pagmamasdan ang sunset kapag palubog na ito dahil nagpapaklama ito sa akin tuwing sobra na ang galit ko na nararamdaman.

Alam niyo ba na hindi alam ng mga magulang ko na may ganito akong light house dahil hindi ko ito pinaalam sa kanila pati narin sa kapatid ko na si alexander.

Huwag na kayong nagtaka kung paano ko ito napagawa dahil mayaman ang pamilya namin kaya walang impossible sa aming mayayaman na makapag pagawa ng ganitong klaseng light house.

Sorry kung hindi ako kaagad nakapag pakilala sa inyo, Ako nga pala si Alexis Lee labing anim na taong gulang, nag-iisang anak ng mga lee. Nagtataka siguro kayo kung bakit nag-iisang anak lang ng mga LEE kung kapatid ko naman si Alexander.

Ganito kasi yun, hindi alam ni Alexander na adopted child lang siya nina mom and dad. Ayaw kasing mawala ni mommy and daddy si alexander kapag nalaman ni kuya na hindi siya totoong anak ni mom.

Hindi itinuturing ni mom and dad na iba si alexander dahil kung ano man ang gustohin ni kuya ay ibinibigay nila kaagad ito na walang pag aalinlangan.

Para ngang mas mahal nila si alexander kaysa saakin eh, pero hindi naman ako nagseselos sa pagiging close nila dahil si kuya ang siyang mamamahala ng lahat ng mga business namin dahil siya ang mas nakakatanda sa aming dalawa.

Wala akong naramdaman na selos kay kuya alexander nong sabihin ni dad na si kuya ang papalit sa pwesto niya kapag tumanda na siya, mas mabuti nga na si kuya ang pinili kaysa sa akin dahil hindi naman ako hilig sa mga business hindi katulad kay kuya na mahilig sa mga negosyo.

Habang nakahiga ako sa itaas ng light house ko ay bigla nalang kumulog ng napaka lakas, dahil sa malakas na kulog na yun ay napatayo ako sa aking pagkakahiga. Ngayon lang kasi nangyari na kumulog na napaka lakas, simula kasi ng ipatayo ko ang light house na ito ay hindi pa ako nakaranas na makarinig ng napakalas na kulog.

Ng tingnan ko ang kalangitan ay nagimbal ako sa aking nakita dahil parang may sariling buhay ang mga kidlat na papunta ngayon sa light house ko.

Ng tingnan ko ang kalangitan ay nagimbal ako sa aking nakita dahil parang may sariling buhay ang mga kidlat na papunta ngayon sa light house ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Where stories live. Discover now