chapter 9 : Pagkabuo ng mga simbolo

78 4 0
                                    

Yui pov:

Binalikan ko si yna sa kaniyang kwarto subalit hindi kuna siya naabutan, saan kaya nagpunta ng babaeng yun?. Masyado ng gabe para umalis pa siya. Napakatigas talaga ng ulo ng kapatid ko.

Dahil hindi kuna naabutan si yna sa kaniyang kwarto ay nagpasya akong matulog nalang, alam ko naman na si alexander ang kaniyang kasama kaya siya wala  rito.

The next morning

Yui pov:

Malapit na tayong magkita anak..

Nagasing ako dahil sa aking panaginip, sino kaya ang tinatawag niyang anak?. Bakit parang pamilyar ang kaniyang mukha.

Yui anak...wika ni yaya flora sa labas ng kwarto ko

Bumalik lang ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni yaya flora. Kaagad ko namang binukaan ang ang aking pintuan upang siya ay maka pasok sa aking silid.

May sasabihin po ba kayo yaya flora?...wika ko

Oo anak, tinawagan ko narin ang mga kaibigan mo para sabay-sabay niyong malaman ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao niyo...wika niya

Hindi po kita maintindihan yaya flora..naguguluhang wika ko

Sumunod ka nalang sa akin sa baba para masagot ang mga bumabagabag sa iyong isipan...wika ni yaya flora sabay labas sa aking kwarto.

Kaagad naman akong sumunod sa kaniyang pag lakad, gusto kung malaman kung ano ang ibig niyang sabihin tungkol sa totoo kung pagkatao. Ampon lang ba ako nina mom at dad.

Yui, mabuti naman at gising kana. Kanina kapa namin inaanatay na magising....wika ni celestina pagkalapit ko sakanila

Ngumiti lang ako sakaniyang sinabi. Tiyaka umupo katabi sa kanila ng kaniyang kapatid na si Cristina.

Dahil kompleto na kayo sasabihin kuna sainyo ang totoong dahilan kung bakit ko kayo pinatawag lahat.

Kayong lahat ay hindi nabibilang sa mundo ng mga tao, dahil kayong walo ay taga magic world kung saan lahat ng imposible ay posible.

Sa tingin niyo po ba maniniwala ako sainyo yaya flora?...naiinis na wika ni yna

Nasa sainyo na iyon kung maniniwala kayo o hindi. Ang saakin lang ay masabi ko sainyo kung ano ba talaga ang totoong pagkatao niyo...wika ni yaya flora

Kailangan muna namin ng patunay na makapag sasabi na totoo lahat ng sinasabi mo...wika ni jasper

Tignan niyo ang kanang braso niyo, makikita niyo ang mga simbolo na hanging, lupa, appy, tubig, kidlat, yelo, dilim at ang huli ay liwanag...wika ni yaya flora

Kaagad naman naming tiningnan ang aming kanang balikat upang malaman kung totoo ang sinasabi ni yaya flora. Halos malaglag ang aking panga ng makita kung may simbolo nga ako sa aking kanang balikat. Tiningnan korin ang iba kung kasamahan. Katulad ko ay nagulat din sila.

Omg i have a water symbol..sigaw na wika ni celestina

Yaya flora ano po ang ibig sabihin ng mga simbolong ito?...wika ko

Ang simbolong iyan ang nagsisilbing taga hanap ng bagong mangangalaga sa kanila. Bawata simbolo ay may ibat-ibang klase ng kapangyarihan subalit mayroong dalawa ang higit na mas makapangyarihan at ito ay ang liwanag at dilim na simbolo...wika ni Yaya flora

Sino ang may hawak ng liwanag at dilim na simbolo?...wika ni yna

Mahal nasa akin ang dilim na simbolo...wika ni alexander

How about the light symbol?...wika naman ni Dexter.

Gusto ko sanang sabihin na ako ang may hawak ng liwanag subalit parang may pumipigil saakin na wag sabihin sa kanila. Kaya nag pasya akong itikom nalang ang aking bibig.

Walang gustong mag sabi sainyong walo, kaya ako nalang ang titingin sa mga balikat niyo...wika ni Yaya flora

Nakaramdam ako ng isang maitim na awra sa katauhan ni yaya flora. Kaya kaagad akong nag isip ng plano upang makalabas ng bahay namin.

Guiz hindi siya yaya flora, tumakbo na tayo paalis ng bahay namin bago pa tayo mapahamak...wika ko, gusto pa sana nilang mag tanong ay hindi na nila pang magawang matapos ito dahil bigla nalang naging isang maitim na octapus si Yaya flora.

Gulat na gulat kaming lahat dahil sa nangyari kay yaya flora. Hindi ko narin maigalaw ang aking paa dahil sa kaba na dulot ni yaya flora. Ngayon lang ako naka kita ng ganito. Parang gustong kumawala ang aking puso dahil sa takot na aking nararamdaman ngayon.

Aatake na si yaya flora sa amin gamit ang kaniyang mahahabang galamay, ilang dangkal nalang ang layo ng kaniyang galamay sa saaming walo para kami ay matamaan nito. Sigurado ako na ang kapag mataman kami nito ay mababali lahat ng mga buto namin sa katawan.

Pero bago paman ito maka abot saamin ay bigla itong  lumihis ng deriksyon. Lahat ng malapit na bahay saamin ay nagka piraso-piraso dahil malakas na atake na dulot ni yaya flora.

Akala ko mamamatay na tayo don...wika ni dexter na ngayon ay nasa himpapawid na.

Nagulat ulit kami dahil sa aming nasaksihan. Papaanong nakaka lipad si dexter?. Manananggal ba siya? Pero hindi naman putol ang kaniyang katawan so hindi siya manananggal.

Tiyaka na kayo magulat kapag natalo na natin si yaya flora...wika ni dexter

Di naman alam kung paano kami makakatulong saiyo...wika ni alexis

Wala kaming super powers noh, para makatulong saiyo. Pero teka lang bakit ka nakaka lipad?....wika ni cristina

Ako ang may hawak ng simbolo ng hanging kaya ako nakak lipad...wika ni dexter

So ibig sabihin totoo talaga ang sinasabi ni yaya flora kanina?...wika ni celestina

Yup, at isa pa may kapangyarihan din kayo kaya wag kayong tumunganga lang diyan. Magtulung-tulung tayo para puksaun ang octapus na yun...wika ni dexter

Pero hindi namin alam kung paano ito papalabasin....wika yna

ipikit niyo ang dalawang mata niyo at mag concentrate lang kayo kapag may naramdaman kayong may dumadaloy sa inyong mga kamay ay hayaan niyo itong palabasin....wika ni dexter

Sinunod namin ang kaniyang sinabi, ilang segundo lang ang aking hinintay bago ko maramdaman ang isang kulay puting liwanag. Hinayaan ko itong dumaloy hanggang sa maounta ito sa dalawa kung kamay. Ng masiguro ko na naka labas na ang liwanag na yun ay idinulat kuna ang dalawang mata ko. Halos malaglag ulit ang panga ko ng magawa ko ito. Tumingin naman ako sa ibang kasamahan ko, may ibat-ibang kulay na lumalabas sa aming mga kamay.

Alexander - kulay itim ang liwanag na dumadaloy sa kaniyang kamay

Cristina - kulay brown naman ang dumadaloy sa kaniyang kamay

Celestina - kulay berde naman ang dumadaloy sa kaniyang kamay

Yna - kulay asul naman ang dumadaloy sa kaniyang kamay

Japser - kulay pula naman ang dumadaloy sa kaniyang kamay

Alexis - kulay dilaw naman ang dumadaloy sa kaniyang kamay

Dexter - kulay grey naman ang dumadaloy sa kaniyang kamay

Isipin niyo naman na ibabato niyo ang mga liwanag sa octapus...wika ni dexter

Ginawa naman namin ang kaniyang sinabi, ilang saglit lang ay sumisigaw na ang octapus dahil sa sakita na natamo niya sa aming atake at makaraan ng ilang minuto ay unti-unti itong naging abo.

Ng mawala na ang octapus ay nakaramdam naman kami ng hilo. Ang everything went black.....


Vote and comment ❤️

MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Where stories live. Discover now