Chapter 1 : simula

252 10 0
                                    

Yui pov

Yui hindi muna namin kayo maihahatid sa paaralan niyo dahil may emergency sa kompanya natin. Kailangan kami ng daddy niyo sa kompanya natin sa Paris. So ibig sabihin ilang buwan din kaming mawawala sa bahay. Wag kayong mag-alala dahil nandito naman ang mga Yaya natin upang tulungan kayo dito sa Bahay. Nandito din si mang berting na magsisilbing driver pan samantala....mahabang wika ni mommy saakin

Okay po mommy...nakangiting wika ko

Nasaan na si yna?...wika ni mom

Nasa kwarto pa po siya mommy...wika ko

Yna, bumaba kana diyan dahil baka malate pa kayo ng kuya mo sa school...sigaw na wika mom

Bababa napo mommy..wika ni yna sa itaas.

Yui paano ba yan mauuna na kami ng daddy niyo dahil baka malate pa kami sa flight namin papuntang paris. Btw anak pupunta dito ang fiance mo upang samahan din kayo ng Kapatid mo habang wala kami... Wika ni mom sabay lakad palabas ng pintuan

Hindi na ako naka angal pa sa huling sinabi ni mommy na pupunta ang fiance ko dito upang samahan kami ng kambal ko. Btw guiz, ako nga pala si Yui Alleh isang bakla, labing limang taong gulang. Galing ako sa mayaman na pamilya. May fiance na din ako dahil noong mga kabataan pa nina mommy ay nakapag sunduan na nila ng kaniyang kaibigan na ang kanilang magiging panganay ay dapat magpakasal sa isat-isa. Mapa babae man ito o lalaki.

Alexander Lee ang pangalan ng fiance ko, kung nagtatanong kayo kung nagkita naba kami? Oo palagi kaming nagkikita dahil iisa lang ang aming paaralan na pinapasukan. Ideal guy ko sana siya ang kaso nga lang masyadong babaero kay it's a no for me. Sinubukan ko naring mapalapit sa kaniya ang kaso nga lang siya mismo ang gumagawa ng paraan upang hindi kami makapag usap.

Sa totoo lang unang kita ko palang sakaniya ay nahulog na ako kaagad sakaniya, kaya gumawa ako ng paraan upang mapa ibig din siya saakin ang kaso nga lang kung hindi pamamahiya ang aabutin ko sakaniya ay sasapakin ako. Hindi lang babaero ang fiance ko kung di violente din. Kaya gumagawa niya ang lahat ng yun saakin ay dahil may iba siyang gusto at ang mas masakit pa don ay ang kambal ko. Masakit man ay tinanggap ko nalang, sino ba naman kasi ang magkaka gusto saakin bukod sa maliit na tao ako ay sobrang pangit ko din. Actually disguise ko lang ito upang hindi ako makakuha ng attention ng mga tao.

Ang totoo kung itsura ay mala diyosa ang aking ganda dahil mayroon akong perfect face na aakalain mo talaga na Hindi ako tao. I have a small face, yellow hair, yellow eyebrows, yellow eyes, pointed nose, pink lips and white skin. Sina daddy, mommy at kambal lang ang may alam sa totoo kung ayos dahil sila lang naman ang nakaka intindi saakin kung bakit ko ito ginagawa. Btw, mag iba kami ng kulay ng mata ni yna dahil yung sakaniya ay kulay brown. Sabi ni mommy nakuha ko daw ang kulay ng aking mata sa aming Lola samantala yung kay yna ay kay daddy.

Kuya kanina pa kita kinaka usap hindi ka naman nakikinig...wika ni yna

Hindi ko namalayan na nandito na pala sa baba si yna, ang daldal ko kasi yun tuloy hindi ko namalayan ang pagdating niya.

Sorry may iniisip lang..wika ko

Nasaan pala sina daddy at mommy?...wika ni yna

Nandoon sila sa paris dahil nagka problema daw ang isa nating kompanya doon, kaya pumunta sila doon. At sabi pa ni mommy na ilang buwan daw sila mawawala dahil malaki daw ang problema sa kompanya....wika ko

Okay lang, sanay naman ako na palaging wala sila...malungkot na wika ni yna

Yna ginagawa lang nila yun para saatin, para sa future natin...wika ko sakaniya

I don't need money, I need the care and love of parents...wika niya

Magsasalita pa sana ako ng bigla nalang nag ring ang doorbell namin sa pintuan. Kaagad ko naman itong binuksan. Bumungad saakin ang sobrang gwapo na si Alexander kasama ang kaniyang kambal na si Alexis.

Good morning sainyong dalawa.. nakangiting wika ko pero kaagad din itong napawi dahil sa sagot ni Alexander

Hindi maganda ang umaga ko ngayon dahil ikaw ang una kung nakita...wika ni Alexander sabay lagpas sa aking kinatatayuan.

Sorry sa inasal ng kuya ko ha? Tara pasok na tayo.. nakangiting wika ni Alexis saakin.

Mabuti pa si Alexis sobrang bait saakin hindi katulad ng kuya na sobrang pangit ng pag-uugali.

Kumain na ba kayo?. Wika ko kay Alexis habang naglalakad kami pabalik sa dinning area.

Hindi pa ngae eh, pagkatapos kasi naming maligo ay kaagad kaming pinapunta ni mommy at daddy dito dahil wala daw kasi kayong kasama ngayon...wika ni Alexis

Mabuti naman kung ganon, kakain palang kasi kami ni yna...Hindi ko natuloy ang aking sasabihin na makita ko kung paano maghalikan sina yna at Alexander sa harap namin mismo. Parang pinipiga ang puso ko sa aking nagkikita ngayon. Kahit alam kung walang pag-asa na maging kami ay nagdadasal parin ako na mahalin ako pabalik ni Alexander. Pero sa nakikita ko ngayon m, sigurado na ako na walang patutunguhan ang aking pagiging martir para sakaniya.

Ngayong araw ay ipapangako ko sa aking sarili na kakalimutan ko na Ang aking nararamdaman para Kay Alexander.

Wag kang tumingin sakanila Yui, mas lalo kalang masasaktan..wika ni Alexis saakin.

Kuya Alexander tama na yan, hindi kaba nahihiya sa fiance mo? Sa harapan pa niya talaga kayong naghahalikan?...naiinis na wika ni Alexis

Alexis hayaan muna sila, tanggap kuna na wala talaga akong pag-asa sa kuya mo... nakangiting wika ko sakaniya

Hindi ako naiinis sa kapatid ko dahil siya ang gusto ng taong mahal ko, bagkus butong-buto pa ako para sakanilang dalawa dahil perfect match sila para sa isat-isa.

Tara kumain muna tayo bago tayo pumunta sa school... nakangiting wika ko sakanila. Kaagad akong umupo sa upuan at sinumulang kumain. Habang kumain kami ay walang may gustong magsalita sa aming apat, kaya binilisan ko nalang ang aking pagkain dahil masyadong awkward dito. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush na ako tiyaka lumabas narin. Sa kotse nalang ako maghihintay sa kanila.

MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin