chapter 8 : ikawalo na pinili(yelo)

84 5 1
                                    

Yna pov:

Dahil sa nangyari kanina nagkaroon na tuloy ako ng dahilan upang magalit sa kambal ko, kung hindi dahil sakaniya matutuloy na sana ang outing naming magkakaibigan. Pero dahil isa siyang malaking epal ay hindi na natuloy.

Nong una pa talaga ayaw na ayaw kuna sakaniya dahil nong mga bata pa kami na sakaniya na ang lahat ng atensiyon nina mommy at daddy. Samantala ako hindi manlang nilang binibigyan ng kaunting pansin dahil nakatuon lang sila palagi sa kapatid ko na bakla.

Hinding-hindi kita mapapatawad sa mga nagawa mo saakin.

Aaaahhhhh..malakas na sigaw ko bigla nalang akong nagulat ng magsilabasan ang mga yelo sa ibat-ibang deriksyon. Dahil sa takot ko ay lumabas ako sa aking silid upang humingi ng tulung sa aking kapatid pero bigla ko naalala na hindi pala kami ayos ngayon. Kaya nagpasya akong bumalik nalang para tingnan ulit kung totoo ba ang nakita ko kanina.

Pagbukas ko sa aking kwarto ay wala na akong makita na mga matutulis na yelo. Imahinasyon kulang yata ang nakita ko kanina, siguro dahil sa galit ko kanina kaya kung ano-ano ang nakikita ko.

Wag mong hayaan na lamunin ka ng galit mo yna....

Bigla akong kinalibutan sa aking narinig na boses, mas malamig pa yata ang boses na iyon kaysa sa yelo.

Show yourself, i'm not scared of you...nagtatapang-tapangan kong wika

Sigurado kaba diyan yna? Baka mahimatay ka kapag nakita mo ako..

Wag mong sabihin na isa kang multo?. Huwag ka nalang magpakita dahil baka ikaw pa ang maging dahilan ng maagang paglisan ko sa mundong ibabaw...wika ko habang kinakabahan

Hindi ako makapaniwala na isang tulad mulang ako mapupunta, isang babae na puno ng inggit at pagkamuhi sa kaniyang kambal.

Sino ka bakit mo alam ang tungkol sa pagkamuhi ko sa kambal ko?...wika ko

Hindi pa ito ang tamang oras at ang tamang panahon upang ako ay iyong makilala...

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang yun ay hindi kuna ulit narinig ang kaniyang tinig. Pero may isang ilaw naman ang biglang nagpakita saakin. Dahil sa takot ko ay tumakbo ako palabas ng kwarto ko, pero bago ko paman mabuksan ang pintuan ay naka lapit na saaking harapan ang liwanag. At ilang saglit lang ay dumikit ito sa aking kanang braso at everything went black...

Yui pov:

Ng dumaan ako sa kwarto ng kambal ko ay narinig ko na para siyang may kausap, kakatok na sana ako ng bigla nalang parang may bumagsak na kung ano sa loob ng kwarto ni yna. Dahil sa takot ko kung anong nangyari sakaniya at tinawag ko si Yaya flora na may hawak sa lahat ng susi sa bawat kwarto ng aming bahay. Ilang saglit lang ay dumating si Yaya flora.

May nangyari ba Yui?..wika ni Yaya flora pagkalapit saakin

Sa tingin ko po yaya flora mayron kasi nakarinig po ako ng pag bagsak ng kung ano sa loob ng silid ni yna...wika ko

Kaagad namang sinusuan ni Yaya flora ang pintuan ni yana, mabuti nalang palaging dala ni yaya flora ang mga susi. Pagbukas ni yaya flora ng pintuan ay kaagad naming itong itinulak subalit hindi namin maitulak ng maayos dahil parang may naka harang na kung ano sa pintuan.

Ginamit na namin ni yaya flora ang lakas naming dalawa subalit hindi parin ito mabuksan, nabuksan ng kunti ang pintuan kaya nagkaroon ako nang pagkakataon upang maka pasok sa loob mabuti nalang payat ako kaya nagkasya ako papasok sa loob ng kwarto ni yna.

Ng makapasok ako sa loob ay bumungad saaking paningin si yna na walang malay, kaya pala nahihirapan kaming makapasok dahil nakaharang siya sa pintuan. Pero anong nangyari sakaniya bakit nawalan siya ng malay.

Binuhat ko si yna papunta sa kaniyang kama upang maihiga ko siya ng maayos. Naka pasok narin si yaya flora dahil wala ng naka harang sa pintuan.

Anong nangyari kaya sa kambal mo yui?..nag-aalalang wika ni yaya flora

Wala din po akong maisip na dahilan kung bakit na walan siya ng malay yaya flora...wika ko

Hayaan nalang muna nating mag pahinga ang kapatid mo yui, halika bumaba lang muna tayo dahil nagluto ako ng paborito niyong ulam ni yna..aya saakin ni yaya flora

Kaagad namang nag iba ang timpla ko  sa narinig kay yaya flora, kung kanina ang lungkot ko dahil kay sa nangyari sa kapatid ko pero ngayon ay sobrang saya kuna dahil nagluto si yaya flora ng paborito naming ulam. Babalikan ko nalang mamaya si yna sigurado akong pagbalik ko ay gising na siya.

Yna pov:

Anong nangyari saakin bakit nandito ako sa kama ko?. Ang huling naalala ko ay may isang tinig akong naririnig at ang ibang nangyari bago ako maka tulog ay hindi kuna maalala. Kahit ano mang pilit kung alalahanin ang nangyari kanina ay sumasakit lang ang ulo ko.

Hindi kuna pinilit pang alalahanin ang nangyari kanina kaya nagpasya nalang akong maligo dahil ang lagkit-lagkit kuna.

Pagkatapos kung maligo ay kaagad akong nagbihis dahil may natanggap akong mensahe galing kay Alexander. Na miss yata ako ng mahal ko kaya gusto niyang makipag kita saakin ngayon.

Nakita ko pa si yui na masarap na kumakain sa dinning area kasama ang mga yaya namin. Hindi yata nila ako napansin dahil hindi manlang nila ako tinawag pero ayos na yun kaysa naman makipag plastikan sa kambal ko lalong lalo na sa mga yaya.

Pagkalabas ko sa aming mansyon ay kaagad kung nakita ang kulay pulang kotse ni alexander. Pagka bukas palang ng kotse niya ay kaagad ko siyang binigyan ng matamis na halik.

Hindi kopa sana gustong bumitaw sa halikan namin ngunit si Alexander na mismo ang tumigil sa aming halikan kaya wala akong nagawa kundi ang tumigil na rin.

Mahal gusto ko ng magkaroon ng anak...wika ko habang nagmamaneho si alexander sa kaniyang kotse.

Mahal gusto ko naring magkaroon ng sariling nating anak ngunit anong mapipapakain natin sakanila kapag lumabas na sila sa sinapupunan mo?....wika niya

Mayaman naman tayo mahal eh..wika ko

Bakit sigurado kabang hindi tayo papalayasin ng ating mga magulang kapag nalaman nilang buntis ka?. At isa pa mga bata pa tayo. Mag enjoy lang muna tayo sa pagiging dalaga at binata. Wag kang mag-alala mahal dahil ikaw lang ang nakikita kung magiging ina ng mga sumpling ko. Pero hindi pa ngayon sana maghintay ka kung kailan pwedi na...wika niya

Siguradohin mo lang mahal na ako ang aasawahin mo...wika ko

Pangako ko yan sayo mahal... nakangiting wika niya

Saan pala tayo pupunta?...wika ko

May dinner kasi kaming magka pamilya kaya naisipan ko na isama ka dahil hindi naman na magtatagal ay magiging asawa kana...wika niya

Nakaka tuwa lang na marinig ang mga ganiyang salita sa taong mahal mo..















Vote and comment ❤️

MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Where stories live. Discover now