chapter 11 : imbitasyon

77 4 0
                                    

Yui pov:

Nag eemapke ako ngayon upang umalis sa aming bahay dahil pakiramdam ko hindi ako ligtas dito lalo nat palaging nagpupunta si alexander sa aming bahay.

Mag-iiwan nalang ako ng sulat sa aking mga magulang para hindi sila mag-alala saakin.

Ng matapos na ako sa aking pag eempake ay kinuha ko naman ang isang sobre na naglalaman ng isang imbitasyon.

Natanggap ko ito kanina pagka gasing ko ng umaga, hindi ko alam kung sino ang naglagay nito sa kwarto ko at kung paano ito naka pasok sa aking kwarto gayong naka lock naman ito bago ako matulog.

Ang nakalagay pala sa sobre ay ito....

Dear: Yui

Iniimbitahan ka ng aming head masters na mag-aral sa aming paaralan na kung saan ang may kapangyarihan lang ang maaaring makapag-aral dito, wag kang mag-alala sapagkat libre na ang iyong pagkain, damit, at tirahan. Tanging sarili mo nalang ang iyong dadalhin pagpunta rito.

Paalala: may susundo lang sayo.

Ang pinaka maganda at sexy na sexretarya sa buong magic land na si faith Paralejo.


Kahit nagtataka man kung paano nila nalaman na may kapangyarihan ako ay isiniwalang bahala ko nalang ito, mas gugustuhin ko pang paniwalaan ang sulat na ito kaysa manatili sa aming bahay na alam kung hindi ako ligtas.

Gusto ko mang sabihin sa aking mga magulang ang masamang balak saakin ni alexander ay hindi ko magawa dahil alam kung hindi sila maniniwala saakin sapagkat babaliktaran lang ako ni yna sa aking mga magulang. Kaya nagpasya nalang akong sarilihin nalang ang aking problema.

Kahit naka lagay sa sulat na libre na ang lahat ay nagpasya parin ako na magdala ng mga damit at tiyaka pagkain baka kasi jinojike time lang ako ng nagpadala ng sulat atleast handa ako magugutom kapag biro lang ang nasa sulat.

Hinawakn kuna ang dalawang maleta ko, kung nagtataka kayo kung anong laman ng dalawang maleta ko ay sasabihin ko nalang para iwas stress sa kakaisip, ang laman ng isang maleta ay mga damit, short at tiyaka underwear ko habang ang laman naman ng isang maleta ay ang aking mga pagkain.

Hinawakan kuna ang dalawang maleta ko para maisama saaking pag labas sa aming bahay, mag iisip ulit ako na sana ay nasa labas na ako ng aming bahay habang naka pikit.

Pagdilat ko sa mga mata ko ay hindi ko parin maiwasan ang magulat kapag nagkakatotooo ang aking iniisip. Kahit pangalawang beses kunang nagawa ito ay nagugulat parin ako.

Luminga-linga ako sa left and right na daanan upang siguradohin na walang naka kita sa aking biglang pagsulpot dito sa labas ng gate ng aming bahay, baka pagkaguluhan pa ako kapag may nakakita sa ginawa ko.

Excuse me ikaw ba ang susunduin ko?...wika ng lalaking medyo may edad na sa aking harapan.

Nagulat nga ako ng bigla nalang itong pumarada sa pwesto, gusto ko sanang tumakbo baka kasi mga kidnapper pero nagpag isip-isip ko na baka may itatanong lang kaya pumarada sa pwesto ko.

Ako nga po...wika ko

Yui Alleh ba ang pangalan mo iha?...wika ng lalaki

Opo, pangalan ko po yan at apelyedo...wika ko

Kung ganon ay sumakay kana sa kotse na yan upang maihatid na kita sa paaralan na iyong papasukan... nakangiting wika niya

By the way po hindi po ako iha, iho po ako.... awkward na wika ko

MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Where stories live. Discover now