chapter 13 : ang mundo ng mahika

87 8 1
                                    

Celestina pov:

Mama/papa bakit kayo nandito?...wika ko.

May mahalaga kaming pag-uusapan ng mga Tita/Tito niyo mga anak...wika ni mama

Ano po ang pag-uusapan niyo?...wika ko

Tiyaka na naman sasabihin sainyo kapag dumating narin ang iba niyo pang mga Tito/Tita... nakangiting wika ni ina

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating narin ang ama/ina nina Dexter, Alexis, Alexander, dale jasper. Kasama din sila sa pagdating ng kanilang mga magulang. I wonder kung ano kaya ang pag-uusapan nila mama/papa. Kung bakit nandito din ang mga magulang ng aking mga kaibigan.

Mabuti naman at dumating na kayo.. panimulang wika ni tito samuel.

Halinat pumunta tayo sa dinning area namin para doon tayo mag-usap-ussp..wika naman ni tita Caroline.

Kaagad kaming naglakad patungo sa kanilang dinning area, nauuna saamin ang aming mga magulang habang kami ng mga kaibigan ko ay nasa hulihan.

Ng makarating na kami ng dinning area ay kaagad ng nagsalita si tito samuel.

Magpakilala muna kayong lahat saakin..wika ni tito samuel

Tumayo ang ama at ina ni dexter sa kanilang upuan. Ang aking pangalan ay si Carmela at itong asawa ko ay joseph kami ang Reyna at hari ng kingdom of peace.

Wait! What? Hari at Reyna ng kingdom of peace, nagbibiro ba sila Tito at Tita?.. naguguluhang wika ko sa aking isipan. Sumunod namang tumayo ang magulang ni jasper.

Ako naman si Cassey at itong asawa ko ay Rommel at kami ang hari ng kingdom of  loyalty.. nakangiting wika ng ina ni dexter

Sumunod naman ang magulang namin. Ako naman si haliya at ang pangalan ng asawa ko ay si hector kami ang hari at Reyna ng kingdom of kindness... nakangiting wika ni ina

Omg, isa akong prinsesa? Pero paano bakit hindi nila sinabi saakin na isa akong prinsesa?

Ako si Tracey at ang aking asawa ay si travis kami naman ang hari ng kingdom of justice..wika ng ina ni alexander

Nasaan ang hari at reyna ng kingdom of selfess at ang hari at Reyna ng kingdom of balance?..nagtatakang wika ni tito samuel

Hindi rin namin alam kung nasaan ang mga Reyna/hari ng dalawang kaharian...wika ni tito Travis

Wag na natin silang hanapin dahil mas importante ang kaligtasan ng ating mga anak..wika ni tito Rommel

Sumasang-ayon ako sa sinabi ni pareng rommel, sigurado naman akong nasa mabuti silang kalagayan lalo nat sila ang una at ikatlong pinaka malakas na kaharian....wika ni tito hector

Bago tayo nagsimula sa ating pag-uusapan, magpapakilala muna kami. Ang aking pangalan ay si Samuel at itong magandang asawa ko ay si Caroline kami ang Reyna/Hari ng kingdom of braveness...wika ni tito samuel

Ako na ang magpapa liwanag sa ating mga anak...wika naman ni tita Caroline, nakita niya siguro sa aming mga mata ang pagkalito sa kanilang pinag-uuspan. Hindi kayo nabibilang sa mundong ito mga bata dahil ang totoong mundo natin ay mayroong kapangyarihan na hindi nag eexist dito sa mortal world. Anak kayo ng mga Reyna/ Hari ng ibat-ibang kaharian sa madaling salita isa kayong mga prinsipe at prinsesa sa ibat-ibang kaharian... nakangiting wika ni tita Caroline or should i say queen caroline.

Hindi lang tayo basta-bastang may dugong bughaw dahil ang ating kaharian ay siyang pinaka malakas sa buong kaharian.

May iba pang kaharain subalit ang kanilang kaharian ay hindi pinaka sentro sa lahat ng kaharian sa magic world. Hindi kagaya ng kaharian natin na siyang pinaka sentro sa buong magic world...wika ulit ni tita

MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Kde žijí příběhy. Začni objevovat