chapter 10 : ang katotohanan

81 4 0
                                    

Someone pov:

Muling magkakaroon ng digmaan, bagong hinirang ang siyang kailangan.
Mga hinirang na pupuksa sa kasamaaan.

Hanapin ang bagong hinirang na sa gayon digmaan ay mapagtagumpayan, wag hayaan na mapa sakamay ng kasamaan kung ayaw niyong magdusa magpakailanman..

Anong gagawin natin mahal...wika ng ginang sa kaniyang asawa

Kailangan nating ipaalam sa headmaster ang pnagitain mo ng sa ganon ay mahanap na natin ang dapat hanapin...wika ng kaniyang asawa

Subalit mahal, alam mong hindi sila naniniwala saatin dahil akala nila ay mga baliw tayo...wika niya

Wala na tayong magagawa kundi ang umasa sa himala...wika ng asawa

Klier pov:

Kuya sinabi saakin ng guardian ni mama na buo na daw ang bagong mangangalaga ng mga elemento... malungkot na wika ko

Hayaan na natin klier, may dahilan kung bakit hindi tayo napili ng mga simbolo...wika ni kuya Kyle

Oo nga bunso, malay mo saatin naman mapupunta ang iba pang simbolo...wika naman ni kuya William

I agree klier, kaya wag kang mag isip ng kung ano dahil lang hindi tayo napili ngayon ng simbolo ng mga elemento...wika naman ni kuya kier

Sana nga mga kuya tayo naman ang piliin ng ibang simbolo... nakangiting wika ko.

Yan ang bunso namin... nakangiting wika ni kyle

Tara na pumunta na tayo sa magic school ng sa gayon ay makapag pa enroll na tayo... excited na wika ni kuya kier

Kung hindi lang kita kilala baka natuwa ako sa sinabi mo, pero kilalang-kilala na kita kier. Babae lang naman ang habol mo sa magic school kaya ka excited na pumunta doon...pambabarang wika ni kuya William

Nag bago na ako William....wika ni kuya kier

Oo nagbago ka nga pero mas lumala ang pagiging babaero mo..wika ni kuya William

Hindi ako babaero, KUSA silang lumalapit saakin. Syempre lalaki lang ako tinatablan ng libog...wika ni kuya kier

Tumahimik na nga kayong dalawa, lalo kana kier. Hindi maganda yang ginagawa mo, kapag yan nalaman ni mama sigurado akong bibigyan ka ng matinding sermon...wika naman ni kuya Kyle

Ok fine, hindi na ako mangbabae...wika ni kier.

Tara na pumunta na tayo sa magic school...wika ni kuya Kyle

Yui pov:

Pagmulat ko sa dalawang mata ko ay bumungad saakin ang kulay puting sailing. Anong nangyari bakit parang nasa hospital ako?...wika ko sa aking isipan

Mabuti naman at gising kana..wika ni dexter

Nasaan ako at anong nangyari saakin bakit narito ako sa hospital.. naguguluhang wika ko

Hindi mo ba naalala na nakipag laban tayo sa malaking octapus?...wika ni dexter

Umiling ako na tanda na wala akong naalala na ganon.

Siguro dahil nag aadjust pa ang utak mo kaya hindi mo matandaan ang nangyari bago ka mawalan ng malay..wika ni dexter

Siguro nga, pero pwedi bang ikwento mo nalang ang buong pangyayari bago ako mawalan ng malay?..wika ko

Tinipon tayo ng yaya flora niyo para sabihin saatin ang totoong pagkatao natin subalit, ng sabihin na niya ang tungkol sa mga simbolo ay diyan na nagsimula ang labanan sa pagitan natin at ni yaya flora. Ikaw kaagad ang naka pansin na hindi siya si yaya flora kaya binalaan mo kaming tumakbo palabas ng bahay niyo subalit huli na tayo dahil nakapag palit na ng anyo si yaya flora. Naging isa siyang malaking octapus.

Kahit hindi niyo pa alam gamitin ang inyong mga kapangyarihan ay nagawa parin nating talunin ang malaking octapus na yun pero pagkatapos ng laban ay nawalan kayo ng lama maliban lang saakin dahil gamay kuna ang aking kapangyarihan.... mahabang wika ni dexter

Hindi ako makapaniwala na totoo talagang nag eexist ang magic...namamanghang wika ko

Naalala muna?...wika ni dexter

Oo dexter... nakangiting wika ko

Sa katunayan nga niyan ay nagpanggap lang ako na walang maalala para masiguro ko na hindi lang ako na nanaginip sa aking mga natuklasan..namamanghang wika ko

Kumusta na ang iba nating mga kasama?.....nag-aalalang wika ko

Maayos na sila, sa katunayan nga niyan ay nasa mga bahay na sila upang ipaalam sa kanilang mga magulang ang nangyari kanina...wika ko

Mabuti naman kung ganon...malungkot na wika ko, nakaka lungkot lang na hindi manlang nila ako binisita dito. Kailan ba ako masasanay sa ganitong set-up?. Halos araw-araw naman na ganito ang kanilang pakikitungo saakin. Maliban lang kina Dexter, Cristina, Celestina, at alexis silang apat lang yata ang totoong nag mamahal saakin. Alam ko naman na walang paki sa akin ang kambal ko dahil hindi manlang niya ako binantayan habang hindi pa ako nagkakaroon ng malay. Mas mabuti pa ang ibang tao dahil may malasakit sa akin hindi katulad sa kambal ko na wala manlang paki saakin.

Ayos kalang ba yui?... nag-aalalang wika ni dexter

Oo naman, bakit mo pala naitanong?... nakangiting wika ko

Bigla ka nalang kasing naging tahimik..wika ni dexter

Ano kaba ayos lang ako, pwedi kanang umuwi sainyo dexter. Ayos na ako dito.. nakangiting wika ko

Sigurado kaba?.. nag-aalalang wika parin ni dexter

Oo naman, baka hinahanap kana rin nina tita at tito...wika ko

Itext mo nalang ako kung gusto mong ihatid kita sainyo...wika ni dexter

Oo sige..wika ko

Pagkalabas ni dexter ay humiga ako ulit sa aking kama, ilang saglit lang ay bigla nalang ulit ako napatayo ng may magsalita sa may bandang pinto, pagtingin ko dito ay bigla nalang akong nagulat ng mapag alaman ko na si alexander pala ito.

Wag mong bigyan ng kahulugan ang pagpunta ko dito dahil hindi yan ang ipinunta ko dito...panimulang wika ni alexander

Ano kailangan mo saakin alexander?... seryosong wika ko

Hindi kuna papatagalin ito, layuan mo ang mga kaibigan ko kung ayaw mong mamatay ng maaga. Minsan lang ako magbigay ng babala saiyo Yui, kaya makinig ka saakin para mabuhay kapa ng mas matagal...wika ni alexander

Sa tingin mo ba gagawin ko ang sinasabi mo?...matapang na wika ko

Palaban kana pala ngayon, dahil ba ito sa kapangyarihan mo? Sa tingin mo ba maililigtas ka ng kapangyarihan mo kapag ako ang kalaban mo?...naghahamong wika ni alexander

Bakit hindi natin subukan alexander ng magkaalaman na kung sino ba ang magwawagi saatin....wika ko

Black ball...wika ni alexander, bigla nalang may lumabas na itim na bola sa harapan ni alexander. At ng itulak na niyo ito sa aking pwesto ay hindi ako kaagad naka galaw dahil sa takot na aking nararamdaman. Ang nasa isip kulang ngayon habang naka pikit ay sana maglaho ako at mapunta sa aming bahay.

Ng maramdaman kung walang tumama saaking katawan ay iminulat kuna ang dalawang mata ko para tingnan kung bakit wala akong maramdaman na sakit sa aking katawan.

Halos kumuwala ang dalawang mata ko ng mapagtanto ko na nasa loob na ako ng aming bahay. Wala naring sira ng aming bahay dahil siguro kaagad itong ipinagawa ni yna pagka uwi niya galing sa hospital.

Maraming salamat at naka takas ako sa demonyong yun, pero anong gagawin ko kapag nagkita ulit kami?













Vote and comment ❤️




MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Where stories live. Discover now