chapter 6 : ikaanim na pinili (lupa)

85 6 1
                                    

Cristina pov:

Hindi ako makapaniwala na magagawa nilang pagsinungalinag kami para hindi namin malaman na wala naman talagang sakit si Yui, ayaw lang pala nilang sumama saamin si Yui.

Pagkapasok ko sa  bahay ay pumunta ako likuran namin dahil mayroon kaming garden doon, halaman, puno at ibat-ibang hayop ang siyang nagpapakalma saakin tuwing may problema ako at tiyaka kapag naiinis ako. Feel ko kasi kapag nakikita ko sila ay parang kinukuha nila ang mga negatibong nararamdaman ko.

Ng makarating na ako sa likuran ng bahay namin ay kaagad kung nakita ang mga ibat-ibang kulay ng mga bulaklak, feeling ko nawala kaagad ang inis ko kina yna at alexander dahil sa nakita ko ngayon.

Ng makarating na ako sa likuran ng bahay namin ay kaagad kung nakita ang mga ibat-ibang kulay ng mga bulaklak, feeling ko nawala kaagad ang inis ko kina yna at alexander dahil sa nakita ko ngayon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Lumapit ako sa nagkukumpulan na mga rosas dahil ito ang nangingibabaw sa lahat ng bulaklak, i love flowers but rosas is the best for me. Ang ganda kasi ng kulay ng rosas namin, kulay violet ito at tiyaka yung pinaka gitna ay pula. Nong una ko nga itong nakita nagtataka ako dahil hindi ko alam kung anong klaseng bulaklak ito pero nong tinanong ko si mom ang sabi niya ay isa itong rosas na bukod tangi dahil kaya daw nitong mag pagaling ng sakit at tiyaka sugat. Ang galing diba?.

Ang lawak talaga ng garden namin, pero kahit minsan ay hindi ako naka punta sa kakahuyan na malapit sa aming garden. Hindi kasi kami pinapayagan ni mom at dad na pumunta doon dahil sabi nila may mababangis daw na hayop ang naninirahan doon.

Pero ngayong araw ay susuwayin ko sina mom and dad, kuryos talaga kasi ako kung anong nasa loob ng kagubatan. Hindi naman ako mapapahamak sa gagawin ko diba?. At tiyaka para akong tinatawag ng kagubatan.

Naglakad na ako papunta sa kagubatan upang tingnan ang nasa loob nito, ng malapit na ako ay nakaramdam ako ng kaba dahil parang may nagmamasid saakin pero binalewala ko lang ito.

Ng nasa harapan na ako ng kagubatan ay kaagad akong pumasok, halos lumuwa ang dalawang mata ko sa aking nakita. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang kagubatang ito. Bakit parang napansin ko na wala namang mga hayop na mga mababangis na sinasabi saamin nina mom and dad. Niloloko lang yata nila kami para hindi kami pumunta dito.

 Niloloko lang yata nila kami para hindi kami pumunta dito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
MAGE ACADEMY : (THE CHOSENS)Where stories live. Discover now