Nilagyan ko ng limitasyon ang pagkakatiwalaan ko. Naglagay ako ng barrier na mahirap tibagin para hindi na nila ako masaktan pa. 

I don't wanna cry anymore. I don't wanna hurt anymore. Once is enough. That was fucking enough. 

Pero hindi ko alam kung bakit pagdating kay Anthony ay gusto ko siyang pagkatiwalaan. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Nalilito ako. Naguguluhan. 

Nangunot ang kaniyang noo pero kalaunan ay malliit na ngumiti, dahilan para maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Damn! 

"Of course, you can always count on me. You can trust me, Natasha."

His voice. There is something about his voice that I couldn't explain. Bakit parang pamilyar ang boses niya? 

Napalunok ako at para bang naputulan ako ng dila dahil hindi ako makapagsalita. 

Fuck! Ano bang nangyayari sa 'kin!?

**

A day after our conversation, pinuntahan ako ng doktor ko at sinabi na pwede na akong umuwi. Of course, I was so happy because I hate the smell of hospital. Amoy kemikal!

"Should I take you home?," he carefully asked me when we're inside his car. Nagpumilit siya na kailangan kong mag wheel chair dahil baka majhilo ako o matumba kapag naglakad ako. 

Siya rin naman ang nagtulak dahil nagpumilit rin siya. Hinayaan ko nalang siya  sa gusto niya. 

Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko si Gavriel. Nagawa ko  pang pagkumparahin ang dalawa sa isip ko. Pakiramdam ko tuloy ay ang sama ko dahil kinumpara ko pa silang dalawa!

"No, I don't want to go home yet," mahinang tugon ko sa kaniya. Biglang pumasok sa isip ko na pupunta nga pala kami ng Boracay pero hindi ako sigurado kung gusto niya pa bang tumuloy. Baka pagod siya. Baka inaantok o baka naman gusto nang umuwi. 

Rerespetuhin ko naman iyon. Si Gavriel kasi ay iisa lang ang sagot sa 'kin kapag nag aaya ako sa kaniya na maggala rito sa Pilipinas. Ewan ko ba, parang hinihila ako ng bawat lugar na makita ko. 

Masarap sa mata. Nakakarelax. Nakaka-engganyo. Nakakapag isip ako ng maayos at naaalis ang problema ko kahit pansamantala lang. 

"Pwede ba tayong magpunta sa next destination natin? I really want to see that place." May ngiti pa sa labi ko habang tinatanong ko siya. Ilang araw palang kaming magkasama, pero parang ang tagal na naming magkakilala. 

Lumingon siya sa 'kin at seryoso lang ang kaniyang mukha. Kinakabahan ako kasi baka ang isagot niya rin sa 'kin ay gaya ng parating sagot ni Gavriel tuwing nag aaya ako. 

"Gusto mo ba talagang magpunta roon?" Seryoso ang paraan ng tanong niya pero banayad. May pag iingat ang kaniyang tono ng kaniyang tinig. Maliit akong ngumiti bago tumango. "Kaya mo ba? Kakagaling lang natin sa ospital. Baka mapaano  ka."

Puno ng pag aalala at pag iingat ang bawat tanong na kaniyang binibitawan. Naghalo halo ang naramdaman ko at naipagkumpara na naman silang dalawa sa isip ko. 

Si Gavriel, ayaw niyang pumayag kapag nag aaya ako sa kaniya sa mga lugar na gusto kong puntahan. Ayaw niya rin na magkaroon ako ng kaibigan dahil gusto niya raw na masolo ako lagi. 

Ngayon ko lang narealize na masyado na pala akong nasasakal ni Gav. Masyado niya na akong minamanipula at hindi ko naman siya magawang kwestyunin. Wala akong pagtutol sa mga gusto niya pero hindi ko parin akalain na magagawa niya akong lokohin at ipagpalit sa iba. 

He betrayed me. He became a traitor. We have a relationship but he chose other woman over me. 

Why did e do that? Why did he cheated on me? What did I do wrong for him to easily replaced me? Was he ready to leave me?

All Too WellWhere stories live. Discover now